WATER FUN

458 10 16
                                    

"Hm, I guess this will do." nakapamewang kong sabi sa harap ng salamin. Pinagmamasdan ko ang repleksyon na resulta nung napili kong outfit for today. River brought me here in a bikini store just like what I've requested.



I'm wearing a pure white one piece that hugs my body perfectly. Gusto kong mag two piece pero hindi pa healed ang sugat ko sa torso kaya ito nalang. Malalim ang slit sa bandang dibdib kaya nakikita ang toned cleavage ko. Although one piece is not revealing as much as two piece, my ass and thicc thighs are too sensual that can attract unnecessary attention. Nagsuot nalang ako ng blue sarong, kakulay ng hair ko para maganda tignan. Suot ang summer straw hat, lumabas na ako ng fitting room.




Wala si River, saan naman kaya nagpunta 'yun?




"Miss, how much po lahat?" tanong ko kay Ale na nagbabantay sa counter.




"Bayad na lahat, Miss Ganda. Maraming salamat!" nakangiti nitong sabi. Sinuklian ko ito ng ngiti at nagpasalamat sa papuri niya.




Bago ako lumabas ng store ay may nakasalubong akong couple, the man is obviously ogling my body, nahalata ito ng girlfriend niya kaya malakas siyang nakatanggap ng hampas sa braso.




"Dump him." I eyed the girl before leaving the store.





Pagkalabas ay napabuntong hininga ako nang makita si River na nakaupo sa bench. Katabi niya ang batang uhugin na halos sinukin na kakaiyak.




"Akin na'to, bleh." pang aasar ni River, hawak ang ice cream nito. Hindi ko nga alam kung nang-aasar ba siya o totohanan na...literal kasi na kinakain niya na yung ice cream!




Gago talaga! Nag martsa ako patungo sa kanila at malakas na dinagukan si River. Nahinto ang batang lalake sa pag iyak nung makita ako at patahanin ko siya.




"S-sorry baby, nasaan ang Mommy mo? Bibilhan ka nalang ni Ate ng bago." kabado kong sabi, pilit ang ngiti ko na minamata ang paligid dahil baka may sumugod nalang sa amin na Nanay bigla.




The kid eventually stopped crying, his innocent round eyes blinked and stared at me for seconds before giving me a gummy smile. Tinaas nito ang magkabilaang kamay. "Carry! Carry!" masaya niyang tawa.





"You want Ate to carry you?" nagegets kong sabi. Ang cute ng batang ito, sana lang ay hindi ako mapaghinalaang masama ng nanay niya. Maliit pa naman siya kaya pumayag ako sa gusto nito, I was about to carry the kid when some kind of motherfucker decided to interfered. Pumagitna sa amin si River at naka stretch ang magkabilaang braso at binti.




"Back off! Ako lang baby nyan!" sigaw niya.





Napa face palmed ako nung magtinginan sa amin ang mga tao. Umiyak nanaman ang bata. Putangina! Nakakahiya.





"Hayup ka, bata yan!" piningot ko ang makulit na chinitong ito at tinulak siya paalis. Binuhat ko ang bata at pinatahan ito.




"What's your name? Tara bili tayo ng ice cream! Gusto mo ice cream?" pang uuto ko dito. Malapit lang naman pala sa pwesto ang tindahan kaya hindi naman suspicious kung dadalhin ko siya doon.




"Jekob! Ays kim!" bulol nitong sabi, he still has milky teeth, natetempt ako na ilagay ang daliri sa maliliit nitong ngipin.




"What do you want baby? Pili ka lang, bibilhin ni Ate." pinaupo ko ito sa display freezer at hinayaan siyang pumili sa mga flavors na nasa loob.





Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon