MAD

383 8 7
                                    


Something changed in me after that fateful night. After River nearly died in front of my eyes, after I told him my ugly side.


I can't exactly pinpoint, but I can describe it similarly to a gigantic boulder being lifted off my chest. Ang gaan ng pakiramdam ko, at sandali akong nakahinga ng maluwag sa mga sumunod na araw.



Hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa pag open up ko sa kanya. Ginawa ko din naman ito sa therapist ko at ibang mga tao. I've heard a lot of kind words from my therapist, but there's always doubt in my heart believing what they said. Hindi ko malaman kung sinasabi lang ba nila iyon dahil may pakialam sila sa'kin, o may pakialam sila sa perang matatanggap. I know it's bad to judge people but it's really hard to open my heart for people when it's clear that there are advantages and benefit when being kind to me. Pero naiiba pagdating kay River, hindi ko matukoy. Nararamdaman ko lang na ligtas ako sa kanya at mapagkakatiwalaan ko siya. It's bad that I'm starting to feel more comfortable at his presence yet I don't really dislike it. Tutal ngayon lang ako naging komportable ng ganito kalalim sa isang tao.



Aaminin kong may pag alinlangan padin ako kay River nung una despite sa lahat ng mga nangyari. Ngunit nung nasaksikahan kong hindi niya padin ako iniwan at hindi isinawalang-bahala, natutunan kong bumigay at tanggapin nalang ito. I can't continue doubting his intentions, nakaka guilty lalo na nung wala siyang pagdadalawang isip na kayang talunin ang bangin para sa'kin. Wala akong karapatan na bulagin ang sarili sa insecurities pagkatapos ng lahat 'non. I'm insulting River if I do that. It's hard to believe because it's good to be true, but I couldn't repudiate that River is really just a kind person. Dahil lang sa hindi ako sanay, ibig sabihin ay hindi na totoo ang ipinapakita niya.



"Sabing okay lang ako." I said for the nth time, inalis ko ang helmet sa ulo at bumaba ng kanyang motorsiklo. Naka uniform na ako at nandito nadin sa school pero hindi niya padin ako nilulubayan ng tanong.



"Bilisan mo, malelate ka na!" pagtataboy ko dito.



"Are you sure? Kapag hindi mo kaya, magpahinga ka nalang muna. Don't force—"



"River, ang kulit mo naman." I sighed. Nagiging pabigat na ako sa kanya, he's been skipping classes just to take care of me. Ngayon ay malelate pa siya dahil ang bagal kong gumayak. "I'm really fine, maraming salamat sa lahat River." magaan akong ngumiti. Bumaba ang tingin ni River sa kamay kong tumapik sa kanyang tuhod.




He's now wearing a new rose gold eyewear instead of his old silver that I broke. Kahit anong kulay ay bagay sa kanya, halata naman sa mga estudyanteng nagnanakaw ng tingin.




"Alright," hindi na nanlaban pa si River. Kinuha niya ang inabot kong helmet at isinuot ito. "Sunduin kita mamaya?"




"Depende, I'll chat you."




"Anong depende? Susunduin kita."




"Iba ang schedule natin. Hanggang 7pm kayo."




"Magagawan ko ng paraan—"




"River!" I glared at him. Natikom ni River ang bibig at napakamot nalang sa pisngi. Lumingon siya sa'kin at mabilis nag iwas ng tingin nung matagpuang matatalim ko padin siyang tinitignan.




"S-sorry...nag aalala lang. I'm gonna go now." napanguso niyang sabi at kinambyo ang motorsiklo. Napabuntong hininga nalang ako, bago pa man siya makaalis ay tinawag ko siyang muli. I feel bad..




"River.." mas malambot ang boses. Agad na tumugon si River ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong magsalita. I kissed him on the cheek, a very light peck. "Thank you.."




Kiss Me, NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon