You must be kidding me. This can't be true..This must be set up.
Ayan ang konklusyon na nabuo sa isipan ko matapos makita si River sa putanginang get up na'yan. Anong ibig sabihin nito? Bakit ganyan ang suot niya? Nagcocosplay ba siya bilang nerd?
Ang unexpected, super super super unexpected! I never seen him wearing glasses before nor holding a book! What came to his mind to dress up like a lame guy? For all I know, pakak na pakak yan sa attire niyang pang playboy. Pinagkakaguluhan nga yan ng mga chix eh, tapos ngayon aasta siyang konserbatibong birhen? Lakas ng amats. Hindi nga lang gumagana ang disguise niyang magpaka inosente dahil madami pading babae na napapalingon sa kanyang direksyon. Ah alam ko na! Maybe he's trying to impress someone na ang tipo ay yung mga good boys ang galawan! Ayun, nakuha ko!
Pambihira, napapailing nalang akong hindi makapaniwala. Ang suspicious din ni Peyton na may kilala siyang matalino sa isang sikat na school, kilala ko ang babaeng 'to, lahat susulutsutin basta sa pera. River must have pay her in exchange of dragging me here, kaya napaka desperada niyang isama ako.
"Magkakilala kayo?" patuloy na pang gago sakin ni Peyton. Disappointed akong binalingan siya ng atensyon. Hindi ko siya sinagot bagkus ay kinuha ko ang bag at naglakad paalis. Sumigaw pa si Peyton para tawagin ako kaya nasita siya ng mga staffs.
Pakshet naman, mali talaga na magtiwala ako sa babaeng iyon. Nawalan na tuloy ako ng gana mag-aral! Akala ko seryoso na siya pero puno padin pala ng kagagahan.
"Huy teka! Anong ganap mo bitch? May mens ka ba?" awat sakin ni Peyton, sinundan pala ako nito sa labas. Tinabig ko ang kamay niya at masama siyang pinukulan ng tingin.
"Oo may mens ako pero hindi lang pekpek ko ang duduguin tamo!" kinuyom ko ang kamao at umambang bibigwasan siya. Patawa tawa naman siyang lumayo.
"Putangina ano ba kasi! Bakit ka nag walk out ah? Di mo tipo yung guy? Chinito pa man." saad nito. Ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya.
"Wag kang mag maang-maangan Peyton, baka iba talaga ang abutin mo sa akin. Umamin ka nga!" hinampas ko siya ng bag. Nasaktan ito sa ginawa ko pero wala akong pake, inulit ulit ko pa nga kahit pinagtitinginan na kami dito dahil sa pangmamaltrato ko sa hayop na'to.
"S-sige na aamin na ako!" pigil sakin ng babae. Tinigil ko na ang paghampas sa kanya ngunit kapalit naman nito ay sunod niyang katarantaduhan.
"M-mahal kita Vallen! Inaamin ko na!" hawak niya ang kamay ko habang sigaw sigaw niya yan. Kinilabutan ako nang mapunta sa amin ang atensyon ng karamihan, may narinig pa akong sumipol. Baldado tuloy ang inabot sa akin ni Peyton, ang kapal nga ng kalyo sa katawan dahil parang hindi nasasaktan. Napipikon na kasi ako sa hagalpak ng tawa nito.
"Fuck you bitch!" inis kong bulyaw.
"T-teka hahah! Ano ba kasi ang aaminin ko? Ikaw luminaw sa sinasabi mo uy! Hindi ko kilala yung chinese na'yon!" pagtanggi ulit ni Peyton. Nilayasan ko nalang siya at pumunta na sa paradahan ng pedicab. Uuwi nalang ako kaysa magsayang ng oras dito.
Sa huli ay hindi nga lang ako nagtagumpay sa gustong gawin. Para kaming tanga dalawa na nagpapatintero sa gitna ng daanan. Peyton explained to me that she really doesn't know who the guy is. Ang kilala niya lang dito ay si Ana na niligtas niya sa mga adik na tambay sa kanto nila. Pagkatapos 'non ay nag exchanged sila ng number, itong si Ana naman ay todo paalala daw sa kanya na magsabi lang kapag need niya ng tulong. Kaya ngayong nalalapit ang exams namin, naisip na nga ni Peyton gawin itong study group. Inimbita niya ako dahil ayaw niyang mag-isa lang daw siya kasama si Ana, ang awkward daw. Ayaw pa aminin na nahihiya lang siya. Peyton also admitted na coincidence lang daw ang pagkadawit ni River, hindi niya nga daw ito kilala. Naalala ko din tuloy ang paghingi ng paumanhin ni Ana kay Peyton dahil basta niya nalang dinala ang kaklase without informing her.