"Sabihin mo Vallencia, sa tingin mo ba sex lang talaga ang habol ko sayo?"
Napabuntong hininga akong napatitig sa soda can na gumulong palabas sa bukana ng vending machine. Hindi padin maalis sa isipan ko ang napag usapan namin ni Krius kagabi lang. Mukhang nagkamali ako, I made an assumption and invalidated Krius's feelings without even noticing. Hindi ko alam na katulad ko ay tinuturing niya nadin pala akong kaibigan. We may not know each other for a long time. But the intimacy we often shared in bed. Our little bonds. Late night pillow talks. And him surprising me with bunch of groceries every week. Isang month lang, pero dahil sa madalas naming pagkikita at kapwa paghawak sa katawan ng isa't isa, tingin ko ay sapat na'yon para masanay sa presensya naming magkasama.
Being close with each other is alright. Treating each other as friends is also alright. As long as he doesn't catch romantically feelings. Everything will be alright. Everything.
Hindi naman sa ayaw ko kay Krius—I mean, ano bang kaayaw ayaw sa kanya? He got the looks, money, brain, and dick. He can be also quite cute sometimes, pero may mga sometimes din na...hindi maganda sa pakiramdam. Lalo na kapag bigla biglang nagbabago ang mood niya. Pero overall, tingin ko hindi naman siya nalalayo sa ideal boyfriend ng mga kababaihan. Lalo na yung iba na type ang lalaking may pagka nerdy. Pero kung ako ang tatanungin, pass muna. Hindi dahil ayoko kay Krius—sadyang ayoko lang talaga ng kahit sino. Ayokong matali sa isang relasyon at isang tao. Ayokong mag commit. Ayokong mag take ng risk. Dahil sunod sa pera, kalayaan ang pangalawa kong minamahal.
I like being free, I like doing things in my own pace and way, I'm fine being alone.
It's fine... really..
And even if I'm not, as if there's someone who would truly accept my filth. When I couldn't even accept myself for who I am in the first place.
Anyway, mukhang nalihis nanaman ang iniisip ko sa main topic. Speaking of Krius, naiwan padin akong naguguluhan tungkol sa pinag usapan namin kagabi.
"Heroes...heroes..Krius Hilltom.."
I asked him kung nagkakilala na ba kami noon sa past, at ang sabi niya, oo daw. Tinanong ko naman kung paano? Kailan, saan? Pero ang gunggong, imbes na sagutin ako ng matino, tinulugan pa ako! Pagkagising ko naman, ayun wala na siya. Tinadtad ko nadin ng messages at call ang numero pero hindi rin sumasagot.
Bakit ba ayaw niya sabihin?
Wala nga kasi talaga akong maalala. Hindi ko siya maalala. Wala akong maalala na nagkakilala kami. O baka naman nakaligtaan ko lang? Well, hindi na ako magugulat kung ganon nga. I have this trait kasi na kapag hindi naman major sa buhay ko ang isang tao, nakakalimutan ko kaagad ang mukha at pangalan. In short, madali kong binubura sa buhay ko ang mga taong wala namang ambag at kwenta para sakin.
Sabihin na nating nagkakilala nga kami noon, pero tingin ko ay short interaction lang ang naganap kaya siguro hindi ko siya maalala. Ang dami kasing happenings sa buhay ko eh. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung ano ba talaga ang eksaktong nangyari at kung bakit ako kinukumpara ni Krius sa heroes.
Ako isang bayani? Joke ba 'yan? Hahah! Bentang benta kasi, eto nga tumatawa nalang ako mag isa habang tulala tuwing naaalala yan eh.