SC 5 - MCN: The Finale

65 5 7
                                    

Sa pagtama ng bala ay kasabay ang tila dahan-dahang pagbagsak ng kaniyang katawan sa matigas na semento ng kalsadang kinatatayuan ng minamahal niya. Hindi man niya naprotektahan ang pagmamahal na inialay niya rito ay na-protektan naman niya ang buhay nito.

"Sarah, sarah, gising." Panay ang yugyog ng binata sa babaeng hindi man niya kayang mahalin bilang isang babae ay minahal naman niya ito bilang kapatid niya.

"Kuya Aldred, I-I'm s-sorry... Sana mapatawad ninyo ako ni Ate Katlyn," saad nito at hinawakan ang kamay ni Kat.

"A-ate Kat, patawin m-mo ko..." Parehong umaagos ang luha ng mga ito habang tinatakpan ni Aldred sugat ng kapatid na tinamaan ng bala.

Ilang minuto pa ay dumating na ang ambulansya. Ngunit bago pa man ito maisakay ay binawian na ng buhay ang dalaga. Diretso naman sa kulungan si Mico. Huli na para magsisi pa siya. Kung nakinig lang sana siya kay Sarah ay tiyak na buhay pa ang dalaga ngayon.

3 YEARS after...

"Okay ka lang, Mahal?" usisa ni Katlyn kay Aldred. Nasa balcony ito ng bahay.

"Si Sarah ba?" Tumango lang ang binata. Naalala niya ang sakripisyo nito. Ramdam naman niyang nagsisi na ito sa nagawa nitong kasalanan at ipinagpapasalamat niya na sa huling sandali ng buhay nito ay nagsisi ito.

Tandang-tanda niya kung paano ito nanakbo para harangan siya sa pagkakatutok ng baril ni Mico. Hindi niya sigurado kung may alam ba ito sa plano ni Mico sa araw na iyon dahil may mga pulis na agarang rumesponde sa kanila. Hindi na niya naisip pang tanungin dahil naghihingalo na ito.

Ilang oras bago magtungo si Mico sa Cafe De AL ay nakausap nito sina Pando at Bulol. Pinigilan niya ang mga itong sumunod kay Mico dahil alam niyang hindi sila makukulong kung titigil na sila. Pumayag naman ang mga ito kaya sinabi ng mga ito ang plano sa dalaga.

Dahil doon ay nalaman niyang patungo ito sa shop para kidnap-in dapat si Kat. Eksaktong natadyakan ni Kat si Mico nang makita niya ang mga pangyayari kaya tinakbo niya ang binata. Ngunit hindi niya alam na ito na pala ang huling pagkakataon na makakikita niya si Aldred.

"I'm sure na masaya na siya kung nasaan man siya ngayon." Niyakap niya ang binata. Hindi pa rin maiwasan na maisip niya si Sarah. Pero masaya siya dahil napalaya na nito ang sarili mula sa pagkakalasing sa pagmamahal sa kaniya.

"Ready ka na?" tanong ni Aldred. Ngayon nakatakda ang pagsusukat nila ng wedding gown at tuxedo. Simpleng wedding lang sana ang gusto ni Katlyn ngunit hindi pumayag si Aldred dahil sa naudlot nilang kasal noon.

"Yeah, ikaw ba?" balik niyang tanong sa binata.

"Yup. Let's go, Mahal." Tinungo nila ang boutique para sa gown and tuxedo fitting nila.

"Wow! Perfect!" malakas na sambit ni Luisa—ang best friend niya. Kakilala kasi nito ang may-ari ng boutique kaya naman kasama ito sa appointment nila. At isa pa ay nagpasukat na rin ito ng gown niya bilang maid of honor ni Kat.

Noong una ay hindi pa ito makapaniwala sa mga pangyayari. Naalala pa ni Kat ang reaksiyon nito nang ikuwento niya ang nangyari.

"W-what?" bulalas ni Luisa. Litong-lito ito sa nangyari.

"Kaya pala nang hinanap kita sa kaniya sa bahay niya, laging sinasabi niyang wala ka. E, tarantado naman pala ang lalaking 'yan." Sa tono pa lang nito ay gigil na ito sa narinig.

"Naramdaman ko naman na gusto niya ako. But, I didn't know na mag-resort siya sa pagkidnap sa 'kin o paggawa ng masama," saad naman ni Kat.

"Obssession ang tawag do'n, gosh. Mabuti na lang talaga at si Sarah ang tinamaan." Mabilis na tinakpan ni Kat ang bibig ng kaibigan.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon