"Let's just stop. Let's start over. Mom won't do anything to us since she's alive," saad ni Sarah habang kausap si Mico sa bahay nito. Pinipilit nitong pagsabihan si Mico. Ngunit alam naman niyang matigas ang ulo nito at sarado ang puso.
"Hindi puwede. Akin si Katlyn. Akin lang siya. Hindi siya puwede bumalik kay Aldred!" Halos maubo si Sarah nang bitiwan nito ang leeg niya sa sobrang galit na nararamdaman. Kung hindi nito binitiwan kaagad ay siguradong nawalan na iro ng hininga.
"Wala kang karapatan sa kaniya. Ikakasal na sila ni Kuya. Hindi ka niya mahal kaya tumigil ka na!" Pinaghahampas niya ang dibdib ni Mico dahilan para lalo itong magalit. Nagtangis ang mga bagang nito at tiningnan siya nang masama.
"Huwag kang makikialam sa mga plano ko." Muling hinawakan nito ang leeg ni Sarah at ngayon ay mas mariing kaysa kanina. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa habang kausap siya nito.
"Huwag mong sisirain ang mga plano ko," pagbabanta pa nito at saka binitawan ang leeg niya. Napasalampak siya sa sahig. Bago pa man magawan siya nito ng ano pa mang pananakit muli ay agad siyang tumayo. Mabilis na nanakbo si Sarah palabas ng bahay nito. Lingid sa kaalam niyang kinausap na nito ang mga kapatid niyang sina Pando at Bulol.
"Tuloy ang plano." Pagkatapos kausapin ni Mico si Pando ay binaba na nito ang telepono. Hihintayin niyang makabalik si Katlyn sa bahay niya. Tiim bagang na napakuyom ng palad si Mico.
"Hindi kayo magiging masaya. Akin ka lang. Tandaan mo 'yan," usal nito sa sarili. Ilang minuto pa ay nagpadala siya ng mensahe kay Katlyn.
"Kat, mag-usap tayo pag-uwi mo," basa niya sa mensaheng ipinadala niya kay Katlyn. Ngunit ilang minuto na ay wala pa ring reply ang dalaga kaya napasuntok na lang ito sa pader.
Sa inip ay mabilis na nagbihis at tumungo ito sa kotse para puntahan ito sa coffee shop na ayon sa magkapatid ay patungo roon sina Aldred at Katlyn. Mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan. Kailangang makausap niya si Kat. Kailangan.
KASALUKUYANG nasa biyahe sina Aldred at Katlyn patungo sa coffee shop. Ito ang huling araw ng pagiging part-timer ni Katlyn bilang Liza. Pagpasok nila ng pinto ay agad silang sinalubong ni Madam Teresita.
"Good morning, Sir! How's your vacay?" bungad nito.
"Fantastic!" tipid na sagot ni Aldred habang ngiting-ngiti.
"Mukhang masaya at maganda ang naging bakasyon mo, Sir." Nagpapa-cute pa ang matandang dalaga sa boss niya.
"Well, I would say that." Nakangiti rin naman si Aldred. Sabay na napatingin ang matandang dalaga at si Aldred sa pumasok—si Katlyn. Paano ay may kinuha pa siya sa sasakyan at inayos kaya naman pinauna na niya si Aldred.
"Mahal," sambit ng binata at ngumiti naman nang malapad si Katlyn. Agad na napataas ng kilay si Teresita sa narinig. Ganoon din naman ang nagsi-lingunan na mga crew.
"Mahal daw, narinig mo 'yon?" sambit ni Rod sa katabi. Umangat ang gilid ng labi ni Becca.
"Mukhang bumagsak na ang ship n'yo," saad pa nitong muli.
"Ang landi talaga niyan. Nagbakasyon lang si Sir tapos sumama-sama pa 'yan," bakas ang gigil da mukha na sagot ni Becca.
"Mismo!" sang-ayon ni Bakla.
"Meeting tayo bago magbukas." Tumango naman ang matanda pagkasabi ni Aldred at saka hinawakan sa palad si Katlyn. Nagtungo sila sa opisina at siniguradong kompleto ang pasalubong nila sa staff bago lumabas at nagtungo sa dulo ng shop para sa meeting nila. Naroon na rin ang crew pagdating nila.
"Salamat sa inyong lahat for working hard while we're away. And for that, may pasalubong kami sa inyo." Isa-isang tinawag ni Aldred ang mga ito at iniabot ang pasalubong. Bakas sa mukha ng mga ito ang kilig dahil sa natanggap mula sa guwapo nilang boss.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...