"Mag-iisang linggo nang hindi siya umuuwi," saad ni Liza sa sarili nang mapasulyap sa katabing bakod. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Maayos na naman ang sugat nito sa labi. Ngunit naiisip niya kung paano kapag naulit ang nangyari dito?
Halos isang linggo na simula nang mapansin niya na hindi na umuuwi ang baklang bakulaw na kapitbahay niya. Kung nasaan man ito ay hindi niya alam. Curious siya sa kung ano nga ba ang nangyari dito pero wala naman siyang lakas na tanungin ito. Wala rin naman sa bokabularyo niya ang mangialam sa buhay nito.Ngunit tila kulang ang sigla ng araw niya na nitong mga panahon na hindi niya ito nakikita. Huling kausap niya rito ay nang isauli nito ang first-aide kit niya. Tila ba walang nangyari sa binata kung mangulit ito. Para bang wala lang ngayon dito ang pasang inabot nito nang araw na iyon.
"My loves, salamat dito. Hindi ko talaga matiis ang kaguwapuhan ko. Ayaw na ayaw mong may bangas ang mukha ko," naalala pa niyang sabi nito.
"As if naman. Tseh!" As usual ay tinarayan na naman niya ito.
Ngunit ngayon ay parang gusto niyang bawiin ang pagtataray niya rito. Gusto niyang baguhin ang sagot niya. Pero naalala niya na babaero nga pala ito. Nalilito na naman siya. Nalinlang na naman siya ng sarili niyang nararamdaman.
"Oy, tulala ka na naman," pukaw ni Luisa sa dalagang kanina pa tila nagmumukmok sa may upuan sa ilalim ng puno. Tila malalim ang iniisip.
"Ako? Hindi kaya. Nagpapahinga lang ako. Nakita mo ang mga nakasampay na iyan? Nilabhan ko lahat 'yan. Nakakapagod kaya," buong tangging sabi nito sa kaibigan at saka umayos sa pagkakaupo.
"Weh? E, washing machine naman ang ginamit mo sa paglalaba ng mga iyan." Natatawa si Luisa sa sinabi nito na para bang napagod ito sa pagpasok ng mga damit sa washing mashine."Oo kaya, 'no. Nakakapagod maglaba. Lalo na kung mas marami pa ang damit mo sa damit ko. Parang dito ka na nga nakatira sa dami ng labahan mo. Lumipat ka na rin kaya rito?" angil nito. Hindi naman siya nagrereklamo. Gusto lang talaga niyang sagutin ang isang ito dahil pinakikialaman ang pagtulala niya.
"Puwede bang lumipat? Para mapalapit na ako kay pogi at kay Lloydie?" malokong sabi nito.
"Iyan. Diyan ka magaling. Matuto ka munang maglaba bago 'yang landi-landi." Ngumuso si Luisa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
"E, ikaw? Bakit ka nagmumukmok? At isa pa, best, napansin ko lang, a. Simula nang hindi na umuuwi iyang si pogi ay lagi ka na lang tulala." Nakapameywang pa si Luisa habang tila iniimbestigahan siya nito.
"Umamin ka nga. Nami-miss mo siya 'no?" Agad na bumusangot ang mukha niya upang ipakita ang hindi pagsang-ayon sa sinabi nito sa kaniya.
"Hindi 'no! Bakit ko naman siya mami-miss?" Isang sarkastikong halakhak ang inilabas ng bibig ni Luisa. Pagtanggi pa lang nito ay halatang-halata na kaya naman ginisa pa niya itong lalo.
"Talaga lang, a. Kaya pala kanina ka pa sulyap nang sulyap sa kabilang bakod. Kulang na nga lang ay sugurin mo na ang bahay niya." Napatayo siya at humalukipkip para kontrahin ito.
"Ang OA mo sa sulyap nang sulyap. Napatingin lang ako once," taas ang kilay na saad ni Liza. Ngumisi lang si Luisa rito dahil hindi ito kumbinsido sa sinasabi niya. Kahit na itanggi pa ni Liza ay lahat ay kilalang-kilala naman na siya ni Luisa kaya hindi siya makapagkakaila rito.
"Sige lang. I-deny mo. Wala namang mawawala sa'kin. Sa'yo meron," sabi pa nito.
"Ano namang mawawala sa akin? Kung hindi naman talag—," saad niya na biglang natigil sa pagsasalita ang dalaga nang putulin ito ni Luisa.
"Hi pogi!" Agad siyang napalingon sa direksiyon kung saan nakatingin si Luisa. Si Aldred lang naman ang tinatawag nitong pogi kaya naman mabilis pa sa alas-kuwatro ang paglingon niya. Ngunit dismayadong mabilis na napabaling siya sa mapaglinlang niyang kaibigan.
"Aray! Bakit ka ba nambabatok!" hihimas-himas sa ulo na sigaw ni Luisa nang lumipad sa ulo nito ang kamay ni Liza.
"May kuto! Hindi ko nakuha. Lumipad yata," pagdadahilan niya sa inis sa kalokohan ni Luisa pagkatapos ay padabog na pumasok siya sa loob ng bahay at iniwan ang kaibigan sa labas.
"Kailan pa kaya nagkapakpak ang kuto? Paano makalilipad 'yon?" tanong nito da sarili.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomansaSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...