"Mukha kang miserable." unang bati sa'kin ni Peyton pagkalabas namin ng Office. Nandito kami ngayon sa isang karinderya, kumakain ng tig-benteng ulam pagkatapos makipag rambulan.
"Mas lalo ka na." tipid kong ani, walang ganang pinaglalaruan ang adobo sa kanin. Parehas kaming pinagtitinginan ngayon ng mga customers dahil sa ayos. Hindi maibalik ni Peyton ang pagkakaayos ng buhok dahil matindi ang pagkakabuhol, nagpalit na siya ng damit pero mas lalo namang nakita ang mga sugat niya sa katawan. Samantalang ako ay nakasuot ng PE uniform, hindi pantay pantay ang buhok ko na ngayon ay umaabot nalang sa leeg. I took a shower but the smell of contaminated water is still there. Nanunuot sa balat ko, nakakapandiri.
"Ano na ang plano mo?" tanong ko sa kanya. Kibit balikat naman itong sumagot at kinuha ang ulam ko sa plato, hindi ko siya pinigilan sa ginawa.
"Wala, hindi na ako mag aaral. Hanap nalang afam."
"Siguraduhin mong mayaman." ani ko. Wala akong gana ngayon kumain kaya pinalamon ko nalang ang order kay Peyton. Nga pala kanina, dapat ay expelled nadin ako tulad niya dahil sa ginawa kay baboy at pedo. But for some reason, ang nakuha ko lang ay second warning. Siguro ay dahil kay Mom nanaman...
Nanakit ang sugat ko sa katawan tuwing naaalala na pupunta siya dito mamaya. Fuck. Can someone give me a break? Sunod sunod ang kaguluhan sa buhay ko. Mamamatay siguro akong miserable.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko kung ano ang plano mo. Diba ayaw mo makita nanay mo?" pagbuklat na nga ni Peyton sa usapin. Napabuntong hininga ako for the nth time.
"Papatayin ko nalang siya siguro." pagod kong ani, galit padin sa ginawa niya kay River.
"Mema ka," Peyton rolled her eyes, "Ano ba kasi ang nangyari? Kahapon lang ay takot na takot ka sa transferee tapos ngayon nabully ka na. Magkakilala kayo?"
"Peyton, kung ayaw mong usisain ko ang tungkol sa inyo ni Ricci, wag ka nang magtanong pa tungkol sa buhay ko." I warned her. Napataas ito ng kamay at mabilis na tumango.
Hinintay ko siyang matapos kumain bago namin lisanin ang karinderya. Naglakad lang kaming dalawa sa kung saan saan, parang mga batang lansangan. Wala kasi kaming alam na lugar, ayaw ko din munang bumalik sa school dahil nakakasakal ang lugar na'yon. Baka may mangyari nanamang hindi maganda.
"Vallen, ang astig mo kanina." tukmol na ngumiti si Peyton at nag thumbs up. Medyo namumula ang pisngi nito dahil sa sapilitan niyang puri sa'kin. Ang pangit niya..
"Pwe, wag mo akong daanin diyan. Hindi ko yun ginawa para sayo."
"Wala naman akong sinabi na ginawa mo para sakin yun ah?" aniya, mas nauna itong naglakad sakin. Sumunod ako sa kanyang likuran at para gawin nadin siyang panangga sa sinag ng araw.
"Alam mo, first time ko na may magalit para sakin. Nakakatats." tawa nito, para niyang bata na sinundan ang puting guhit sa karsada. Naalala ko tuloy na ginagawa ko ito noong bata, tapos kapag nahulog o nawala sa linya ay mapupunta sa impyerno. Sinundan ko ang isip batang yapak ni Peyton.
"Hirap maging mahirap. Pinatos ko kahit anong sideline basta sa pera. Madaming galit sakin dahil sa sariling diskarte kaya wala akong kaibigan." Peyton continues, I have no idea where this conversation would be.
"Pero kahit mas mahirap pa sa daga, gusto ko padin mag aral at makapagtapos. Ito tuloy ang napala ko. Maybe studying is really not for me, hindi naman kasi ako matalino eh. Magtatrabaho nalang talaga ako." Peyton suddenly stopped, bumunggo ako sa kanya kaya naitulak ko siya paalis sa linya. Umapak siya sa impyerno.