"Oy, best! Nakita mo na ba iyong bagong neighbor natin? Gosh, ang cute niya!" tila bulateng inaasinan na sabi ni Luisa. Mababakas sa mukha ang kilig nito sa isinambit. Agad namang napabusangot ang mukha ni Liza sa sinabi ng kaibigan.
"Ano? Guwapo? Sino? Ang mukhang tukmol na iyon? Ew!" agad na kontra pa niya rito. Bakas ang pagka-disgusto nito sa binata. Kulang na lang ay ipagsigawan pa nito ang pagkainis sa bagong kapit-bahay.
"Ay grabe siya kay neighbor. Ang laki naman ng inis mo." Humalukipkip pa si Luisa habang nakatingin sa kaibigan.
"Alam mo best? Malabo na iyang mata mo. Feeling ko e kailangan mo nang magpasalamin." At kahit kailan naman talaga ay kontra si Luisa sa kaniya. Hindi nga niya maintindihan kung paano niya ito naging best friend. Complete opposite sila nito. Kalog si Luisa at suplada naman siya.
Kung ikukumpara ang ugali nila ay tiyak na walang kahit sinong gugustuhing maging kaibigan siya. Sadya lang talaga na pala-kaibigan si Luisa kaya naman nagtatagal pa rin sila. Inirapan niya ang kaibigan at kumontra sa sinabi nito.
"Excuse me 'no! 20/20 yata ang vision ko. At isa pa e hindi naman talaga guwapo iyang lalaking iyan. Tingin ko e ang mata mo na ang may problema," ungot pa ni Liza rito.
At ngumuso na lang si Luisa sa kaniya bago itinukod ang siko sa balkonahe ng bahay ng kaibigan. Pagkatapos ay nagpangalumbaba habang nakatingin sa lalaking kapit-bahay ng best friend niya. Tila ba hinahatak ng binata ang mga mata nito na titigan siya.
"Feeling ko, best, may gusto siya sa'kin. Kanina pa niya ako tinitingnan e." At tinaasan lang ni Liza ng kilay ang matalik na kaibigan at umiling.
"Bagay naman kayo. Pareho kayong baliw," sabi pa ni Liza at ngumuso namang muli si Luisa sa kaniya.
Patuloy pa rin na pinagmamasdan ang kapit-bahay ng kaibigan na kasalukuyang nagba-basket ball. Isang linggo na mula nang lumipat ito sa tabing bahay ni Liza. Isang linggo na ring kinukulit siya ni Luisa na mag-stay roon. Kaya naman pala. Dahil may ibang agenda ang babaita.
Kahit isang linggo na ang binata ay hindi pa niya ito nakikilala pero narinig na niya ang pangalan nito sa may kanto. Usap-usapan kasi roon na may guwapong bagong lipat. Hindi nga ba niya ito kilala o ayaw lang talaga niya itong kilalanin.
Hindi naman maintindihan ni Luisa kung bakit parang ang init ng dugo ni Liza sa kapitbahay nito. Mukha namang mabait ang binata. Hindi naman ito mukhang suplado at mayabang. Mukha nga lang itong babaero. Pero mukhang maginoo. Isa pa ay bet niya ang mga hulmahan nito.
"Makisig, matangkad at masarap." Naiiling si Luisa sa naisip niya pero mukha naman talaga itong masarap.
"Oh my gosh, best!" tili nito na hindi mapigil ang sarili nang sulyapan siya ng binata. Ngunit mayamaya ay napasapo sa ulo sabay kamot.
"Aray naman, best. Ang sakit a," iritableng sbai ni Luisa. Paano ay naglanding ang daliri ni Liza sa ulo niya at binatukan siya.
"Makatili ka naman kasi wagas. Ano ba kasing itinitili-tili mo riyan?" tanong ni Liza. At haplos-haplos naman ang ulo ay hinarap ni Luisa ang best friend niya.
"Kinindatan lang naman ako ni pogi. Type niya talaga ako!" saad pa nito at muling tumili kaya naman muli ay binatukan siya ni Liza.
"Alam mo magkakabukol ka sa'kin kapag hindi mo itinigil ang kalandian mo," sermon niya rito. At bumusangot na lamang ito sa kaniya. Hindi rin kasi nito alam kung bakit naging magbest friend sila ni Liza. Na-realize na lang nito na lagi na niya itong pinupuntahan sa bahay.
Nagkakilala sila ni Luisa isang convenient store na malapit sa lugar nila. Bumibili siya ng cup noodles dahil hindi niya namalayan na ubos na pala ang stocks niya ng pagkain. Timing naman na umulan at wala siyang payong. At sa pagtataka niya ay pinahiram siya nito ng payong kahit hindi siya nito kilala.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...