Chapter 32 - First Day

17 1 2
                                    

  Maaga pa lang ay nagpupulong-pulong na ang mga empleyado ng Cafe De AL sa harap ng counter. Sarado pa sila ngunit naihanda na nila ang lahat bago pa dumating ang boss nila at ang bagong empleyado.
 
  Daig pa ang bubuyog ng mga ito sa ingay na hatid ng maaga nilang almusal—ang pag-usapan ang bagong empleyado. Hindi naman sa hindi nila gusto ng bagong empleyado kung dumaan lang ito sa tamang proseso.
 
  Halos sumayad ang nguso ng matandang dalagang si Teresita. Sa unang pagkakataon ay nagkasundo-sundo ang mga ito. Noong una ay sina Becca at Rod lang ang madalas na mag-usap tungkol sa mga nagaganap sa shop. Ngunit ngayon ay nangunguna sa marites-an ang matandang dalaga.
 
  "Nako, Madam. For sure, may ginawa 'yan kay Sir pogi kaya nakapasok kaagad nang hindi dumaraan sa mga palad mo," ani Rod na kung makahusga sa bagong empleyado ay wagas.
 
  "Mismo! Because, kung dumaan siya sa akin ay butas ng karayom ang lulusutan niya bago makapasok sa CDA," nakahalukipkip na saad nito. Napaangat naman ang kilay nina Becca at Rod. Napaisip sa kung ano ang ibig sabihin ny huling tinuran nito.
 
  "Ano'ng CDA, Madam?" Hindi na natiis ni Becca na mapatanong.
 
  "Gawd, Becca. Hindi ka ba nagtraining? How come na hindi mo alam kung ano ang CDA? Anyway, that will be your assignment. Huwag kang papasok bukas nang hindi mo alam ang meaning niyan." Buong akala ni Becca ay lusot na sila sa terror na principal ng shop nang dahil sa issue. Hindi pa pala.
 
  "Madam naman," tulis ang ngusong reklamo ni Becca. Napahalakhak naman si Bakla.
 
  "Ay nako, Becs, tatanong-tanong ka pa kasi. Nagka-assignment ka tuloy." Tumatawa pa rin ito.
 
  "Bakit ikaw? Alam mo?" Ito naman ang humalukipkip at tumitig kay Rod.
 
  "Of course!" mabilis na sagot nito.
 
  "Sige nga, ano?" tanong nitong muli.
 
  "Secret! Baka malaman mo pa. Assignment mo iyan, dzai, huwag ka mandaya!" palusot na sabi nito dahil hindi rin naman talaga niya alam. Humalakhak itong muli.
 
  "Tse! Palusot ka pa," bara niya rito ngunit hindi iyon inintindi ni Teresita. Ang pokus niya ngayon ay ang bagong empleyado.
 
  "Basta ang bilin ko sa inyo, do your job. Ako ang bahala sa kaniya. Kapag nagtanong siya ay ipasa n'yo sa akin." Maliwanag pa sa sikat ng araw na pahihirapan nito ang baguhan.
 
  "Aye, aye, Madam!" Sabay pang sumaludo ang dalawa na animo ay militar sa pagtindig ang mga ito.
 
  "Good. Sige na, parating na si Sir at ang bago. Pumosisyon na kayo," muling saad nito nang silipin sa telepono ang kararating lang na mensahe galing sa boss nila.
 
  HINDI naman mapakali si Liza. Kanina pa niya pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay habang papalapit sila sa shop ni Aldred. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ito. At kung ano iyon? Hindi niya alam.
 
  "Mainit ba?" usisa ni Aldred nang lingunin nito ang dalaga sa katabing upuan. Dinala ni Aldred ang sasakyan niya para maayos ang biyahe nila ni Liza.
 
 
  "Hindi naman," tipid na sagot ni Liza. Hindi naman talaga mainit pero pinagpapawisan siya sa kaba. Pagsakay pa lang niya sa kotse kanina na parang pamilyar sa kaniya ay hindi na maganda ang nararamdaman niya. Sa buong biyahe nila ay nanlalamig ang palad niya.
 
  "I see. Pinagpapawisan ka kasi. Okay ka lang ba?" Saglit na huminto ito sa tabi ng kalsada pagkatanong sa dalaga.
 
  "O-oo. Okay lang ako," sabi ni Liza. Napasinghap siya nang biglang dumukwang si Aldred malapit sa mukha niya. Sa bilis ng pangyayari ay napapikit siya. Pinakiramdaman niya ang paligid. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng tela sa kaniyang noo.
 
  "Thank you," sambit niya nang pagmulat niya ay nakabalik na sa puwesto si Aldred.
 
  'Nag-expect ka, girl?" sita niya sa sarili. Sa totoo ay inakala niya na hahalikan siya ng binata kaya naman napapikit siya. Napaisip din naman siya na bakit all of a sudden ay hahalikan siya nito. Bakit? Iyon pala ay pupunasan lang ang pawis niya.
 
  Obviously, nag-expect nga siya. Why not? Nag-kiss na sila ilang beses. Pero, sila ba? Sa isip niya ay iniling-iling niya ang ulo pero sa totoo ay mariin lang siyang napapikit saglit.
 
  "Talaga, a? Okay ka lang." Hindi kumbinsido si Aldred sa sagot nito nang mapapikit ito nang mariin. Tango lang ang isinagot niya rito. Dahil ang totoo ay hindi siya okay. Bahagyang umangat ang labi ni Aldred nang maalala ang pagpikit ng dalaga nang akmang pupunasan niya ito ng pawis. Tila ba nasasanay na ito sa halik niya.
 
  "Good." Napatingin si Liza sa sinambit ng binata, "Good?"
 
  "A, I mean, good dahil okay ka," mabilis na sagot ni Aldred. Pero ang ibig niyang sabihin doon ay good  na nasasanay na ito sa halik niya. Ibig sabihin ay may progress ang pagbabalik ng memory nito—pero memory ng nangyari nitong magkakilala sila bilang Liza at hindi bilang Katlyn.
 
  Muling sumeryoso ang binata. Naisip niya na hindi pala iyon good. Nang makapag-park sa harapan ng shop ay mabilis nitong pinagbuksan ang dalaga ng pinto ng kotse. Nanlalaki ang mga mata ng mga empleyado ng shop sa nasaksihan. Halos magsalubong naman ang mga kilay ni Teresita sa nakita.
 
  "Magandang morning, Sir A—" Mabilis na bumati ang mga ito nang magbukas ang pinto ng shop. Ngunit napahinto rin nang si Liza ang iluwal ng pinto. Lalong sumama ang timpla ni Teresita nang maulit ang nasaksihan kanina. Ipinagbukas din kasi ni Aldred ng pinto ng shop si Liza.
 
  "Good morning, everyone!" agad ba bati ni Aldred pagpasok sa loob.
 
  "G-good morning, Sir," alanganing bati ng mga ito. Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa ilang segundong pagpasok ni Liza sa shop. Ang plano ay hindi nila pakikitunguhan nang maayos ang bagong empleyado. Ngunit nasira ang plano dahil tila binati pa nila ito ng magandang umaga kahit hindi ikinaganda ng umaga nila ang pagpasok ni Liza.
 
  "Feeling ko, hinarot niyan si Sir," bulong ni Becca kay Rod. Agad namang sumang-ayon si Rod ngunit siniko sila ni Teresita.
 
  "Aray, Madam," reklamo ni Becca na nasaktan ang tagiliran sa pagsiko ng matandang dalaga sa kaniya.
 
  "Let me introduce her to all of you," muling bawi ni Aldred sa antensiyon ng mga empleyadong tila naglalayag ang mga isipan sa kung ano-anong bagay.
 
  "She's Ms. Liza—." Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Aldred ay sumabat na si Becca.
 
  "Fer," sabi nito. Napatingin sina Teresita at Rod dito.
 
  "Anong fer?" usisa ni Aldred na napapaisip sa sinabi ni Becca.
 
  "fer, I mean, per-o, Sir. Hayaan natin siyang i-introduce ang sarili niya," palusot ni Becca na ang ibig naman talaga niyang sabihin at Liza-fer o sa madaling sabi ay Lucifer.
 
  "Oh, right. Come on, Liza. Introduce yourself to them," sang-ayon na sabi ni Aldred. Lihim na nagkatinginan sina Rod at Becca na tila nagsasaya sa kalokohan na sinabi ni Becca.
 
  "Hi! I'm Elizabeth Garalde. You can call me Liza na lang. I'll be working here temporarily," sabi nito. Napaisip si Aldred sa sinabi niya. Magtatanong na sana ito nang magsalita si Becca muli.
 
  "Puwede bang Fer na lang itawag namin sa'yo? Mukhang mas bagay kasi. Hindi ba, baks, I mean, Rod. Hindi ba, Madam?" Hiningi pa ni Becca ang pagkampi ng dalawa sa kaniya.
 
  "Fer?" walang alam na tanong ni Liza.
 
  "Yup. Fer, parang Jennifer, kahawig mo kasi si Jennifer Lopez," sabi pa nito. Lihim na napangising muli sina Rod at Becca. Sobrang layo ng mukha ng dalaga sa sikat na singer ngunit ano nga ba ang rason para hindi niya pagbigyan ang mga ito? Wala naman. Wala siguro. Bulong ng isip niya.
 
  "Kayo. Kung ano ang gusto n'yo," sagot na lamang niya.
 
  "Okay, Fer. Nice to meet you," ubod ng lapad na ngiti ni Becca na kumamay sa dalaga. Sumunod naman sina Rod at si Madam—Teresita.
 
  "Great! I'm glad na mukhang magkakasundo kayo. Take care of her and teach her what she needs to learn," paalala ni Aldred sa mga ito.
 
  "Ms. Camposanto, I'll leave her to you. Let me know anything kung may problema," bilin pa ni Aldred.
 
  "I'm just there at my office," nguso nito sa opisina.
 
  "Yes, Sir. Ako na ang bahala sa kaniya," sagot naman nito.
 
  "So, pasok na muna ako sa office," paalam ni Aldred sa dalaga. Napapataas na lang ang kilay ng mga ito sa tila pagpapa-cute ni Aldred sa baguhan.
 
  "Ms. Garalde, right?" sabi ni Teresita. Agad naman sumabat si Becca bago pa man sumagot si Liza.
 
  "Fer, Madam. Fer ang itawag mo sa kaniya." Himagikhik pa ito bago sila iwan.
 
  "Okay, Fer—or whatever, sumama ka sa'kin," sabi na lang nito na hindi rin naman maatim na tawagin ito sa ganoong nickname. Tumalikod ito ay pahakbang na patungo sa stockroom nang marinig ang sagot niya.
 
  "Yes, Ma'am." Napahinto ito at muling humarap sa kaniya.
 
  "Madam. Madama ang itawag mo sa'kin. Is it clear?" Tila manlalamon ng buhay ang pagkakasabi nito. Mabilis na tumango si Liza at sumagot.
 
  "Yes, Ma'am, este... Madam." Tumango lang ito at tumalikod nang muli.
 
  Tinungo nila ang stockroom sa likod ng counter. Mabilis maglakad si Madam at malapit lang naman ang kuwarto kaya naman kaagad silang nakarating doon.
 
  "For now, maglilinis ka muna ng stockroom. Kailangan mong i-familiarize ang sarili mo sa mga brands ng suppliers natin. From the coffee, creamer up to the smallest details and positioning ng stocks natin. Understand?" Mabilis na tumango si Liza rito. Iniwan din naman siya ng matandang dalaga.
 
  "Ang dami naman nito," sambit niya habang nakatulala sa mga bagay na naroon. Matapos titigan ang mga ito nang ilang segundo ay nagsimula siyang kumilos. Mabuti na lamang at may dala siyang notebook katulad nang bilin ni Aldred sakaling may gusto siyang i-note.
 
  Hindi rin naman niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya roon kaya naman sinunod niya ito. Inilista niya ang mga supply at ang bilang ng mga ito. Marami-rami rin iyon kaya tiyak na hahapunin siya roon.
 
  "MADAM, doon tayo sa resto sa may liko kumain. Wala akong baon." Tanghali na at oras na ng break nila.
 
  "Oo nga, Madam." Sumang-ayon din si Rod sa suhestiyon ni Becca. Tuwing break ay hindi talaga sila sabay-sabay na kumakain. Ngunit kapag nandoon si Aldred ay kadalasan na pumapayag itong magbantay sa shop mag-isa.
 
  "Sige, magpapaalam lang ako kay Sir." Haharap pa lang ito sa pinto ng opisina nang makitang palabas na si Aldred mula roon.
 
  "Magla-lunch kayo?" Napansin na kaagad ni Aldred na nakatingin ang mga ito sa kaniya at alam na niya ang ibig sabihin niyon.
 
  "Opo, sana, Sir." Mabilis na tumango ang binata. Dahil nasa mood ito ay malaya na naman silang magrequest dito. Wala na silang mahahanap na ganito kabait na boss kaya naman kahit na alam nilang eksakto lang ang sahod nila sa pang-araw-araw nila ay hindi nila ito iniiwan.
 
  "Si Liza?" Palakad na sana sila palabas nang magtanong si Aldred. Kaagad namang sumagot si Becca.
 
  "Nahihiya sigurong maglunch, Sir, kasi bago pa lang. nasa stockroom yata." Pagkasagot ay lumabas na ng shop ang tatlo.
 
  Saglit na pinalitan ng close ni Aldred ang sign sa glass door paglabas ng limang customers nang sabay-sabay. Tinungo niya ang stockroom para ayain na maglunch si Liza. Pagpasok niya ay wala ito sa loob. Nilakad niya ang kahabaan ng stockroom at natagpuan ito sa dulo.
 
  "Ay baklang bakulaw!" Sa gitla ng dalaga ay napatili siya nang makita ang tila naglalakad na puting damit.
 
  "Grabe ka talaga sa tawag mo sa'kin." Naiiling si Aldred dahil hanggang ngayon ay baklang bakulaw pa rin ang tawag mo sa'kin," tila nagtatampong sabi ng nito.
 
  "Sorry," alanganing ngiting sabi niya.
 
  "Okay lang. Ano 'yan?" usisa nito nang makita ang hawak niyang notebook." Agad namang sumagot si Liza.
 
  "A, ito? Inililista ko kasi ang mga supply natin. Para ma-familiarize ko." Napakunot ang noo ng binata.
 
  "Huh? Why? Ang dami nito. Inilista mo lahat iyan?" Tumango si Liza.
 
  "We have our list. You can photocopy those para reference mo." Naiiling ang binata. Mukhang napaglaruan ang dalaga. Ganoon din kasi ang ginawa ng mga ito sa huling empleyado na kaagad na umayaw kinabukasan ng first day nito.
 
  "A, meron ba? Hindi rin naman kasi ako nagtanong," sagot niya. Ayaw niyang may sisihin ang binata kaya iyon ang sinabi niya. Kahit pa dapat sana ay sinabihan siya.
 
  "Yes. Akin na nga iyan. You don't need this." Paghila ni Aldred sa notebook ay aksidenteng nahulog ito sa sahig. Tila bumilis ang tibok ng puso niya nang halos sabay nilang damputin ang notebook at mahawakan ni Aldred ang kamay ng dalaga. Napako ang paningin ng dalawa sa isa't isa.
 
  Panandaliang tila huminto ang paligid dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman ng isa't isa. Nabingi na yata si Liza. Kahit tibok ng puso niya ay hindi niya marinig. Ilang segundong katahimikan ang namayani.
 
  Gusto kong maramdamang muli ang malambot niyang labi. Napailing siya. Ano ba itong naiisip niya? Napalunok siya sa mga titig ng binata at napansin niyang namamawis na ang pakiramdam niya kahit na malamig naman sa loob ng stockroom.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon