Chapter 31 - Lie

20 1 5
                                    

  "Hi! Anong kailangan mo?" saad ni Mico nang bahagyang buksan ang gate ng kaniyang bahay.
 
  "A, puwede ba kay Liza? Pakisabi na dinadalaw siya ni Luisa. Nabanggit kasi ng friend ko na tumutuloy siya rito ngayon," paliwanag ni Luisa nang harapin siya nang may katamtamang taas na lalaki. Bahagya pa siyang nahiya dahil sa ka-cute-an ng lalaking kaharap.
 
  "Liza?" saglit na napaisip ang binata.
 
  "Oo. Nandiyan ba siya?" agad na tango ni Luisa bilang pagsang-ayon sa pangalan na sinabi ng lalaki.
 
  "A, si Liza. Umalis kasi siya. Sabihin ko na dumalaw ka pagdating niya," sagot ni Mico. Kunot ang noo na napaisip si Luisa. Mayamaya ay naisipan niyang dumalaw na lang sa susunod.
 
  "Talaga? Sabi niya kasi wala naman siyang pupuntahan today. S-sige. Pakisabi na lang, a. Sige, una na 'ko," nauutal na sambit ni Luisa.
 
  Naisip niya na dapat ay nagsabi muna siya kay Liza na darating siya para maabutan niya ito. Ikalawang beses na niyang tinangkang dalawin ito ngunit palaging wala naman ito. Noong una ay walang nagbukas sa kaniya. Ngayon naman ay wala pa rin ito. Nakalimutan din naman niyang magmessage.
 
  Nang makaalis si Luisa ay isinara na ng binata ang gate at pumasok nang muli sa loob. Abala si Liza sa paghahanda ng merienda nila ng binata para sa pagswimming nila. Sa ilang araw na pamamalagi niya roon ay nakasanayan na niyang samahang magswimming si Mico.
 
  "Sino raw 'yon?" usisa ni Liza. Naalala niya na nangako si Luisa na dadalaw ito sa kaniya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagawi roon.
 
  "A, wala naman. Nag-so-solicit, for christmas." Napakunot ang noo ni Liza. Maaga pa para sa bagay na iyon. Alam niyang ber months na pero para magsolicit ay mukhang masyado pang maaga.
 
  "Ang aga nila, a." Tanging reaksiyon niya.
 
  "I know right," sagot lang din naman ni Mico.
 
  Ilang araw na ring hindi dumadalaw roon si Aldred. Inaamin niya sa sarili niya na nami-miss niya ito. Mabuti na lang at naroon si Mico. Nakagaanan na niya ito ng loob at sa una pa lang naman ay masaya na siyang kasama ito.
 
  "Tara, okay na 'to." Binuhat ni Mico ant tray ng juice at sandwich na gawa ni Liza. Sabay nilang tinungo ang pool. Nang mailapag ang hawak ay agad na tumalon si Mico sa pool.
 
  "Tara na. Mamaya ka na magmerienda," alok nito kay Liza.
 
  "Wait lang." Ininom ng dalaga ang juice at nang mailapag na nito ang baso ay nataranta itong napalundag sa pool nang makitang tila pinupulikat si Mico.
 
  "Hey! Okay ka lang?" Mabilis na hawak nito sa balikat ng binata. Halos tumalon ang puso niya nang bigla itong sumigaw.
 
  "It's a prank!" saad ni Mico sabay halakhak. Pinaghahampas ito ng dalaga dahil sa ginawa nito. At bilang pagpigil dito ay niyapos n Mico ang dalaga. Natigilan ito at napatingin sa binata. Tila natuod si Liza nang magtama ang paningin nila. Pakiramdam ng dalaga ay tila hinahabol siya ng kung ano sa bilis ng tibok ng puso niya.
 
  Gusto niyang itulak ito ngunit tila malakas ang kapit nito sa kaniya. Hindi rin naman kumikilos ang katawan o braso ng dalaga para ilayo ang sarili rito. Unti-unti naglalapit ang kanilang mga mukha. Langhap niya ang hininga ni Mico. Tila inaakit siyang tanggapin ang inaalik ng labi nitong halik. Ngunit sa likod ng isip nito ay si Aldred ang naroroon.
 
  Ramdam niya ang tibok ng puso ni Mico dahil sa paglapat ng dibdib nila. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Aldred kahit wala namang sila. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila nang maramdaman ni Mico na tila may yabag na papalapit sa kanila. Marahan niyang inilayo ang dalaga.
 
  "I'm sorry," sambit ng binata. Hindi naman nakaimik si Liza. Sabay silang napalingon nang magsalita ang bagong dating.
 
  "Mukhang nagkakasayahan kayo, a," rinig nilang sambit nito.
 
  "O, pare? Paano kang nakapasok?" agad na tanong ni Mico pagkatapos ay nilapitan si Aldred.
 
  "Napansin ko na hindi naka-lock ang gate kaya pumasok na ako. Tinatawag kita pero walang sumasagot kaya tumuloy na ako," paliwanag ni Aldred habang napapatingin kay Liza. Nakita na naman niya ang hubog ng dalaga. Gusto niyang yakapin ito. Pag-aari niya ito ngunit noong si Katlyn pa ito.
 
  "Gano'n ba?" Gustong magmura ni Mico sa inis. Tiim ang bagang na sinisisi ang sarili kung bakit niya naiwang bukas ang lock ng gate. Naisagawa na sana niya ang plano niya. Lalo pa at tiwala sa kaniya si Liza.
 
  "Sali naman ako sa inyo," sabi ni Aldred na walang sabi-sabi na hinubad ang dilaw na shirt at puting shorts. Mukhang handa ito dahil boxers na lang ang suot nito.
 
  Mabilis na napapikit si Liza. Hindi niya alam kung bakit nailang siya sa suot ni Aldred na boxers samantalang halos brief na lang ang suot ni Mico. Nahihiya siya lalo pa at muntik na niyang tanggapin ang halik ni Mico.
 
  Napatili si Liza nang lumundag si Aldred sa harapan niya at tumalsik ang mga tubig sa mukha niya. Napahalakhak na lang si Aldred. Tila hindi naman natutuwa si Mico ngunit pinilit nitong itago sa sarili ang nararamdaman. Ngayon pa ba siya magpapabuko kay Aldred?
 
  "Sorry, napalakas yata ang impact ng talon ko." Natatawa pa rin si Aldred sa reaksyon ng dalaga.
 
  "O-okay lang," nauutal na sabi ni Liza. Alangan namang sabihin niyang hindi okay.
 
  "Kumusta stay mo rito?" tanong ni Aldred. Gusto niya itong sumbatan kung bakit ngayon lang ito nagpakita. Ngunit anong karapatan niyang manumbat? Sila ba?
 
  "Okay naman. Nasasanay na ako," sagot na lamang niya.
 
  "Hindi ka ba pinahihirapan ng kaibigan ko?" malokong sabi ni Aldred sabay lingon kay Mico.
 
  "Hoy, pare. Baka isipin ni Liza, e, may balak akong pahirapan siya. Baka bigla akong layasan niyan." Humalakhak si Aldred sa sinabi ng kaibigan.
 
  Natawa rin naman si Liza ngunit bahagya lang dahil sariwa pa sa isip niya ang muntik na mangyari kanina. Hindi niya alam kung bakit nang maisip niya iyon ay napatingin siya sa labi ni Aldred at napalunok. Pasalamat na lang siya at hindi nakatingin ang binata.
 
  "Pare, maiwan ko muna pala kayo. May gagawin pa pala ako," paalam ni Mico. Sa totoo ay nagseselos siya. Ayaw niyang kaawaan ang sarili kaya naman siya na lang ang iiwas.
 
  "Sige, p're. Ako na ang bahala sa bisita mo." Natawa lang si Mico pagkatapos ay umahon na ito. Naiwan naman ang dalawa sa pool. Nag-stay sila sa gilid habang nakaupo sa hagdan ng pool.
 
  "Kumusta ka—," sabay na sabi nina Liza at Aldred. Nagkatawanan pa ang dalawang kanina ay nagkakailangan. Tahimik ang paligid at pahapon na. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Tamang-tamang timpla para makapag-usap ang dalawa.
 
  "Okay lang naman ako, nabo-bored lang. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa," sabi ni Liza nang tumango ang binata para paunahin siyang magsalita.
 
  "Eksakto pala. May sasabihin talaga ako kaya ako napapadpad dito," saad naman ng binata.
 
  Naalala na naman ni Liza ang hindi pagdalaw nito. Puwede kaya niyang tanungin kung bakit hindi man lang siya nito dinalaw ng ilang araw? Kung bakit pinabayaan lang siya nito? Pinabayaan nga ba siya? At bakit naman siya dapat dalawin? Maraming katanungang tumatakbo sa isipan ni Liza ngunit naisip niyang lahat ng iyon ay wala siyang karapatang itanong.
 
  "Ano naman ang itatanong mo?" She's curious at the same time, she's excited on whatever he's going to ask. She whispered, "saan ka ba kasi galing?"
 
  "Hindi ako nakadalaw dahil may inasikaso ako." Nanlaki ang mga mata niya nang sagutin ni Aldred ang bulong niya. Tila ba narinig nito ang ibinulong niya.
 
  "Wait, what am I saying?" Natatawa si Aldred kung bakit parang nagrereport siya rito kung bakit siya nawala. Hindi niya narinig ang bulong nito pero pakiramdam niya ay dapat siyang magpaliwanag at karapatan nitong malaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
 
  "Okay lang," nahihiyang sagot ni Liza. Ang totoo ay masaya siya sa isinagot nito.
 
  "So, 'yon na nga. Ang gusto kong i-alok ay ang trabaho sa coffee shop ko. Hiring kasi kami at naisip kong baka nabo-bore ka na rito kaya baka gusto mong mag-work," pagsisinungaling nito tungkol sa hiring nila. Napahinga pa ito nang malalim ang binata matapos magpaliwanag.
 
  "Okay ka lang?" Natatawa si Liza. Tila napagod ang binata sa pagsasalita. Tumango naman si Aldred.
 
  "Okay ba sa'yo na magwork sa coffee shop?" pag-uulit ni Aldred.
 
  "Akala mo siguro hindi ko mababayaran ang gastos mo sa food ko rito kaya pinagtatrabaho mo na 'ko," sabi ni Liza.
 
  "Oy, hindi, 'no. Talagang hiring lang kami. Kung ayaw mo naman ay okay lang. Ako naman ang nag-insist na mag-stay ka rito." Agad na bawi ni Aldred sa sinabi. Napahalakhak na lang si Liza. Seryoso ang binata sa sinasabi at nagawa pa niyang biruin.
 
  "Joke lang." Sumeryoso si Liza. Napasandal pa siya sa gilid ng pool bago nagsalita.
 
  "Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa'yo. Eversince na makilala kita, ako na yata ang salot sa buhay mo. Pakiramdam ko kaya inaasar mo 'ko ay dahil naistorbo ko ang tahimik mong buhay nang maligaw ako ng uwi sa bahay mo." Natawa si Aldred sa tinuran ng dalaga.
 
  "Oy, hindi naman. Naalala mo pa pala 'yon?" Naiiling na natatawa pa rin siya.
 
  "Bakit? Ikaw ba? Nakalimutan mo na?" Napasinghap si Liza nang magtungo sa harapan niya si Aldred. Napatong ito sa ibabaw niya habang nakatitig sa mga mata niya.
 
  "That's one of the best things that happened to me," seryosong sabi ni Aldred.
 
  "B-best?" nauutal na sabi ni Liza. Naiilang siya pero ayaw niyang itulak ang binata. Tila ba nasisiyahan siya sa posisyon nila ngayon. Ngunit lingid sa kaalaman nila ay may nagngingitngit na nakasilip sa kanila habang nakakubli sa terasa.
 
  "Kung hindi ka naligaw sa bahay ko, hindi kita makikilala," saad ng binata. Ramdam ni Liza ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Tila nakapapaso ang init niyon. Alam niyang namumula na siya. Ramdam niya rin ang tila bilis ng tibok ng puso ni Aldred.
 
  "I know it's weird but... You've been occupying my thoughts." Chance na ito ni Aldred. Hindi na niya palalampasin pa ang magtapat kay Liza. Kahit pa hindi niya alam kung matatanggap ba siya nito. Pag-aari niya ang dalaga ngunit hindi ito alam ni Liza.
 
  "B-baka kulang ka lang sa tulog," sagot ni Liza na taliwas sa kung ano ang nasa isip niya. Oo ang gusto niyang isagot ngunit wala namang tanong ang binata na iyon ang nararapat na sagot.
 
  "Maybe. Pero, kung mauulit ang tagpong iyon sa bahay, hindi na kita pauuwiin. Ikukulong kita sa mga bisig ko hanggang sa tumigil ka sa pagpupumiglas." Ang mga bulong na iyon ay tila kumikiliti sa dalaga. Ayaw niyang patulan ang sinasabi nito dahil baka nadadala lang ito sa lamig ng panahon. Ngunit kung hahalikan siya nito ay buong puso niya iyong tatanggapin.
 
  "Mukhang nag-e-enjoy kayo," sambit ni Mico. Sinadya niyang putulin ang matamis na nagaganap sa dalawa. Hindi na niya matiis ang natatanaw mula sa terasa.
 
  "Wrong timing ka naman, Pare," may tonong pagkadismaya na biro ni Aldred sa kaibigan.
 
  "Iniinggit mo naman ako. Alam mo namang hindi ko pa rin ang matamis niyang oo," tukoy nito ay si Sarah.
 
  "Ang hina mo kasing dumiskarte," biro pa ni Aldred. Hindi naman makaimik si Liza. Kung bakit ba naman nagpadala siya sa dalawang ito. Muntik nang makahalik sa kaniya ang dalawa. Bakit ba napakarupok niya? Naiiling na huminga siya nang malalim at lumangoy patungo sa kabilang dulo ng pool.
 
  "Oy, teka. Hintay." Lumangoy na rin si Aldred papunta sa kaniya at sinundan naman sila ni Mico.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon