"E-ella...paano kung gumanti sa atin 'to?" tanong ni Trish, ang isa sa mga kasabwat ng transferee sa gagawin. Trish hesitantly looked at Vallencia on the floor, ginapangan siya nang takot sa matatalim nitong mga mata. Haka haka kasi na delinquent ang babaeng bibiktimahin, itsura palang naman kasi ay parang naghahamon ng away palagi. Hindi lang si Trish ang nag-iisang takot, lahat ng iba pa nilang kasabwat ay nagdadalawang isip.
"Don't worry," Ella calmed their nerves, binuka sara nito ang hawak na gunting at umupo sa tabi ni Vallencia. Idinutdot niya ang talim sa leeg ng dalaga hanggang sa dumugo ito. Vallencia flinched from the pain, but didn't show resistance. It's useless, ano ba ang laban niya sa apat na estudyanteng nagtutulungan pumigil sa kanya?
"Kisenya is not like what you guys think. Definitely not a delinquent or any kind of gangster. She won't fight back, because Kisenya is the most coward bitch I know." Ella grabbed Vallencia's damp hair. Napatunayan niya ang sinabi sa mga kasamahan dahil hindi nga ito nanlalaban. Vallencia could headbutt her or even bite Ella's nose because they are too close, but the woman didn't, because she seems to be lost in trance. Nanginginig ito sa takot na parang isang askal na pinagtulungang bugbugin sa kalye.
"Ella, do you need gloves? Touching a dirty slut like her would give you allergies." Caya suggested. Ella smirked at the fake concern of these dumb bitches who will lick her feet for money. Kakatransfer niya lang kahapon pero nakuha niya agad ang loob ng mga ito nung sinilaw niya sa pera. Money really makes everything easier.
"No need," Hindi naman siya maarte. Ella pulled Vallencia's dark blue hair that has now become sticky from contaminated water. Walang pakialam si Ella kung madumihan man ang kamay, tutok lang ang mga mata niya kay Vallencia na malayo ang tingin ngayon. Her eyes are dark empty, imitating an endless pit. This expression is very familiar with Ella since they were best friends. Alam niyang nasa kalagitnaan ito ng pag dissociate. This is how Vallencia cope up and escape from being hurt, she will forget things easily if she's dissociating. Subalit hindi ito hahayaan ni Ella ngayon, gusto niyang isiksik sa kokote ng dalaga ang mga detalyeng gagawin niya sa kanya.
"Stop being a coward and face me!" sinampal ni Ella si Vallencia, paulit-ulit niya itong ginawa at hindi tumigil kahit dumudugo na ang labi at ilong ng dalaga. Nagpalitan ng tingin ang mga estudyanteng saksi, may ibang naaawa, at meron nalang na natatawang vinideohan ang pangyayari.
Ella continue beating the girl yet they didn't hear any mutters of pain from her. Kagat kagat ni Vallencia ang labi para pigilan ang gumawa ng ingay, hindi niya na maramdaman ang mukha niya dahil sa pagkamanhid dulot ng pananakit ni Ella. Then she heard faint sounds of metal clanking together, ang mahaba niyang asul na buhok ay bumabagsak sa sahig at kanyang braso. Kung dati ay umaabot sa kanyang beywang, ngayon ay sobrang laki ng bumawas dito. Ang ikli at pagkagutay ay umaabot nalang sa kanyang leeg.
The women around who knows the pain of having a terrible haircut had goosebumps watching the massacre. Nagbulungan ang mga ito at tahimik na pinagpapasalamat na hindi sila ang nasa pwesto ni Vallencia.
"Damn, sayang.."
"That must've hurt than being slap."
"Tangina, crush ko pa naman siya. Ang pangit niya na ngayon."
"Hindi kita sisingilin. Be thankful nalang dahil nag effort ako maging barbero mo, okay?" ngiting ngiti si Ella na pinagmasdan ang walang kalaban laban na dalaga. Hindi na nga pantay ang pagkakagupit niya dito tapos napaiksi pa ng todo. Vallencia's beautiful blue hair became so ugly. Gusto niyang makita ang pangit na ekspresyon ng dalaga kaya bayolente niyang inangat ang bagang nito.