Chapter 33 - Obvious

13 2 2
                                    

  "May problema ba?" tanong ni Aldred nang mapansing tulala si Liza. Napalunok siya sa nakaaakit na labi nito. Nais niya itong halos ka. Ngunit hindi naman tama na mag-take advantage siya sa situwasyon lalo pa at nasa trabaho sila.
 
  "Liz," pag-uulit niya sa pagpukaw ng diwa nito.
 
  "W-wala naman. Ako na ang dadampot." Siya na ang kumuha sa notebook na nahulog at agad na iniabot sa binata.
 
  "Here," sambit niya pagkaabot.
 
  "Thanks. Hayaan mo. Sasabihan ko si Ms. Camposanto about the list. Baka nakalimutan lang niyang sabihin sa'yo." Agad na tumalikod ang binata. Papalabas na ito ng may maalala.
 
  "You can have lunch with me after that. I'll tour you around the area." Nahihiya pa siya sa sinabi dahil baka obvious na gusto niya itong makasabay maglunch. Pero alam naman niyang wala itong ibang makasasabay. Lalo pa at umalis na ang mga employee niya para mananghalian.
 
  Tumango naman si Liza." S-sure. Patapos na rin naman ako dahil naalala ko pa naman ang mga nailista ko."
 
  "That's good." Tumuloy na ito sa paglalakad palabas ng stockroom. Nang makalabas ay agad nitong nakita ang kaibigan na pasilip-silip na tila may hinahanap.
 
  "O, Mico. Napasyal ka?" agad ba usisa ni Aldred.
 
  "Oh, yeah. I dropped by to check on K—I mean Liza. Yayain ko sanang maglunch." Tumalim ang titig ni Aldred nang ilang segundo. Pagkuwan ay ngumiti rin.
 
  "Nasa stockroom siya. Sabay ka na sa'min. Hintayin lang nating bumalik sila para may tumao sa shop." Halata ang pagbabago sa mukha ni Mico.
 
  "Sige, Pare. Dito lang ako." Naupo ito sa tabi ng glass door at nag-asikaso naman si Aldred ng mga customers.
 
  One... Two... Three... Four... Five... Six... Seven... Eight... Nine... Ten, bilang ni Aldred. Eksaktong pagtayo naman ni Mico.
 
  "Par, may nakalimutan pala akong appointment. I'll see her at home na lang." Hindi na siya nagtanong kung bakit at tumango na lang dito. Pagkatapos ay umalis naman ito kaagad at nagmaneho pauwi.
 
  Simula nang makita niya ang encounter nina Mico at Sarah, alam na niyang may mali. Ngunit hangga't hindi niya ito nahuhuli sa akto na may kinalaman ito sa pagkawala ni Katlyn ay wala siyant aksiyon na maaaring gawin.
 
  Nasa kalaliman si Aldred ng pag-iisip nang lapitan siya ni Liza. "Katatapos ko lang sa list. Ano'ng next na gagawin kong?"
 
  "Chill, first day mo lang naman. Bawi ka na lang bukas," saad ng binata. Naiiling si Liza. Kakaiba ring boss itong si Aldred. O, dahil ba sa magkakilala sila kaya naman ayaw siya nitong utusan. Okay lang naman sa kaniya dahil trabaho naman niyang bigyan ng gagawin.
 
  "Gusto ko rin kasi ng may ginagawa. Mahirap nang may masabi ang mga kasamahan ko rito. Baka isipin nila, malakas ako sa'yo." Natawa si Aldred dito.
 
  "Ang advanced mo naman mag-isip. Hindi naman siguro. Pero sige. Ikaw na muna ang magbantay rito sa counter. Pagdating nila puntahan mo'ko sa office." Tumango naman si Liza at sumaludo pa na akala mo ay pulis.
 
  "Yes, Sir!" Naiiling na natatawa si Aldred. Ganitong-ganito rin si Katlyn noon kapag may sinasabi siya at kailangan ng kumpirmasyon sa kaniya. Itinuro ni Aldred ang mga basic na dapat niyang malaman. Pagkatapos ay iniwan na siya ng binata at pumasok na sa opisina nito. Wala namang kalahating minuto ay dumating na ang mga nananghalian.
 
  "Si Sir?" agad na tanong ni Becca. Nagtataka ito kung bakit nasa kahera ito. Wala naman itong alam dahil hindi pa naturuan ni Madam.
 
  "A, nasa opis niya. Ako muna ang pinatao habang hindi pa kayo bumabalik." Nakataas ang kilay ni Teresita. Nagdududa talaga siya sa kaugnayan nito sa boss nila.
 
  "Sige na. You may take your break na." Pagkasabi ni Teresita ay tumungo na siya sa opisina ni Aldred.
 
  "Madam, I really smell something fishy." Hindi na natiis ni Becca na hindi maglabas ng hinuha sa mga katrabaho. Obvious sa kanila ang nagaganap na kakaibang trato ng boss nila sa dalaga at hindi sila papayag na may lalamang sa kanila.
 
  "Tingin ko rin. Don't worry, sisiguraduhin natin na mahihirapan siyang makisama sa atin," sambit ng matandang dalaga. Animo ay may liwanag na kumislap pa sa mga mata nito habang nakaarko ang kilay nito.
 
  "Tama 'yan, Madam." Buong lakas ng loob na sumagot ito sa assistant manager. Nakatingin pa rin sa direksiyon ng dalagang kumakatok sa pinto ng boss nila.
 
  "ANO, tara na?" agad na tanong ni Aldred nang papasukin niya ang dalagang kumatok sa pinto ng opisina.
 
  "Yup. Dumating na sila." Tumango siya at sumagot. Iniayos lang ni Aldred ang gamit sa mesa at dinampot ang cellphone at shades nito. Pagkatapos ay nagtungo na sa pinto at pinagbuksan niya si Liza.
 
  Ang mga marites naman ay nakaabang sa dalawang palabas ng pintuan ng opisina. Nakamasid sa bawat galaw ng dalawang ngayon ay palabas na ng pinto ng shop. Kumaway pa si Aldred sa mga ito upang ipaalam na aalis muna sila. Tumango naman ang mga ito.
 
  "Malayo ba 'yon? Nakahihiya naman sa kanila kung matagal akong mawawala. Baka sabihin nag-skip ako sa trabaho," pag-aalala ng dalaga.
 
  "Don't worry. I got you covered." Hindi lang masabi ni Aldred na wala naman talagang gagawin ang dalaga sa shop. May mga nakatoka na sa bawat trabaho roon at hindi pa nila kailangan ng bagong empleyado.
 
  Kahit nag-aalala pa rin si Liza ay hinayaan na lang niya ang binata. Ayaw naman niyang maging makulit sa bagay na iyon. Kung okay lang naman katulad ng sabi nito ay hahayaan na lang muna niya. Babawi na lang siya sa 2nd day niya.
 
  Nang malayo-layo na sa opisina ang lugar na tinatahak nila ay agad na nag-alalang muli ang dalaga. "Hindi ba parang ang layo na natin sa opisina?"
 
  "We're going somewhere." Iyon lang ang sinabi ng binata. Walang emosiyon dito. Hindi malaman kung ano ang nasa isip nito. Sorpresa ba o kung ano man.
 
  Inilagak na ng dalaga ang kaniyang buong tiwala sa binata. Sa loob ng ilang taon na nakilala niya ito ay nakita naman niyang mapagkakatiwalaan ito. Ramdam niyang hindi ito sisira sa tiwalang ipinagkakaloob niya rito.
 
  Habang papalapit sila sa tinatahak nilang landas ay tila nakaaalala ang dalaga ng mga pangyayaring alam niyang hindi pa naman nangyayari sa kaniya. Ngunit tila pamilyar ang lugar na hindi pa niya napupuntahan kailan man.
 
  "Are you okay?" agad na tanong ng binata nang mapansin ang tila balisang mukha niya. Tila may inaalala ngunit nagugulumihanan.
 
  "I'm just thinking if I've been here. It felt like it, but I know I've never been here," saad niya rito.
 
  That big tree behind the statue looks familiar. The straight road that were filled with yellow wild flowers and that grassy corner. She seemed to remember something that had never occurred. She suddenly felt nauseous.
 
  "There's a plastic behind your seat. If you feel like vomiting, just use it. Then lean your head at the back," he said.
 
  Alam niyang makararamdam ng suka ang dalaga. Sa paliko na paakyat na daang ito madalas mahilo si Kat. Hindi man nito maalala ang lahat ngunit alam nitong ang pakiramdam na iyon ay nagpapaalala ng bagay na pamilyar sa puso nito. Pinagmasdan niya ang dalaga habang marahang nagmamaneho.
 
  Nang tila duduwal na ito ay saglit niyang itinabi ang sasakyan at bumaba ng sasakyan upang tumungo sa kinauupuan nito. Marahan niyang hinagod ang likod ng dalaga. At katulad noon ay hindi naman ito sumuka. Ngunit napatitig ito sa kaniya.
 
  "Why? May marumi ba sa mukha ko?" Umiling ang dalaga sa tanong niya. Pakiramdam nito ay nangyari na rin ang bagay na ito. Ngunit bakit tila hindi niya matandaan kung kailan. Ang pakiramdam lang ay pamilyar ang eksenang ito sa kaniya.
 
  "Do you want to rest a bit?" Umiling muli ang dalaga.
 
  "Okay na 'ko." Alam ni Aldred na may mga memorya na nagbabalik sa dalaga kaya ganoon. Nasabi ng doctor na kaibigian niya na iba't iba ang kaso ng amnesia at kung ano-ano ang maaari makatulong dito upang makaalala. At ang pagdala nito sa mga pamilyar na lugar at laging pagsama sa pamilyar na tao ay nakatutulong sa pag-recover nito.
 
  Nagpatuloy sa pagmamaneho ang binata. Ngunit napansin niya na tila hindi pa handa ang dalaga sa mga sunod-sunod na pagbabalik ng alaala at lumiko na lamang ito. Hindi niya itinuloy ang pagtungo sa dapat sana ay pupuntahan nila. Nanlaki ang mga mata ni Liza nang mag-park ang sasakyan sa gilid.
 
  "Karinderya?" bulalas niya.
 
  "Bakit? Hindi ka ba nakain sa ganito?" kakamot-kamot sa ulo na tanong niya sa dalaga.
 
  "Nakain naman. Pero seryoso? Bumiyahe tayo ng malayo para dito?" natatawang sambit ni Liza. Hindi naman sa hindi ito kumakain sa ganito. Sa totoo ay mas preferred niyang kumain sa ganito dahil sa maraming pagpipiliang ulam at hindi naman siya maselan.
 
  "Masarap kasi rito," sagot naman ng binata na tumatawa.
 
  I'm sorry, Kat. Ayaw kitang biglain at mukhang hindi ka pa ready. Soon, Kat... soon... bulong ng binata sa sarili.
 
  "Ayaw mo ba? Puwede naman tayong humanap ng iba." Kunwari ay nagbago ang isip na sabi niya.
 
  "Luh siya. Okay na okay ako rito. Baka dalhin mo pa ako sa mamahaling resto, mauubos ang suweldo ko." Nagkatawanan pa ang dalawa sa sinabi nito.
 
  Naupo sila sa may bukana lang ng karinderya kung saan tanaw nila ang sasakyan. Puno na rin naman sa loob niyon kaya hindi na sila makauupo sa loob. Matapos makapili ng pagkain ay um-order na ang dalawa.
 
  "Masarap naman dito. Sulit ang biyahe natin," sabi pa ni Aldred. Sa likod ng kaniyang isipan ay hindi na siya makapaghintay na sabihin ang katotohanan. Nais niyang kusang maalala nito na siya ang pinakamamahal nitong kasintahan.
 
  "Mukha nga. Ang daming tao, e. Buti nga may space pa. In fairness, late na para sa lunch pero ang dami pa ring tao. To think na ang layo ng place na 'to." Nagpapalinga-linga ang dalaga sa mga kumakain. Mukhang sarap na sarap naman talaga ang mga ito sa kinakain nila.
 
  "Wow! Ang bango ng laing." Hindi napigilang purihin ni Liza ang gulay na inihain ng serbedora sa hapag nila. Amoy pa lang ay matatakam ka nang talaga.
 
  "Mukhang ang sarap din ng sinigang nila." Nanunuot ang amoy ng sinigang sa ilong ni Aldred. Mayamaya ay napatawa ito sa alaalang nagbalik sa isipan niya.
 
  "Ba't natatawa ka?" sita ni Liza nang mapansin ang pagtawa ng binata.
 
  "May naalala lang ako," sagot ng binata sabay tawang muli. At saka lang na-realize ni Liza na natatawa ito sa kalokohan nito noong nagluto ito sa bahay nila.
 
  "Nako, naalala mo na naman ang kalokohan mo. Napaka-papansin mo kasi sa'kin," hindi naiwasang sabi ni Liza sa binata.
 
  "Nainis ka ba no'n?" seryosong tanong niya sa dalaga. Ito naman ang napangiti. Tila nawala na ang inis na naramdaman nito noong ginawa iyon sa kaniya ni Aldred.
 
  "Bakit parang kinikilig ka?" kantiyaw ni Aldred.
 
  "Assuming ka naman." Halakhak lang ang isinagot ng binata sa sinabi ni Liza. Pagkatapos ay nagkatawanan ang dalawa. Totoo naman kasing kinilig siya sa alaalang iyon. Iniisip niya tuloy na totoong nagpapapansin lang ito sa kaniya kaya todo ang adar ng binata sa kaniya.
 
  "Kumain ka na lang nga. Baka magpasubo ka pa sa'kin," nakaangat nag kilay na sabi ni Liza pagkatapos ay nagsimula nang harapin ang nangyihintay na pananghalian sa hapag.
 
  Hindi na nais pa sana ni Aldred na harapin ng dalaga ang katotohanan. Ngunit hindi rin niya gusto na malaman nito ang mga nangyari na tila pinagtaguan niya ito ng mga dapat nitong malaman. Paunti-unti lang. Hinay-hinay lang. Pasasaan ba at magbabalik na rin ang dalaga sa totoong buhay nito.
 
  "Al," sambit ni Liza. Umangat naman ang tingin ni Aldred mula sa pagsubo ng pagkain.
 
  "Hmm?" tanging sagot nito.
 
  "Plan ko kasing bumisita sa parents ko. Alam kong kasisimula ko lang sa work. Pero puwede ba akong mag-leave?" Saglit na napaisip si Aldred. Pakuwan ay tumango.
 
  "Oo naman. Hindi ka naman siguro mawawala nang matagal." Tumango rin si Liza.
 
  "Hindi naman. Nami-miss ko lang kasi sila. Pero babalik din ako kaagad." Plano niya talagang mag-stay sa probinsiya noon pa upang makasama ang pamilya.
 
  Ngunit iba na ang situwasyon ngayon. Nais niyang makipagsapalaran sa nararamdaman niya sa binata. Ano man ang mangyari ay masaya siyang makasama ito kahit panandalian lang. Pagkatapos na lang ng kung ano man ang mangyayari, doon siya magde-decide kung mananatili siya sa probinsiya o hindi.
 
  "Sama na lang kaya ako para sure na babalik ka." Natatawa ang binata ngunit sa totoo ay seryoso siya. Ayaw niyang malayo rito. Ngayon pang alam niya na ito ang fiancee niya.
 
  "Grabe siya. Walang tiwala?" Pabiro pero iyon ang nasabi ni Liza.
 
  "Joke lang naman. Seryoso mo. Samahan na kita. At least alam ko na safe ka." Tumango lang si Liza sa sinabi ng binata.
 
  Sasama siya upang alamin kung paano napunta sa pamilyang iyon ang dalaga. At para na rin makapagpasalamat sa pag-aalaga ng mga ito sa fiancee niya. Nagpatuloy sila sa pagkain at nagplano tungkol sa pagbabakasyon ni Liza.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon