"Anong ginagawa ko rito?" nangungunot ang noo na tanong ni Liza sa lalaking nabungaran sa sala.
Paggising pa lamang niya kanina ay naguguluhan na siya sa hindi pamilyar na lugar na kinamulatan ng mga mata niya. Ang mabangong kuwarto na hindi mo masabi kung babae o lalaki ba ang nakatira. Ang mga disenyong tila ba isang magaling na interior designer ang gumawa.
Mula sa mga wall arts, paintings, and even the closet. Mariin siyang napapikit kanina nang magising ngunit wala siyang maalala. Agad na nilingon siya ng lalaking nakaupo sa couch. Abala ito sa panonood sa telebisyon nang datnan niya ito. At ngayon ay tulala lamang sa kaniya.
"M-Mico?" Napaawang ang bibig ng binata sa nasambit ng dalaga.
"K-kilala mo'ko?" Hindi pa rin ito makapaniwala sa pagtawag ni Liza sa pangalan niya.
"I-I don't know. Part of my mind tells you're Mico. What am I doing here?" Pagkatanong sa binata ay sabay silang napalingon sa lalaking pamilyar sa kaniya. Naaalala niya ang amoy nito.
"Gising ka na pala. Thank, God—." Bago pa maituloy nito ang sasabihin ay mabilis na dumapo rito ang palad ng dalaga. Pagkatapos ay nagwala sa harapan nito ay pinagsusuntok sa dibdib.
"Walang hiya ka! Ikaw! Ikaw ang kumuha sa'kin! Anong balak mong gawin sa'kin? Bakit mo ko k-in-idnap?" Mabilis na hinawakan ni Aldred ang mga braso ng dalaga ngunit nagpapalag ito.
"Chill. Hindi kita k-in-idnap. Makinig ka muna," paliwanag ng binata ngunit panay ang palag ng dalaga. Sa pagkakatanda niya ay bibili lang siya ng meryenda nang may magtakip sa bibig niya. Hindi siya maaring magkamali. Si Aldred iyon.
"Anong chill? Sa palagay mo ay dapat chill lang ako sa ginawa mo? Ipapupulis kita. Walang hiya! Bastos! Walang modo! Walang—walang balls!" sunod-sunod naman na sambit ni Liza habang nagpapapalag pa rin at pilit hinihila ang mga braso sa binata.
"Hep! Sabihin mo na ang lahat-lahat. Huwag lang ang walang balls. Meron ako niyon. Ipakita ko pa sa'yo, e." Hindi napigilan ni Mico na matawa nang marinig ang reaction ni Aldred. Ganiyang-ganiyan sila sa unang pagkikita nila ni Katlyn noon bago mauwi sa ligawan at kasalan.
"Alam mo, Katlyn. Mabait 'yang friend ko. Huwag ka na magalit. Magpapaliwanag kami." Agad siyang napalingon sa binatang nagsalita.
"Sinong Katlyn?" anas niya.
"Sorry, Katlyn ba nasabi ko? I mean, Liza," pagbabago ni Mico sa sinabi. Ngunit kunot pa rin ang noo ni Liza rito. Bakit siya tinawag na Katlyn nito?
"So, puwede ka na bang mag-relax para naman makapagpaliwanag na kami?" dugtong pang sabi nito.
"Oo nga, Liz. Chill ka na kasi. Wala naman kaming balak na masama sa'yo," paliwanag pa ni Aldred.
Sarkastikong napabuga ng hangin si Liza, "Sa kaniya, oo. May tiwala akong wala siyang masamang gagawin sa'kin. I can sense it, pero sa'yo? I don't think so," inikutan ng mata na sabi ni Liza sa binata. Napakamot naman si Aldred sa sinabi nito.
Tila baliktad na ito pa ang napagkatiwalaan kaysa sa kaniya na kapitbahay ng dalaga. Naiiling si Mico na natatawa. Kahit na walang maalala si Liza ay itong-ito pa rin ang ugali ng dalaga para sa kaniya. Naunang nakilala ni Mico si Katlyn. Sa kasamaang palad ay hindi siya tipo ng dalaga dahil si Aldred ang gusto nito.
"Oy, grabe ka sa'kin. Mas mabait ako kaysa kay Mico at mas katiwa-tiwala." Tumaas ang kilay ni Aldred na binitawan ang dalaga.
"Totoo naman. Mukha mo pa lang hindi na mapagkakatiwalaan." Napabuga ng hangin si Aldred na bahagyang natatawa. Pipilitin niyang unawain ito. Sisikapin niyang huwag patulan ang dalaga.
"Sige magpaliwanag kayo," nakahalukipkip na naupo ito sa sofa na akala mong siya ang may-ari ng bahay. Nagkatinginan ang dalawa. Tila nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag.
Sa bahay naman ni Aldred ay hindi mapakali si Sarah. Sira pa rin ang telepono niya ngunit pinahiram na siya ni Lloydie ng telepono para makontak ang mga kapatid nito. Nasa loob ito ng kuwarto ni Aldred at nagtungo naman sa palengke si Lloydie.
"Punyeta! Bakit nawala? Paanong nawala?" Halos manginig ang bagang ni Sarah sa gigil dahil sa ibinalita ng mga kuya niya.
"Mga inutil kayo! Ang lalaki ninyong tao. Sayang ang mga kinakain ninyo!" singhal pa nitong muli.
"Anong gagawin namin? Bigla na lang siyang nawala? At kanina ka pa namin tinatawagan. Hindi ka naman sumasagot." reklamo naman ni Pando.
"Oo nga!" sigaw ni Bulol nang agawin nito ang telepono kay Pando.
"Paanong nawala! Wala talaga kayong mga silbi!" Agad na pinatay nito ang telepono. Mabilis na tumipa.
"Huwag na kayong mag-aalala..." Napangisi si Sarah nang mabasa ang mensahe. Taas ang kilay na nangingiti. Ang kanina na naiinis na niyang mukha ay napalitan ng halakhak. Nang marinig na bumalik na si Lloydie ay mabilis itong lumabas at nanakbo palapit dito. Agad na kumapit sa leeg ng binata at marahas na hinagkan ang binata.
Isang malalim na halik na tila walang pakialam kung sino ang lalaking ito. Ang mahalaga ay mailabas niya ang saya. Gumanti naman si Lloydie na nadala sa halik nito na tila bihasa na sa larangang iyon. Matapos ang mapusok na halik ay hingal na lumayo ito sa binata.
"Wait. Bakit ka tumigil?" Kumindat lang ang dalaga at mabilis na bumalik sa kuwarto ni Aldred at nag-empake. Paglabas nito ay nakanganga si Lloydie na nagtataka.
"O, aalis ka na?" Mabilis na tumango si Sarah.
"Yup!" sagot ng dalaga.
"Ganoon lang iyon? Pagkatapos mong magnakaw ng halik ay iiwan mo na lang ang labi ko na parang walang nangyari? Hindi naman yata tama 'yon—." Bago pa matapos ang sasabihin ni Lloydie ay muling sinakop ni Sarah ang labi nito. Ilang segundo ring nagtagal ang paglalapat ng kanilang mga labi.
Pagkatapos niyon ay walang paalam na umalis ito. Hindi kaagad nakapag-react si Lloydie sa bilis ng pangyayari. Ngunit nang matauhan ay nakasakay na ito sa puting van bitbit ang mga gamit nito. Ganoon kabilis ang mga bagay-bagay. Umalis na ito ng tuloy at nasisiguro niyang hindi na ito babalik.
Naipaliwanag naman nina Aldred at Mico ang mga nangyari. Hindi pa rin ma-absorb ni Liza kung bakit may magtatangka sa buhay niya. Wala naman siyang maalala na na-agrabyado niya. Ang alam niya ay namumuhay siya ng normal.
"Sure ba kayo? Hindi ba kayo nag-i-imbento? Bakit naman may magtatangka sa buhay ko? Wala naman akong kaaway?" Hindi pa rin makapaniwala si Liza. Hindi sinabi ng dalawa kung kanino mag-i-ingat. Ngunit pinag-iingat siya ng mga ito.
"Hindi safe sa bahay mo. At kahit sa bahay ko. Mas safe ka rito kina Mico." Si Aldred na nag-suggest na kina Mico ito dapat tumira.
"Bakit at sino nga?" Ngunit sa tuwing pilit niyang inaalam ay nagtitinginan lang naman ang dalawa.
"Basta. Ako na ang bahalang magdala ng gamit mo rito kina Mico. Basta ipangako mo na hindi ka muna uuwi sa inyo." Hindi niya alam kung paano susunod sa mga bagay na hindi niya maintindihan.
"Don't worry, Kat—este Liza. Safe ka rito," saad ni Mico.
"Uuwi muna ako. At ihahatid ko ang gamit mo rito. Until guaranteed na safe sa bahay ay huwag ka munang umuwi." Napakagat ng labi si Liza.
Sino namang magtatangka sa buhay ko? Mahirap lang ako. Wala akong kayamanan. Hindi ako mayaman. Kung manghihingi sila ng ransom ay wala akong maibibigay, sambit niya sa isip.
Iniwan siya ni Aldred sa bahay ni Mico at umuwi muna para kuhanin ang gamit ni Liza. Nag-message na si Lloydie na kusa nang umalis si Sarah sa bahay nila kaya makababalik na siya nang walang problema. Napapaisip lang siya kung bakit ito umalis ganoong hindi naman ito nagtagumpay sa balak nito.
Huwag kang mag-alala, Kat, Mahal. Hindi man kita naipagtanggol noong una, ipagtatanggol kita ngayon sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita. Usal ng binata.
Kumpirmado na ito nga si Katlyn lalo na nang makita ito ni Mico. Hindi man siya maalala ng babaeng mahal niya, at least may magawa siya para dito—ang ma-protektahan ito sa mga masasamang loob na gustong manakit dito.
"Pare, kumusta? Tagal mong nawala. Babalik ka na ba?" usisa ni Lloydie pagpasok ng binata sa loob.
"Oo. Mabuti at umalis na ang kapatid ko." Bahagyang napahawak si Lloydie sa labi nang banggitin ni Aldred ang kapatid.
"Siya nga pala, pare. Nagsabi pala si Liza na hindi muna siya uuwi." Kumunot ang noo ni Lloydie.
"Huh? Bakit daw? Wala naman siyang nabanggit sa akin." Kung gagawin iyon ng dalaga ay natitiyak niyang siya ang unang makaaalam.
"Tumawag kasi siya sa'kin. Ayaw na raw niya mag-stay sa bahay. E ayaw ko pang lumipat." Napapaisip si Lloydie. Wala naman na itong tataguan dahil alam naman na ni Sarah ang bahay nito kung bakit hindi pa ito lumipat.
"Talaga..." nasabi lang nito. Tumango naman si Lloydie.
Nagtungo sì Aldred sa kabilang bahay para mag-empake ng damit ni Liza. May spare siyang susi ng bahay na hindi ipinaalam kay Liza noon. Wala naman siyang balak na pasukin ito kaya hindi na niya sinabi. Nakasiksik ang susi sa pader na natatakpan ng kahoy.
Habang abala naman si Liza sa pag-iisip sa tabi ng swimming pool ay lihim na nakatingin si Mico sa kaniya. Pinagmamasdan ang kabuuan ng dalaga. Nakapambahay lang itong shorts na maluwag at t-shirt na hindi gaanong fitted.
"Matatapos din ang lahat..." sambit ni Mico.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...