Chapter 8 - Concerned

47 7 0
                                    

        Mabuti na lamang at naagapan ng binata ang kapit-bahay niya kung hindi ay baka dagdag pa sa problema nito ang pagkabagok sa ulo kapag nagkataon. Tarantang sinubukan niyang gisingin ang dalaga ngunit hindi ito nagigising. Nagpalinga-linga siya at baka sakaling may makatulong sa kanila.
     
      "Hey, gising... Liza," pukaw ni Aldred sa dalaga habang tinatapik-tapik ang pisngi nito ngunit hindi pa rin ito magising. Wala ring ibang tao sa paligid sa pagkakataong iyon.
       
        "Ang init mo," sambit pa ni Aldred habang sapo-sapo ang noo nito. Sinubukan niyang maghanap pa ng makatutulong ngunit wala talaga kaya naman agad niya itong binuhat at dinala sa sala. Inihiga niya ito sa sofa at kumuha ng bimpo na nakita niya sa sampayan. Iyon ang ginamit niya para mapababa ang init ng katawan ng dalaga.
       
        "Liza," gising niya pa rin dito ngunit umuungol lang ito dahil sa init na nararamdaman sa katawan. Pinunasan niya ang dalaga sa noo, leeg, braso at sa hita nito na mainit din. Nilagyan din niya ng yelo at alcohol ang tubig na pinaghawhawan niya sa bimpo para mas madali itong makapagpaalis ng init sa dalaga.
   
    "Ano ba'ng nangyari sa'yo, my loves," saad niya nang matapos itong punasan. Inilagay niya ang bimpo sa noo nito. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya nahuli ang sarili na nakatitig sa dalaga. Nailing na lang siya.
   
    Simula nang lumipat siya sa bahay niya at mangyari ang insidente sa kanila ni Liza sa bahay niya ay lagi nang mainit ang ulo ng dalaga sa kaniya. Wala rin naman siyang ginawa rito kung hindi ay pikunin nang pikunin. Natawa na lang siya sa sarili bago tumayo sa kinauupuan.
   
    Sinigurado niya na mababa na ang lagnat ni Liza bago siya nag-decide na umuwi at iwan ang dalaga. Naghanap kasi siya ng mailuluto sa kusina nito ngunit kulang ang ingredients kaya naman umuwi muna siya sa bahay niya para doon magluto. Nakabantay naman si Batik sa amo niya at binilinan niya ito.
   
    "Batik, bantayan mong mabuti si My loves, a. Huwag mong iiwan. Kapag nagising siya tawagin mo lang ako. Nasa kabilang bahay lang ako." Tumahol naman si Batik na para bang naiintindihan niya ang sinabi ni Aldred. Hinaplos niya ito sa ulo bago tuluyang umalis.
   
    Nagluto siya ng lugaw na maraming luya para makatulong sa agad na paggaling nito. Nilagyan niya rin ng manok para naman masustansiya at may paminta rin pampalasa. Pagkagawa niya ng lugaw ay iniwan niya ito sa mesa at para kapag nagising ito ay may kakainin ito. Binantayan niya ito dahil baka tumaas na naman ang lagnat.
   
    Nang hapon na ay dumating si Luisa. Akala niya ay hindi ito darating at walang makakasama ang dalaga. Alam kasi niyang hindi nakatira doon si Luisa. Nagtaka pa ito kung bakit nandoon ang binata. At ikinuwento naman ni Aldred ang nangyari. Pagkatapos ay nagpaalam na rin dito.
   
    "Pakainin mo na lang siya paggising niya. Gumawa ako ng lugaw. Hatiran na lang din kita mamaya para hindi ka na magluto. Naparami ang gawa ko pero wala namang ibang kakain." Tumango naman si Luisa rito. Nababaitan siya rito. Hindi niya lang maintindihan kung bakit highblood si Liza rito.
       
        "Salamat, Aldred..." pasalamat na saad ni Luisa sa binata.
   
        "Anytime... What the neighbor's are for?" tango naman ni Aldred sa dalaga. Nangiti na lang si Luisa rito. Unang kita pa lang talaga niya kay Aldred at nababaitan na siya rito. At totoong type niya ang binata. Pero alam niyang type nito si Liza.
       
        "Mabuti na lang at nakita mo siya. Kung hindi ay baka nabagok na ang ulo nito pagdating ko," sabi ni Luisa na lubos-lubos ang pasasalamat sa binata.
   
    "Wala 'yon. Sige na at nang makapagpahinga ka na rin. Mukhang pagod ka pa galing sa trabaho." Nakita niya kasi ang suot nitong uniporme kaya nasabi niyang galing ito sa trabaho.
 
  Nang makauwi ay naglagay siya ng lugaw sa mangkok at hinatiran si Luisa. Nang kumustahin niya ang kaibigan nito ay nagpapahinga pa rin. Malaking bagay ang tulong na ginawa ng binata dahil kahit paano ay hindi na nag-alala nang ganoon si Luisa para sa kaibigan.
 
  Kinabukasan ay pinatingnan ni Luisa sa health center si Liza. Pahinga lang naman ang kailangan nito at ang iniresetang gamot ng doktor. Sobrang pagod ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nawalan ng malay at mababasang dugo na rin.
   
    Ilang araw ding masama ang pakiramdam ni Liza. May lagnat pa rin ito kaya naman ibinilin ni Luisa ang best friend niya sa binata. Pumayag naman si Aldred. Hindi na lamang siya pumasok sa trabaho para sa dalaga. Hindi rin naman siya kailangan doon sa business niya dahil tatakbo iyon kahit wala siya.
   
    At tuwing pagkatapos ng oras ng trabaho naman ay dinadala ng sekretarya niya ang sales report sa kaniya kaya kampante siya sa kung ano ang nangyayari doon. Pero nag-aalala ang mga empleyado kung napano na siya. At dahil kita naman ng sekretarya niya na wala siyang sakit kaya napanatag ang mga ito.
   
    Araw-araw ay binibisita niya ni Liza sa bahay nito kapag umaalis si Luisa dahil sa kaniya ito ibinilin para magbantay rito. At pagdating naman nito ay umuuwi na siya sa bahay niya. At nang makita niyang mukhang humupa na ang lagnat nito ay sinisilip na lang niya ito sa mula sa bakuran niya.
   
    "Mabuti naman at okay na siya," usal niya habang nakatitig dito. Pero nagpapansin siya rito para masubukan kung tunay na magaling na ito.
       
        "Mukhang ang saya mo, My loves, a!" sabi ng binata at napalis naman ang ngiti ni Liza na nakamasid sa asul na langit nang marinig ang boses ng kapitbahay niyang baliw.
       
        "Ano naman sa'yo ngayon?" angil nito sa kaniya. Tatawa-tawang lumapit siya may bakod at itinukod ang palad sa pader ng bahay.
       
        "Wala naman. Parang good mood ka lang kasi. Ang sarap mong pagmasdan. Sana laging ganiyan. Nakaka-good vibes," hindi maalis ang ngiti na saad ni Aldred at lumukot naman ang mukha ni Liza sa sinambit ng binata.
       
        "So ibig mong sabihin bad vibes ako?" umuusok ang ilong na singhal nito.
       
        Masaya ang gising niya nang hindi niya alam kung bakit. Isang linggo rin siyang nilagnat nang dahil sa virus, isama mo pa ang pagod sa trabaho at isang araw ay nagising siya na masaya ang mood kaya naman nagdilig siya ng halaman at naglinis ng hardin. At heto nga ang abnormal niyang kapitbahay at nang-iinis na naman sa kaniya.
       
        "Woy, hindi a! Hindi ako ang may sabi niyan," buong tanggi ng lalaki. Magaling na nga ang dalaga at pinapatulan na naman ang lahat ng pang-aasar niya. Hindi niya alam pero kumbaga sa in love ay kinikilig siya kapag naiinis ito sa kaniya.
       
        Trip talaga niya itong asarin at may kakaibang saya ang naidudulot sa kaniya kapag naaasar naman ang dalaga. Napalukso na lang siya nang itapon ni Liza sa bakuran niya ang mga damong binunot nito at kumpol ng dahon na winalis ng dalaga kani-kanina lang.
       
        "Ewan ko sa'yo! Ayan para mas lalo kang ma-bad vibes!" singhal niyang muli at pagkatapos ay nag-martsa papasok sa loob ng bahay. Napasapo naman sa batok ang binata.
       
        "Shunga mo talaga, Al!" sabay tampal niya sa bibig. Sementado ang bakuran niya at nasa paso ang mga halaman kaya naman dilig lang madalas ang kailangan. At kung walis naman ay alikabok lang ang mawawalis niya kaya ini-spray-han lang niya iyon ng tubig para mas madaling mawala ang alikabok.
 
  Kumuha siya ng walis at dustpan para linisin ang itinapon na basura ng dalaga. Ano bang irereklamo niya? Kasalanan naman niya. Taglinis tuloy siya ng bakuran ngayon kahit nakapaglinis na siya. Naiiling na natatawa na lang siya sa nangyari. At least ay magaling na ang kapit-bahay niya.
       
        "Tama 'yan. Magwalis ka. Nang may pakinabang naman ang laki ng katawan mo," sambit ni Liza. Lingid kay Aldred na nakatunghay pala ang dalaga nang palihim mula sa balkonahe. Tila nag-e-enjoy itong silipin ang pagwawalis ng binata.
       
        Nang matapos ito ay roon lang pumasok sa loob si Liza upang maligo at pagkatapos ay magluto ng tanghalian niya. Nagkape lang siya nitong umaga at nagwalis na ng bakuran. Hindi siya nag-aalmusal madalas. Katuwiran niya ay kakain din naman siya ng tanghalian at doon na lamang siya babawi.
       
        "My loves?" agad na napataas ang kilay niya nang marinig ang boses ng lalaki na tumatawag sa kaniya.
       
        "Ano na naman kaya ang kailangan niya? Tsk..." bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam niya ay hindi sila magkaibigan kaya naman bakit siya pupuntahan nito.
       
        "Bakit?" hindi na siya nag-atubili pa na pagbuksan ito ng pinto. Sa halip ay sumilip lang siya sa bintana.
       
        "Hindi mo man lang ba ako lalabasin?" napahinga siya nang malalim dahil sa sinabi ng binata. Wala naman din kasi talaga siyang intensiyon na labasin ito.
       
        "Ano ba kasi?" nang pagbukas ng pinto na tanong niya rito. Ngunit nanatili lamang siya sa pintuan.
       
        "Ang harsh mo naman talaga sa'kin. Tao rin naman ako," paawa ng binata at na-guilty rin naman siya sa sinabing iyon nito kaya nilabas niya ito at nagtungo sa katabing bakod.
       
        "So, ano?" nakahalukipkip na tanong niya rito.
       
        "Wala lang. Gusto lang kitang makita nang malapitan," sabi nito sabay takbo papasok sa loob ng bahay nito.
       
        "Buwiset!" gigil na sigaw ni Liza at nanakbo rin papasok sa loob ng bahay niya dahil naamoy na niya ang niluluto niyang tanghalian.
       
        "Hay nako talaga na lalaking iyon! Wala talagang magawang matino!" reklamo niya sa sarili. Eksakto lang ang dating niya sa kusina. Agad niyang pinatay ang apoy ng niluluto at nagsimula na maghain.
       
        Kapag ganitong pagkakataon ay nami-miss niya ang pamilya niya. Iyong kakain sila nang sabay-sabay. Minsan nga ay naisip niyang umuwi na lang sa probinsiya. Pero ayaw naman ng pamilya niya. Mas maalwan daw ang buhay sa Maynila.
       
        Para sa kaniya ay pareho lang. Mas okay pa nga sa probinsiya. Magtatanim ka lang tapos may makakain ka na, unlike sa Manila na kailangan mo pang mag-grocery para may makain kasi maliit lang ang bakuran. At halos sementado na nga ang ibang lugar na wala nang mapagtataniman.
       
        May iilan din naman siyang tanim sa bakuran niya. Mukhang mahilig din kasi sa halaman ang tita ni Luisa kaya naman mukhang alaga ang lupa roon. Mayroon siyang tanim na sili, kamatis, kalamansi, puno ng kamias at ampalaya na rin. May mga nasa paso rin siya sa balkonahe katulad ng basil at mint.
 
  Kahit papaano ay namana niya ang green thumb ng tatay niya. Magaling kasi magpatubo ng halaman ang tatay niya. Gusto niyang umuwi ng probinsiya pero kulang din ang ipon niya para makapag-negosyo roon. At sa kasamaang palad nga ay nanakaw pa.
       
        Panimula na sana niya sa negosyo ay naging bato pa. Magsisimula na naman siya ng pag-iipon. At hiling niya na sana one day ay makapiling na niya ang pamilya niya. Ang hirap din kasi sa bansa nila. Kahit graduate ka ng four year course, kung hindi naman patok sa industriya ang tinapos mo ay wala rin.
       
        Hirap siyang makapasok sa mga kumpaniya kaya napapadpad siya sa factory. Although pangarap niyang ma-promote. Baka one day ay tanggapin siya bilang office staff ng boss nila katulad ni Luisa na isang staff sa branch na pinapasukan niya. Hindi rin naman malabo na ma-promote siya dahil sa sipag niya kung hindi lang malakas ang kompetensiya.
 
  Ayaw na rin naman niyang umalis sa pinapasukan niya dahil okay naman doon kahit papaano. Kasama pa niya ang kaibigan niya. Mag-iipon lang talaga siya nang makabalik na sa probinsiya. Naalala na naman niya ang nanakaw na ipon niya. Hindi rin niya alam kung bakit hindi siya naging maingat.
 
  Nakampante siya sa lugar nila dahil sa tagal na niyang paninirahan doon. Dapat pala ay talagang nag-ingat siya kahit pa gaano na kahaba ang paninirahan niya roon. Naiiling na lamang siya habang kumakain kasama si Batik. Isa sa ipingpapasalamat niya ay walang nangyari kay Batik.
 
  Hindi niya alam kung paano pa siya kapag nawala ang alaga niya. Bukod sa best friend niya ay ito na ang naging sandalan niya sa mga panahon na nami-miss niya ang pamilya. Daig pa niya ang nag-abroad sa pagka-miss sa mga ito. Pangako niya sa sarili, uuwi rin siya.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon