"Hi pogi! Kailangan mo ba ako?" agad na bungad na tanong ni Luisa sa binata nang nananakbong makarating sa kahoy na gate.
"Sorry?" napapakamot sa kanang kilay na tanong nito.
"I mean, ano'ng kailangan mo?" alanganing ngiti niya rito na tila napahiya nang hindi na-gets ng binata ang tanong niya.
"Nariyan ba ang maganda kong kapit-bahay?" balik na tanong din naman nito na ikinanguso niya.
"Maganda din naman ako, a. Bulag yata itong taong 'to. Sayang naman. Guwapo sana kaya lang shunga," bulong sa isip niya.
"Sino nga ang hinahanap mo?" maang na lang niya rito. Maganda naman ang best friend niya at alam niyang ito ang tinutukoy ng binata ngunit nais niya lang asarin ito.
"Si Elizabeth, my loves," dagling sabi nito na ngiting-ngiti pa na halos mapunit na ang labi nito sa dahil doon.
"Tseh!" sigaw ng isip niya. Tila ba hindi man lang nito na-appreciate ang kagandahang taglay niya at talagang ang best friend lang niya ang nakikita nito.
"Best! May dalaw ka!" pasigaw na tawag niya kay Liza—ang babaeng walang balak harapin ang kapit-bahay.
Alam kasi niyang aasarin lang siya nito. Hindi pa niya nakalilimutan ang ginawa nito sa kaniya kaya naiinis pa rin siya rito. Hindi nga lang niya nabanggit kay Luisa dahil ayaw niyang dumagdag pa ito sa mang-aasar sa kaniya. Pihadong hindi rin siya titigilan ng best friend niya kapag nagkataon.
"Elizabeth!" napatakip na lamang si Liza ng tainga niya nang buo-in ni Luisa ang pangalan niya.
Alam niya na kapag naiirita na ito dahil damay pati ang pangalan niya na isinunod pa ng mga magulang niya kay Queen Elizabeth. Naisip niya na mabuti sana kung queen nga siya o isa sa mga royal family para magkaroon ng ganoong pangalan kaya lang ay hindi.
"Hey, ang kapit-bahay mong hindi marunong mag-appreciate ng tunay na kagandahan e hinahanap ka. Labasin mo na at baka kung ano ang magawa ko ro'n," angil nito sa kaniya. Ganiyan kasi si Luisa kapag nai-snob ang beauty niya—umiinit ang ulo. Lalo pa kung type nito ang nang-i-snob dito
"Ano raw ang kailangan?" kalmadong tanong niya rito.
"Aba, malay ko sa kaniya. Tseh siya!" singhal nito na lumingon pa sa likuran upang ipaalam na sa lalaki siya naiinis at hindi sa best friend niya. At hindi naman nakatiis si Liza na hindi lumabas. Alam niyang iritable na si Luisa at hindi na nito haharapin ang lalaki kahit na makiusap pa siya.
"Ano'ng kailangan mo?" nakataas ang isang kilay habang nakahalukipkip na tanong ni Liza sa binata.
"Sungit mo naman, my loves. Ikaw na nga ang binibisita e." sagot niyo sabay kindat pa nito sa kaniya.
"Bakit mo naman ako bibisitahin? Wala naman akong sakit. At isa pa hindi tayo close para bisitahin mo 'ko. Lalong hindi mo ako kailangang bisitahin dahil hindi tayo magka-ano-ano." matigas ba sabi niya sa bisita habang nakangisi lang ang binata sa harapan niya at pinanonood siya nitong magalit.
"Tapos ka na?" tanong nito habang nakangisi pa rin na hindi yata nauubusan ng pang-aasar sa katawan.
"Aba't antipatiko ka, a. Anong inginingisi-ngisi mo?" halos magkiskisan ang mga ngipin na sigaw niya sa lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagkainis sa bisitang nasa harapan. Wala na yatang araw na hindi ito nambuwiset sa kaniya. Dahil lang isang pagkakamali niya nang gabing iyon.
"Kung ayaw mo akong kausapin e 'di iyang kaibigan mo na lang ang kakausapin ko. Sasabihin ko sa kaniya na—," Bago pa man makatapos ito ng pagsasalita ay natapakpan na niya ang bibig ng binata na nakadukwang malapit sa mukha niya.
"Subukan mo!" sabi pa niya na nakaamba ang kamao ba animo'y tatama sa pagmumukha nito kapag nagpatuloy pa ito sa pagsasalita at pangba-blackmail sa kaniya.
"At ano ba kase ang kailangan mo?" gigil na sambit niya habang ipinunas ang palad sa short na para bang magkaka-rabis siya kapag hindi naalis ang laway nito. Pagkatapos ay muli itong tiningnan habang nakahalukipkip ulit. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ng bahay si Batik. Ang ipinagtataka niya ay bakit maamo ito sa binata.
"Hi, Batik! Ano raw kailangan ko sabi ng amo mo?" Kinalong niyo ang alaga ni Liza at muling tumingin sa dalaga.
"Siya. Siya ang kailangan ko." sabi pa nitong muli na kausap ang aso at pagkatapos ay ngumisi habang hinaplos ang ulo ng alaga ng dalaga. Kaunti na lang talaga ay mapupuno na siya rito. Parati na lang nitong ginagamit ang nangyari ng gabing iyon na hindi naman niya sinasadya.
Galing siya sa company outing nila noon at dumiretso sila ni Luisa sa isang kasamahan sa trabaho para ipagpatuloy ang kaisiyahan. Nakainom sila noon at dahil ayaw niyang magpahatid ay hanggang doon lang siya kina Luisa inihatid ng mga katrabaho niya dahil alam niyang kaya pa naman niyang makauwi.
At isa pa ay malapit lang din naman ang bahay ni Luisa sa kaniya. Alam niyang kaya na niyang umuwi mag-isa nang walang naghahatid. Kahit pa nagpumilit ang mga ito dahil nag-aalala sa kaniya ay tinanggihan niya dahil ayaw na niyang maabala pa ang mga ito. Lasing na rin si Luisa nang mga panahong iyon kaya hindi na niya in-istorbo.
"Kaya ko pa. Kaya ko pa," bulong niya sa sarili habang naglalakad sa gilid ng kalye. Alam niyang tuwid pa ang lakad niya ngunit nabanggit ni Luisa na susuray-suray na siyang maglakad pero hindi siya naniniwala. Alam niya ang kapasidad niya sa alak.
Ilang hakbang na lang ay tanaw na niya ang bahay niya kaya naman nagpatuloy pa siya sa paglalakad. Nang makarating sa gate na kahoy ng bahay ay agad siyang pumasok sa loob. Hinanap niya ang susi niya sa bag at ipinasok sa doorknob. Nakailang lusot na siya ngunit tila ba hindi para doon ang susi at magkasya sa pinto.
"Bakit ayaw?" sambit ng isip niya. Makailang beses niyang sinubukang ilusot ang susi habang pinipihit ang seradura hanggang sa magbukas iyon.
"Yey!" Napapalakpak pa siya na tila may nangyaring magic dahil sa pagbukas na iyon ng pinto kahit hindi naman kasya ang susi. Agad siyang naupo sa sofa pagkatapos ay ibinagsak ang pagod na katawan doon.
"Batik, I'm home! Come to mommy!" Makailang ulit na tinawag niya si Batik ngunit walang lumalapit na alaga sa kaniya.
"Nasaan ka bang Batik ka?" usal niya dahil kadalasan ay sinasalubong siya nito pagdating niya. Ngunit ngayon ay wala man lang lumalapit sa kaniya.
"Batik!" huling tawag niya rito habang hinuhubad ang blouse niya at sando na lang ang itinira. Hinubad niya rin ang pantalon niya at cycling na lang ang suot niya. Ibinato niya ang mga pinaghubaran sa sahig pagkatapos ay nakaidlip na siya. Hindi na niya alam ang nangyari pagkatapos.
Kinabukasan ay nagising na lang siya dahil da liwanag na dulot ng sikat ng araw. Kukusot-kusot pa siya sa mga mata nang masikatan ng araw na nagmumula sa bukas na bintana ang mga mata niya. Umaga na pala. Napaisip siya na hindi man lang siya nakaramdam ng lamig kagabi kahit bukas ang bintana.
"Magandang umaga, my loves!" Napatili siya sa narinig.
"Ay bakulaw ka!" sigaw niya at napakunot ang noo niya sa narinig. Alam niyang hindi si Batik iyon dahil sa huling pagkakaalam niya ay aso ang alaga niya at hindi iyon nagsasalita.
"S-sino ka?" Dagli siyang bumalikwas at napabangon nang mapagtanto na matigas ang hinihigaan niya.
"Shocks! Nasaan ako?" Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hubad-barong lalaki sa harapan niya. Napasilip pa siya sa loob ng kumot na nakabalot sa kaniya nang tatlong beses at papalit-palit ng tingin sa binata hanggang mapatayo siya. Napanood na niya ang ganoong setup.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito? Ano'ng ginawa mo sa'kin?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaking tatawa-tawa lang naman na nakatunghay sa kaniya.
Yakap ang kumot na itinakip niya sa katawan niya ay napatayo siya mula sa kinauupuan at saka lamang niya napansin ang nagkalat niyang sandals, pantalon at blouse sa sahig. Kunot ang noong mabilis siyang nag-isip ng gagawin. Mahigpit niyang niyakap ang kumot na nakabalot sa kaniya at sumigaw.
"Rapist! Magnanakaw! Akyat-bahay! Tulong!" ubod ng lakas na sigaw niya na nagbabaka-sakaling marinig siya ng mga kapit-bahay. Pero maagap na hinapit siya ng binata ay tinakpan ang bibig niya.
"Hey! Hey! Baka may makarinig sa'yo at maniwala," awat nito sa kaniya. Nagpumiglas siya rito hanggang sa nagawa niyang kagatin ang daliring nakatakip sa bibig niya. Agad na inalis naman ng lalaki ang kamay nito at nagtatalon sa sakit.
"Aray!" sigaw nito na iwinasiwas pa ang kamay sa ere dahil sa sakit ng kagat ni Liza.
"Rapist! Mga kapitbahay, tulong!" muling sigaw niya nang maalis ng lalaki ang kamay na kinagat niya.
"Hey! Stop!" Mabilis na isinandal siya nito sa pader ng bahay at itinakip ang kumot sa bibig nito. Nanlaki naman ang mga mata niya. Ngunit sa halip na takot ang maramdaman niya ay tila mas bag-ibayo pa ang inis niya rito.
"Kapag hindi ka tumigil sa kasisigaw ay hahalikan kita!" warning ng binata rito. Pinili niyang manahimik dahil doon.
"Ano siya sinusuwerte? Virgin pa ang labi ko. Never been kissed, never been touched. Siya pa lang ang nagtangkang magtakip ng bibig ko at mahawakan ang labi ko." sigaw ng isip niya. Ayaw niya kayang mahalikan kaya titigil na siya.
"Good. Madali ka namn palang kausap, my loves e." sabi ng binata nang hindi ito umimik pagkaalis ng kumot sa bibig nito. Pero mayamaya ay agad din naman siyang nagsalita ngunit hindi na pasigaw.
"Tigil-tigilan mo nga ang pagtawag ng my loves sa'kin. At sino ka ba? Ano bang ginagawa mo rito sa bahay ko?" gigil na tanong niya.
"Hep! Anong bahay mo? Bahay ko 'to, my loves," agad na kontra nito sa kaniya. Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito at inilibot ang paningin sa paligid.
Doon niya lamang napansin na iba nga ang ayos ng bahay. Although same ang puwesto ng sofa pero kahoy iyon. Napalingo siya sa bintana at saka lamang niya natanaw ang bahay niya sa bukas na bintana. Napatutop siya ng bibig at mas humigpit ang yakap sa kumot na nakabalot sa katawan niya.
"At anong ginagawa ko rito? Ano'ng ginawa mo sa'kin? Kidnapper ka 'no?" akusa niyang muli sa binata.
"For your information lang, my loves. Alam ko na maganda ka. Pero mali ang mag-accused ng tao. Kung tutuusin ay ako ang dapat na magreklamo. Trespassing ka sa bahay ko," tatawa-tawang sabi nito.
"Ako? Trespassing? No way!" marahas ang iling na sabi niya at saka lamang nagbalik sa isip niya ang mga pangyayari kagabi. Hindi niya lubos maisip ang ka-shungaang nagawa niya.
"No!" sigaw ng isip niya nang maalala na trespassing nga siya. Dagli niyang dinampot ang mga damit niya at nagtalukbong ng kumot pagkatapos ay nagmamadaling nanakbo papunta sa kabilang bakod para umuwi sa kung nasaan ang bahay niya.
"My loves! Kumot ko iyan!" tatawa-tawang sigaw ng binata habang pinanonood ang babaeng nananakbo patungo sa bahay nito. Naiiling pa ito dahil sa inakto ng babae kanina. Nakatukod pa ang palad nito sa pinto habang nakapameywang.
"Gosh, Elizabeth! Ano'ng ginagawa mo sa kabilang bahay?" kastigo niya sa sarili nang makapasok sa loob ng bahay niya. Sinalubong naman siya ni Batik. Napasandal pa siya sa likod ng pinto pagpasok doon habang karga ang alaga. Pinagsasapok niya ang ulo sa katangahan na nangyari sa kaniya.
"My loves! Tulala ka na naman. Nagre-reminisce ka ba ng past natin?" pang-aasar na sabi ng binata na ikinabalik naman ng ulirat niya.
"Hindi! Tseh!" agad na nag-walk out ito sa harapan ng binata. Tinalikuran niya ito at pumasok na sa loob ng bahay. Sinundan naman siya ni Batik habang naiwan naman sa labas ng bakod ang binata na nakangisi pa rin sa kaniya. Aliw na aliw sa pang-aasar sa dalaga.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...