Chapter 5 - His Other Side

48 5 0
                                    

    "Ang pogi talaga ni Sir, 'no?" malanding sabi ni Rod habang nakatingin sa boss niyang bagong gupit. Dumaan lang ang weekend ay tila nag-iba na ang awra nito at mas lumabas ang gandang lalaki nito.
 
  "Alam mo ba? Makasama ko lang sa team building iyan ay talagang aakitin ko siya," dagdag pa ng malanding bakla. At inikutan naman siya ng mata ng babaeng katabi dahil sa sinabi niya.
   
    "Ay Beks, hindi ka papatulan ni Sir. Hindi iyan pumapatol sa hindi organic," saad nito sabay halakhak na ikinabusangot naman ng isa. Umikot pa ang itim na bola ng mga mata nito na nagreklamo.
   
    "Grabe ka sa'kin. If I know e hindi ka rin naman papatulan ni Sir. Hindi basta-bastang organic ang pinapatulan niyon," nakataas pa ang kilay na sagot naman nito. Hindi nila napansin na nakalapit na pala sa kanila ang boss nila—si Aldred.
   
    "At ano'ng klaseng organic naman ang pinapatulan niya?" sabi sa dalawa ng lalaking nasa likuran.
   
    "Sino pa ba? E, 'di si Sir Al—," sambit ni bakla na napahinto na lang sa pagsasalita. Sabay na nagsi-lingunan ang mga ito sa binata nang ma-realized na ang boss pala nila ang nagtanong. Agad na napaayos sila ng tayo.
   
    "S-sir Aldred..." sabay na sambit nina Rod at Becca.
   
    "I-iyong k-kape, Sir. Organic po. O-organic lang po ang iniinom n-ninyong kape, h-hindi p-po ba?" nauutal ngunit malandi pa rin na saad ni Rod. Sinadya pang papungayin ang mga mata nito sa boss nila na tila nang-aakit. Tatango-tango naman si Aldred habang hawak ang baba na nakatukod ang siko sa counter.
 
  "A, kape..." sabi niya habang pinaliliit ang mga mata na nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa.
   
    "Hindi ba, Becca?" paghingi ng saklolo na saad ni Rod sa katrabaho.
   
    "O-opo, Sir. Iyong kape po ang tinutukoy namin. Napansin po kasi namin na iyon lang ang kape na iniinom niyo," pagsang-ayon naman na sabi ni Becca kahit na hindi naman kombinsido si Aldred.
   
    "Okay," tanging sagot niya.
 
    "Akala ko ako e," bulong pa ni Aldred habang nakatingin sa dalawa. Hindi naman na narinig ng mga ito ang sinabi niya.
 
  At nang matapos kausapin ang dalawa ay iniwan na niya ang mga ito sa counter. Cashier si Becca at barista naman si Rod. Noong pumasok ito sa Cafe De AL ay hindi ito kababakasan ng pagka-binabae. Ngunit nang makilala nito si Aldred ay tila hindi na ito nakapagpigil at nawala ang pagka-straight nito.
   
    "Ikaw kasi, ang ingay-ingay mo. Narinig tuloy tayo ni Sir," sisi ni Rod kay Becca.
   
    "Anong ako? Bakit kasi pinagpapantasyahan mo iyang si Sir?" angil din naman ng isa at patuloy ang pagtatalo ng dalawa.
   
    "Alam niyo kayo? Kahit sino sa inyo ay hindi papatulan ni Sir. Hindi iyan mahilig pumatol sa maiingay na katulad niyo. Ilabas mo na nga sa stock room ang mga kape. Mauubusan na tayo at hindi na iyan aabot mamayang hapon," utos ng manager nila na si Teresita. At pangalan pa lang nito ay parang prinsipal na terror na.
   
    "Yes, Madam," agad na sagot ni Rod at tumalima sa utos nito. Pakiramdam nila ay may gusto ang matandang dalagang ito sa boss nila. Kunwari ay todo pa ang pagtatanggil na hindi sila papatulan pero ito pala ang may agenda rito. Noong una pa lang na pumasok sila rito ay puro papuri na ang sinasabi ng matandang ito.
   
    Sabi pa nito ay isa si Aldred Bertucio sa mga batang business owner sa plaza na iyon. At siya raw ang kauna-unahang empleyado nito. Ayon pa rito ay siya na ang naatasan na maghanap ng staff para sa cafe. Hindi rin naman malabo iyon dahil wala naman itong ibang ginagawa bukod sa pagmamando sa kanilang dalawa.
   
    "Ikaw naman, Becca. Asikasuhin mo ang counter at hindi iyong puro tingin kay Mr. Bertucio ang inaatupag mo," sermon pa nito sa dalaga. Agad naman itong tumango.
   
    "Yes, Madam," tipid na sagot nito. Ayaw niyang mapagalitan ng principal na matandang dalaga dahil wala naman siya sa eskuwelahan para sermonan nito.
   
    Kadalasan ay sa umaga lang si Aldred nasa Cafe at si Teresita na ang nagbabantay roon buong araw. Ang binata naman ay gagawin ang iba pa nitong gawain katulad ng pagdalaw sa lola nito na may katandaan na. Simula nang tumungtong siya ng disi-otso ay hinayaan na siya ng mga magulang niya sa gusto niya. Suportado ng lola at mommy niya ang Cafe ngunit tutol naman ang daddy niya roon at pati na ang lolo niya.
 
  Ngunit siya pa rin ang masusunod. Nakapagtapos siya ng Business Management course at agad na nagpatayo ng Coffee shop. May kaya ang pamilya nila kaya naman hindi issue ang pera sa mga ito. Lalo pa at lawyer ang daddy niya. Solong anak lang si Aldred kaya naman nasusuportahan ng mga magulang niya ang gusto niya.
 
  Isa lang ang hindi nila masuportahan. Ang magpatayo ng bahay ang binata. Ayaw ng mga ito na mawalay ang anak nila at mapunta sa malayo. Paano ay sa probinsiya nito nais na magtayo ng bahay at doon sana ang Cafe. Ang ending ay nangupahan na lamang siya malayo sa shop at hindi rin ipinaaalam ang tirahan sa mga magulang niya.
 
  "Ms. Camposanto, I'll go ahead," paalam niya sa matandang dalaga. Animo'y hindi makabasag pinggan naman na lumingon ito at nagpaalam sa boss nila.
   
    "Okay, Mr. Bertucio. See you tomorrow. I'll email you the report later..." sabi pa nito na tila isang mahinhing binibini ang nasa harapan ni Aldred. Napapakamot na lamang siya ng kilay dahil sa isang ito. Ramdam naman niya ang pahiwatig nito ngunit parang nanay na ang turing niya rito.
   
    "Thank you," tipid na sabi niya at umalis na. Agad namang nagbulungang muli sina Rod at Becca nang matapos ang iniutos ng matandang dalaga kay Rod.
 
  "Hep! Magkasama na naman kayo? Kung pagbuhulin ko na kaya kayo para hindi na kayo magkahiwalay?" muling sermon nito. Mabilis na naglayo ang dalawa dahil doon.
   
    May kalahating oras din siyang nagmaneho nang dahil sa traffic patungo sa bahay ng lola niya kung saan doon din nakatira ang mga magulang niya. Nasa gate pa lang siya ay sinasalubong na siya ng mommy niya dahil sabik ito na makita siya.
   
    "Aldy, anak..." malambing na sabi ni Gloria sa anak. At nang makalapit ito ay agad na niyakap nang mahigpit dahil sa kasabikan. Nang maghiwalay ang dalawa ay agad nitong hinanap ang matanda.
   
    "Si lola?" tanong niya sa ina.
   
    "Nasa loob kasama ang lolo mo. Ang daddy mo ay nasa trabaho pa," sabi ni Gloria kahit na ang lola lang naman ni Aldred ang concern nito. Magkapanabay na naglakad papasok ng bahay ang mag-ina at nang makita sila ng lolo niya ay agad na sinalubong siya nito.
   
    "Apo, kanina ka pa hinihintay ng lola mo." Yumakap siya rito at agad na tinungo ang lola niya.
   
    "La, kumusta po?" ilang araw din niyang hindi nadalaw ang lola niya nitong mga nakaraang araw. Ngunit ganoon pa man ay tinatawagan niya ito.
   
    "Maayos naman apo... pero..." saglit itong huminto sa pagsasalita at aktong uupo para sumandal sa headboard ng kama kaya mabilis na tinulungan naman niya ito.
   
    "Dahan-dahan, La..." paalala niya sa matanda.
   
    "Salamat, apo," sabi naman nito habang nakakapit sa braso niya.
   
    "Hindi na yata ako magtatagal, Apo..." Napakamot si Aldred sa kilay niya. Heto na naman ang pagda-drama ng lola niya. Hahanapan na naman siya nito ng girlfriend pagkatapos ay kukulitin ng mapapangasawa. At sa huli ay hahantong sa paghahanap apo.
   
    "Maiksi na lang ang buhay ni lola... Wala ka pa bang napupusuan na ipakikilala sa amin?" saad nito at katulad ng inaasahan na niya ay iyon nga ang sinabi nito.
   
    "Nako, La. Mayroon na po sana... Kaya lang ay sinusuyo ko pa," sagot din naman niya. Iyan ang lagi niyang isinasagot sa matanda sa tuwing nagtatanong ito para lang hindi sumama ang loob nito. Kahit noon pa man na wala naman talaga siyang sinusuyo.
   
    "Mabuti naman, apo. Sana ay makilala na namin siya. Sana ay makilala ko na. Maiksi na lang ang buhay ko. Bago man lang ako mawala, sana ay makita ko man lang ang aking apo sa tuhod..." saad pa nito at ito na nga ang iniiwasan niya—ang hingan siya ng apo ng matanda.
   
    "Opo, La. Working on it," tanging sabi niya rito. Tumango naman ang matanda sa kaniya. Halos ganoon naman din ang tagpo sa bahay na iyon kapag kinukumusta siya nito at wala namang nagbago.
   
    Matapos ang pagbisita sa matanda at kaunting kuwentuhan ay nagtungo naman siya sa grocery para mamili ng stock niya sa bahay. Halos wala na siyang makain dahil sa nakalilimutan niya lagi na mamili ng extra. Minsan ay iyong lulutuin lang niya ang binibili niya.
   
    Dumampot siya ng ilang noodles para sa biglaang gutom niya kapag gabi na. Kadalasan ay kapag nagmo-movie marathon siya. Hindi uso ang popcorn sa kaniya. Kung hindi noodles ay nilagang mais ang pinapapak niya.
 
  Nasa kalagitnaan na siya ng grocery store nang may magsalita sa harapan niya. At nakilala naman niya ang pamilyar na mukha. Hitsura pa lang nito ay mukhang tigre na naman ito na magngangawngaw. Agad na napatigil siya na dapat sana ay hindi niya pinagtuunan ng pansin.
 
  "Hanggang dito ba naman e sinusundan mo 'ko?" saad ng babaeng nasa harapan. At natulala naman siya nang makita ang babaeng kapitbahay niya. Wala naman siyang idea na naroon ito pero heto at pinagbibintangan siya ng bagay na hindi niya gawain.
   
    "Ako? Susundan ka? E ako yata ang sinusundan mo e." balik na sagot niya. At simula na naman nang walang katapusang bangayan ng dalawa.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon