Chapter 6 - Crazy Day

44 6 4
                                    

        "Alam mo, my loves, hindi na kita kailangan pang sundan kahit saan," sambit ng binata habang nakatingin sa kaniya na itinataas-baba pa ang mga kilay at malokong nakangiti sa kaniya.
     
      "Dahil nandito ka na sa puso ko." Agad na napangiwi naman si Liza sa sinabi ng binata na para bang nadiri sa sinabi nito.
     
      Nangingilabot siya sa naririnig niyang sinasabi nito. Bukod sa ang korni nito ay hindi naman tatalab sa kaniya ang ganitong mga linyahan. Hindi pa yata pinanganganak ang lalaking magpapakilig sa kaniya sa totoong buhay. Tanging ang mga oppa lang sa mga korean novelas at mga librong nababasa niya ang nakagagawa niyon.
       
        Hindi siya man hater at lalong hindi siya galit sa love. Pangarap niya rin naman ang makakilala ng lalaking magmamahal sa kaniya at mamahalin niya. Pero hindi ang isang katulad ni Aldred na bukod sa bully na ay korni pa. Hindi na kilabutan sa mga pinagsasasabi nito.
       
        "At talagang binaliktad mo pa ant sinabi ko. Kabahan ka nga sa sinasabi mo. At bakit naman kita susundan? Aber?" nakangiwi pa ring sabi ng dalaga rito na umikot pa ang mga mata sa inis sa binata. At nang makakita ng kape at kumuha ito ng tatlong pack at iniabot sa binata.
       
        "O, heto. Para nerbiyosin ka naman sa mga pinagsasabi mo," singhal ng dalaga at sa halip na naman magreklamo ay malugod pa itong tinanggap ng binata. Buong ngiti pa itong humarap sa kaniya.
       
        "Ikaw, my loves, ha. Tatlo pa talaga. Ibig bang sabihin nito ay 'I love you', ha?" taas-baba ang kilay na sabi nito sa dalaga. Halos umabot sa bumbunan ni Liza ang kilabot sa sinabi nitong muli. Hindi rin naman niya alam kung bakit tatlong pack ang ibinigay niya rito.
   
    "Feeling siguro nito e sobrang guwapo niya at patay na patay lahat ng babae sa kaniya," usal ng dalaga habang halos magkaskasan na ang mga ngipin niya sa inis.
       
        Lalo pa siyang nanggigil nang sa inis sa binata at pagkatapos ay padabog na nilayasan ito. Nang napansin niyang hindi na ito sumunod sa kaniya ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo niya rito. Marahil ay dahil sa sobrang bully nito sa kaniya.
   
    Wala pa yata siyang nakilalang lalaki na ganito kataas ang tingin sa sarili. Kahit ang mga kaibigan niya noon ay hindi niya nakitaan ng ganitong klase ng fighting spirit. Napailing na lang siya na natatawa sa naisip at bubulong-bulong pa, "Baka pa nga nasapian ng spirit."
       
        "Ang abnormal talaga. Tss!" angil pa niya kahit wala na ang binata roon nang maalala ang kalokohan nito. Naglakad-lakad pa siya sa grocery para tumingin-tingin ng mga pamimilihin niya. Iniwan niya sa gilid sandali ang push cart niya at pumasok sa puwesto ng mga oatmeal.
       
        "Nice! Diet ka, my loves?" halos mahulog ang hawak niyang pakete ng oatmeal nang gulatin siya ng binata. Ramdam niya na lumukso ang puso niya at literal na mabibitiwan pa niya ang oatmeal. Kung nagkataon ay baka sumabog ang laman ng pakete sa sahig.
       
        "Baklang bakulaw ka talaga! Buwiset ka! Aatakihin pa'ko sa puso sa'yo!" Hahampasin sana niya ito ngunit agad itong nakalayo.
       
        "Masyado ka namang nerbiyosa. Ikaw yata ang tirador ng kape sa estante e. Tingnan mo iyong cart mo puro kape." Agad na nangunot ang noo niya nang maalala na iniwan nga pala niya iyon sa unahan.
       
        Agad niyang pinuntahan ang cart at katulad ng sinabi ng binata ay puro kape nga ang laman niyon at wala na ang mga kinuha niyang items. Nanlisik ang mga mata niyang hinanap ang binata. At nang matagpuan iyon ng kaniyang mga mata ay todo iling ito.
       
        "Ooopps! Wala akong kinalaman diyan," kibit ang balikat na sabi nito. Padabog sana niyang itutulak na ang cart nang may biglang may umawat sa kaniya.
       
        "Ma'am, excuse me po. Saan niyo po dadalhin ang mga iyan?" sabi ng lalaking nakasuot ng asul na damit na may logo ng ABKA na brand ng kape. Napatanga siya at napaawang nang bahagya ang bibig sa lalaking tumawag sa kaniya at hindi kaagad nakapagsalita. Nilingon pa niya ang abnormal niyang kapit-bahay.
       
        "Ha? A... e..." tanging sambit niya.
       
        "Sorry, ma'am... Heto po ang cart niyo. Maglalagay po kasi kami ng mga kape sa estante kaya ipinaurong po namin kay sir ang cart," saad pa ng lalaki sabay turo sa lalaking kinaiinisan niya. Gusto niya itong kutusan nang bonggang-bongga sa inis.
   
    "Sa inyo po ba iyon? Akala kasi namin sa kaniya," baling nitong muli sa kaniya at pagkatapos ay sa cart. Halos umusok ang ilong niya sa baliw niyang kapitbahay. Pinaglaruan na naman siya ng lalaking walang magawa kung hindi ay maghatid ng ka-buwiset-an sa buhay niya.
       
        Alam naman pala nito ang nangyari ay nagmamaang-maangan pa. Pinanliitan niya ito ng mata habang tinititigan. At nang makontento na sa pagtitig niya rito nang masama ay agad niyang kinuha ang cart niya at padabog na iniwan ang binata. Ngingisi-ngisi lang naman ang isa na tila aliw na aliw sa pang-iinis sa kaniya.
       
        Matapos niyang bayaran ang mga pinamili niya ay lumabas na siya ng mall at nagtawag ng tricycle para magpahatid sa bahay niya. Eksakto namang may huminto sa harapan niya. Tinulungan siya ng driver na i-load ang mga pinamili niya sa likod ng sasakyan.
       
        "Salamat, Manong," sambit niya sa driver. Pasakay na sana siya nang biglang may sumakay sa loob ng tricycle.
   
        "Ikaw na naman?" angil niya nang makita ang lalaking hindi tinatablan ng kahit na anong konsensiya. Naipahiya na siya nito lahat-lahat sa grocery pagkatapos ay hanggang sa tricycle ay may lakas pa ng apog na magpakita sa kaniya.
       
        Napahugot siya nang malalim na hininga sa pagkadismaya. Hindi talaga siya tatantanan ng kapitbahay niya. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito at lagi na lang siya nitong kinukulit. Anong klaseng pagtataboy pa ba ang dapat niyang gawin para iwasan siya nito.
       
        "Ano? Sasakay ka ba o aalis na kami kasama ang mga pinamili mo?" tanong nito sa kaniya.
   
    Hindi niya malaman kung saan pa niya huhugutin ang inis niya rito. Saglit siyang pumikit para ikalma ang sarili at naisip niyang sa likod na lamang siya uupo kaysa naman makatabi ang abnormal na lalaking ito. Huli na nang mapansin niya na wala na palang upuan sa likod ng tricycle katabi ng driver dahil may gamit din doon.
       
        "Oo na!" bulyaw niya at napilitang maupo sa tabi nito sa loob ng sasakyan. Ayaw man niya lng makatabi ito ay hindi naman ganoon kadali ang mag-unload ng mga pinamili niya. May mga box kasi na kasama para sa de lata. Pang-isang buwan na grocery niya ang mga iyon.
       
        "Don't worry, my loves. Kapag ako ang kasama mo ay safe ka sa'kin." Napangiwi naman siya sa sinabi nito.
       
        "Feeling ko nga e disaster kapag nandito ka. Presensiya mo pa lang e hindi na maganda ang dating," nakangiwing ang gilid ng labi na sabi niya rito.
       
        "Grabe ka sa akin, my loves," sagot naman ng binata na kunwari ay nasaktan sa sinabi niya.
   
        "Tseh! Huwag mo'kong kausapin," saad niya rito nang manahimik ang binata. Mas nanaisin pa niyang hindi ito nagsasalita kaysa naman puro kayabangan lang ang lumabas sa bibig nito. Daig pa ang hanging habagat sa lakas ng hangin na dala nito.
       
        Pawang tahimik ang dalawa at halos isiksik na ni Liza sa gilid ng tricycle ang katawan niya upang mailayo lang sa lalaking iton na feeling niya ay may pagka-maniyak. Ngunit pilit naman nitong idinidikit ang sarili sa kaniya. Halos hindi na niya mahintay na makarating ng bahay sa pagkainip para makababa na.
   
    At nang makarating sa gate ng bahay ay tumulong si Aldred sa pag-unload ng mga pinamili ng dalaga. Tatlong box lang naman iyon. Ngunit dahil sa mga de lata ay bumigat ang mga ito.
       
        "Tulungan na kitang ipasok sa loob ang mga iyan," sinserong alok ni Aldred ng tulong sa dalaga.
      
        "Hala? Nilalagnat ka yata?" sabi ni Liza na may pagtingkayad pa para pantayan ang binata at salatin ang noo nito. Napakunot naman ang binata sa ginawa ni Liza at nagtanong.
       
        "Hindi, a," sambit nito na sinalat din ang sariling noo pagkatapos ay noo naman ni Liza ang nilapatan ng palad.
   
        "Bakit, my love? Nilalagnat ka ba?" Ibinalik nito ang tanong niya.
       
        "Hindi. Pero ang bait mo kasi ngayon, e. Huwag mo na ako intindihin. Kayang-kaya ko na ang mga iyan," tangging sabi niya sa alok nito.
   
    "Umuwi ka na sa inyo nang makapagpahinga naman ako sa pang-aasar mo sa akin. Kotang-kota ka na, e. Bukas naman at nang makapagpahinga ka na rin. Baka naman nakararamdam ka rin ng pagod sa pang-iinis. Baka lang naman," sabi niya ritong muli at nagtaas-baba naman ang kilay nito sa kaniya at nagsalita.
       
        "Hinding-hindi ako mapapagod sa iyo, my loves. Ikaw ang lakas ko at buhay. Hindi ko alam kung makakaya ko pang mabuhay nang wala ka," seryoso ang mukha na sabi ni Aldred. Agad namang napangiwi na naman si Liza at halos magkaguhit na ang noo niya sa pagkunot-niyon.
       
        "Wow, a!" sabi ni Liza rito at alanganing ngumiti pagkatapos ay itinulak ito nang bahagya palabas ng gate. Nang makalabas na ito ay isinara niya iyon.
       
        "Gutom lang iyan. Kain ka na. Baka sakaling bumalik ka sa sarili mo. Puwede rin namang itawag na kita sa mandaluyong sakaling hindi na kaya ng pagkain ang katinuan mo," tatawa-tawang sabi ni Liza at tinalikuran ang binata. Pumasok naman si Aldred sa gate ng bahay nito habang napapakamot ng kilay.
       
        "Matino pa naman ako, a," bulong niya sa sarili na bahagya pa siyang naguluhan kung matino pa nga ba siya. Naiiling na pumasok ito sa loob dala rin ang pinamili.
       
        Ipinasok naman na ni Liza ang mga pinamili niya at inilapag sa gilid ng pinto. Napalingon siya sa sofa nang makita ang best friend niya. Naabutan niya si Luisa na nakaupo sa may sofa. Kukot ang noo na napapaisip kung bakit naroon ang kaibigan at hindi man lang nagbukas ng ilaw.
   
        "O? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
       
        "Dinadalaw ka. Bakit? Bawal ka na bang dalawin?" nalilitong balik na tanong naman nito kay Liza.
       
        "Oo nga. Ibig kong sabihin ay bakit nasa loob ka? Tapos hindi ka pa nagbukas ng ilaw. Paano ka nakapasok dito? Pinalitan ko na ang lock ng pinto, a," saad ni Liza. At ngumisi lang naman ito sa kaniya. Mayamaya ay nangantiyaw na ito sa dalaga.
       
        "Wala namang reason para magpalit ka ng lock. Wala namang mananakaw rito. Not unless, may ayaw kang makita ko..." sabi nito na hihimas-himas pa sa sariling baba na napatayo habang nakapamaywang. Tila ba may pinupunto ito na hindi naman niya makuha kung ano.
       
        "At ano naman iyon?" Lumapit ito sa dalaga at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos sipatin ang buong harapan niya ay inikutan naman siya nito at inakbayan sa likod. Nang makontento ay bumalik ito sa harapan.
       
        "I saw you coming with him..." nguso nitong sabi sa direksiyon ng bahay ng lalaking kinaiinisan niya at hihimas-himas pa rin sa baba nito.
       
        "Him? Sino?" maang niya sabi kahit pa alam naman niya ang tinutukoy ng kaibigan.
       
        "Sino pa? E 'di si neighbor," agad na sbai nito. Hindi naman umimik si Liza. Hindi naman talaga kasi sila magkasama ng lalaking iyon. Sadyang makulit lang iyon kaya nakisabay sa tricycle na nasakyan niya. Bigla na lang kasing sumusulpot na parang kabute ang lalaking iyon para mam-buwiset.
       
        Actually, hindi rin naman talaga ito nakisabay. Sumakay ito sa tricycle nang walang sabi-sabi sa kaniya at wala siyang choice kung hindi ay sabayan ito kahit pa siya naman ang nagtawag ng tricycle na iyon. Muli siyang inikutan nito at tinitigan na para bang kriminal na pilit pinaaamin sa krimeng wala namang siyang kasalanan.
 
  Naalala na naman niya ang kalokohan ng binata kanina sa grocery. Kahit pa ayaw niyang i-entertain ang kalokohan nito ay sadyang ipinanganak yata itong makulit. Ayaw man niya itong pansinin ay pilit itong nagpapapansin sa kaniya. Hindi naman maalis ang titig ng kaibigan niya sa kaniya.
 
  Kung bakit ba kasi nagkaroon siya ng kapit-bahay na ubod ng kulit at puno ng kayabang sa katawan. Pati tuloy ang best friend niya ay nagayuma na yata nito at hindi na siya ang pinaniniwalaan. Anong paliwanag naman kaya ang dapat niyang sabihin dito?

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon