Chapter 34 - Campsite

22 1 4
                                    

  "Buwisit! Sigurado akong inilalayo niya sa'kin si Katlyn!" daig pa ang pusang naapakan ang buntot aa galit kay Aldred na sigaw ni Mico. Panay ang hampas sa manibela habang iniisip kung saan hahanapin ang dalawa.
 
  "I told you, kakailanganin mo rin ako. Kung no'ng una pa lang ay pumayag ka na idispatsa ang babaeng 'yon, e, 'di sana hindi ka parang asong mababaliw sa kahahanap sa amo mo." Magkasama ngayon sa sasakyan sina Mico at Sarah.
 
  Walang nagawa ang binata kung hindi ay kontakin si Sarah para magpatulong hanapin sina Aldred at Katlyn. Nagpaalam ang mga ito na magbabakasyon at sikreto lang ang lugar na pupunta. Ayaw nilang ma-kompromiso ang destinasyon nila kaya hindi nila sinabi kay Mico.
 
  "Kapag nalaman ko kung nasaan ang dalawang 'yon, pati 'yang Aldred mo madadamay." Nagngangalit ang mga ngipin habang umiigting ang mga panga ni Mico.
 
  "Don't you dare touch my Aldred, Mico. Ako ang makakalaban mo 'pag ginawa mo 'yan!" Alam ni Sarah na seryoso si Mico kaya naman ngayon pa lang ay dapat na niyang bantaan ito.
 
  But knowing him, he was not affaid of anyone.
 
  Habang abala sa paghahanap ang dalawa ay masaya namang nagkakantahan sina Liza at Aldred sa sasakyan. Tila ba walang problemang kinahaharap. Katulad noong si Kat pa si Liza ay ganoong-ganoon sila minus Sarah and Mico lang.
 
  Kung alam lang ni Aldred na nasa paligid lang nila ang sagabal sa mga plano nila ay hindi na sana niya isinama sa lahat ng plano niya ang dalawa. Ang kaibigan na akala niya ay totoo sa kaniya ay hindi pala. Ang kapatid na itinuring niyang tunay na kadugo ay hindi pala siya kayang ituring na kapatid.
 
  "Nahilo lang ako," saad ni Liza nang tanungin siya ng binata kung ayos lang siya. Bigla kasing may alaalang pumasok sa isip niya habang kumakanta sila. Tila ba matagal na nila iyong ginagawa kahit na ngayon pa lang naman iyon nangyari.
 
  "Rest ka muna. I'll wake you up later." Tumango naman si Liza at isinandal ang ulo sa katabing upuan ng binata. Ipinikit ang mga mata at hinayaang mawalan ng ulirat ang sarili. Nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan habang naka-pokus sa pagmamaneho ang binata.
 
  "Ang sarap balikan ng dati, Mahal ko," sambit ni Aldred habang palingon-lingon sa dalaga nang masiguradong tulog na ito.
 
  Tila lumilipad sa alapaap ang binata dahil sa kaligayahang nadarama. Matagal niyang hinintay na dumating ang pagkakataong makapag-solo sila. Walang kaaway na nakapalibot. Naalala pa niya noong tuwing nasa biyahe sila. Payapang nagpapahinga ang dalaga kapag napapagod at pagmamasdan lang niya ito hanggang magising.
 
  Maayos na sana ang lahat. Marahil ay may mga anak na sila ngayon kung hindi lang nangyari ang lahat ng iyon—ang aksidente...hindi, ang krimen na ginawa ng mga taong pinagkakatiwalan niya. Tiim-bagang siyang napahigpit ng hawak sa manibela. Nais niyang pagbayarin ang mga ito sa nagawa nila ngunit kahit paano ay may pagmamahal pa rin siya sa mga ito dahil kapamilya na ang turing niya sa mga iyon.
 
  Ilang oras din ang lumipas sa biyahe nila bago nila marating ang campsite. Napag-usapan nila na bago sila tutungo sa pamilya ni Liza ay sa isang araw muna silang mag-stay sa campsite. "Mahal—L-Liza, gising. Nandito na tayo."
 
  Bahagyang kumilos si Liza pagkatapos ay nag-inat ng mga braso. Unti-unting iminulat ang mga mata. Naroon na nga sila sa campsite. "Sayang naman, hindi ko nakita ang view papunta rito."
 
  Napanguso pa ang dalaga. Natatawa na lang si Aldred. Ganoong-ganoon din ito noon. Matutulog sa biyahe at paggising ay ngunguso na animong nagtatampo na hindi nakita ang paligid. Hindi rin naman nito nakita talaga ang paligid papunta sa campsite.
 
  "Pagbalik natin sa Manila, huwag kang matulog. Daan ulit tayo ng campsite." Natatawang si Aldred. Pakiramdam niya ay nagbalik na sila sa nakaraan. Hiling niyang bumalik ang alaala ni Liza. Kung hindi man ay sisiguruhin niyang siya pa rin sa huli kahit hindi na ito si Katlyn.
 
  "Sabi mo 'yan, a. Promise?" Tumango naman si Aldred. Umakyat sila ng campsite at siniguradong madadaanan nila ang lahat ng pinuntahan nilang kasama si Kat. Ngunit malaki na ang pagbabago sa campsite. May poste na rin ng ila ang bawat site at wala nang madilim na area.
 
  Napailing si Aldred. Mukhang walang pag-asang makaalala ang dalaga sa lugar na iyon. Napansing niyang tila nauuhaw na ito kaya inabutan niya ito ng inumin. "Water?"
 
  "Thanks," saad ni Liza at inabot ang tubig na binigay ng binata.
 
  NANG makarating sa taas ay sa eksaktong puwesto nila nagtayo ng tent ang dalawa. Tanaw ang mga ilaw sa siyudad ay nagpahinga sila matapos ang mahabang paglalakad at nakapapagod na biyahe kanina.
 
  "Alam mo feeling ko, nakapunta na ako rito." Napalingon ang binatang abala sa pagtingin sa mga ilaw kanina.
 
  "You mean, may naaalala ka?" tanong niya rito.
 
  "Naaalala? Pakiramdam ko lang. But I know, I have never been here," sagot ni Liza. Tumango-tango lang si Aldred. Napapaisip siya kung hanggang saan ang pakiramdam ni Liza sa nakaraan.
 
  "Gusto mong maglibot sa area?" tanong ng binata.
 
  "Sige, maliwanag naman." Naglakad-lakad ang dalawa. Nais niyang dalhin ito sa kubo kung saan nila natagpuan ang babaeng may suot ng kuwintas na bigay niya.
 
  Habang naglalakad ay napadikit ang daliri ng binata kay Liza. Hindi naman iyon pinansin ng dalaga. Unti-unti ay nagkalapit ang mga palad nila. Sa pagkakataong ito ay sinunggab ni Aldred ang pagkakataon upang hawakan ang kamay ni Liza. At katulad kanina ay wala namang pagtanggi ito. Pakiramdam ng dalaga ay panatag siya sa hawak nito.
 
  "Maupo muna tayo," suhestiyon ni Aldred. Wala na ang kubo roon ngunit napalitan na ng sementadong upuan. Tanaw pa rin ang maliwanag na mga ilaw ng siyudad. Tumango si Liza habang hawak pa rin ng binata ang kamay nito.
 
  "May itatanong sana ako," nang makaupo ay sabi ni Aldred.
 
  "Ano? Huwag lang, will you marry me ha. Hindi ka pa nanliligaw," pabirong sabi ni Liza. Napahalakhak naman ang binata. Sa totoo ay iyon talaga ang naisip niyang itanong para patawanin ito pero naunahan na siya.
 
  "Hindi." Sumeryoso ang binata.
 
  "I have this special someone and we've been here..." panimula niya. Saglit siyang tumahimik para humanap ng tiyempo. Sasabihin ba niya ang tungkol kay Kat? O, hindi? Bahala na, usal niya.
 
  "Tapos?" Bahagyang may lungkot na naramdaman ang puso ni Liza ngunit nagawa pa rin niyang magtanong. Lumingon siya sa mga ilaw para hindi niya masyadong marinig kung sasabihin nitong mahal na mahal nito ang babaeng binanggit. Wala pa man ay pakiramdam niyang nagseselos siya.
 
  "She's Katlyn." Napalingon siya sa pangalang isinambit nito.
 
  "Katlyn?" pag-uulit niya. Parnag pamilyar na hindi.
 
  "Yeah. Kilala mo?" Umiling ang dalaga. Akala pa naman niya naalala na nito ang sarili.
 
  "Sounds familiar but... nope. I don't know her," saad ni Liza.
 
  "Ikakasal na dapat kami at dito sana sa campsite ang second proposal ko..." Bakas ang lungkot sa mga mata ni Aldred. May dumamping lungkot din naman sa puso ng dalaga.
 
  "Nag-break kayo?" Sa pagkakataong ito ay si Aldred naman ang umiling.
 
  "She died." Pinagmamasdan niya ang reaksiyon ng dalaga. Mababanaag dito ang lungkot sa narinig.
 
  "Here," dugtong pa ng binata.
 
  Ang kanina ay maliit na awang ng bibig ay lumawak nang banggitin ng binata na patay na ito. Gulat na may halong pag-aalala ang naramdaman ni Liza. Nalulungkot siya para kay Aldred. Kaya siguro ganoon na lang ang pagiging makulit nito sa kaniya. Defense nito para hindi malungkot sa nakaraan.
 
  "I'm so sorry..." tanging nasambit ni Liza.
 
  "It's fine. It's not your fault." Hindi man kasalanan ni Liza ay nalulungkot siya. Kung hindi niya inalam kung nag-break ang dalawa ay hindi naman ito magkukuwento pa kaya nagi-guilty siya.
 
  "Hindi ako magaling mag-comfort, pero sana okay ka lang. I can feel na may darating para sa'yo," sabi ng dalaga. Hindi niya tinutukoy ang sarili ngunit kung maaring siya na lang ang maging para dito ay magiging masaya siya.
 
  "I actually found her," saad ng binata. Dalawa ang meaning ng sinabi niya. Nahanap na niya ang luma at bagong pag-ibig niya. Si Katlyn sa noon at si Liza sa ngayon na iisang tao lang din naman.
 
  "Good for you." Sumeryoso ang dalaga. Sa likod ng puso niya ay paninibugho sa sinambit ng binata. Gumuho ang barkong binubuo niya para sa kanilang dalawa. Aminin man niya sa hindi ay pangalan niya ang inaasahan niyang sasambitin nito. Ngunit tila iba ang tinutukoy.
 
  "Tara na. Balik na tayo," yaya ng dalaga. Ayaw niyang masaksihan pa nito ang pagtulo ng luha niya. Dalawa naman ang tent na itinayo nila kaya naman doon na lang siya magmumukmok.
 
  "Maaga pa. Pero kung pagod ka na, sige, pahinga na tayo." Nagmamaktol ang puso niya kung bakit hindi makaramdam ang isang ito sa nararamdaman niya. Kailangan bang sambitin ng bibig lahat? Wala bang pakiramdam ang isang ito para malaman niyang nagseselos siya? Para sabihin nitong gusto pa siya nitong kausap?
 
  Nauna nang tumayo si Aldred at kasunod naman si Liza pero naunang maglakad ang dalaga. Nang tumapat siya sa binata ay mabilis na hinapit ng binata ang baywang niya at niyakap siyang patalikod. Pagkatapos ay bumulong, "I found you..."
 
  Ang gulat niyang dapat sana ay kakalasin ang pagkakayakap ni Aldred sa kaniya ay napalitan ng pagka-estatuwa. Para siyang tuod na nanatili sa kinatatayuan niya. Dumaloy ang kuryente sa buong katawan niya sa bulong na iyon.
 
  "I found you and I will never let you go," bulong pang muli ng binata habang humihigpit ang pagyapos dito. Unti-unting gumalaw ang mga kamay niya upang yapusin din ang mga braso nitong nakapulupot sa kaniya habang wala pa ring imik sa sinabi nito.
 
  "Mahal kita, Liza." Humiwalay sa pagkakayapos ang binata at humarap sa kaniya. "Can I be your boyfriend?"
 
  Hindi inaasahan ni Liza ang bagay na ito. Malayo sa naiisip niya. Ang naisip niya ay may mangyayari sa kanila sa camping—one-night-stand. Nakahanda na siya kung mangyari ang bagay na iyon. Single siya at single ito kaya walang masama kung may mangyari man. Pero ang proposal na maging kasintahan, hindi sumagi sa isip niya.
 
  Hawak ang dalawang kamay niya habang nakaharap sa kaniya ay nag-aabang ng sagot ang binata. Nakatitig sa mga mata niyang mababanaag ang labis na kasiyahan. Habang matamang nakaabang ang binata sa sagot niya ay nananalangin itong pumayag ang dalaga.
 
  "Yes, Al, yes." Mahina ngunit mariing sabi niya. Sa sobrang kasiyahan ay binuhat ni Aldred ang dalaga na tila bagong kasal at sumigaw ng sumigaw. "Yohoo! I love you, Liza! Wooohh!"
 
  "Ang OA mo. Para kang nanalo sa lotto. Ibaba mo nga ako," saway niya rito. Pakiramdam niya ay naistorbo ang mga kuliglig sa ingay ng binata.
 
  "No. Kahit sumakit ang braso ko, hindi kita ibababa," sabi ng binata.
 
  "Bahala ka. Mabigat ako." Yumugyog pa ang dalaga para lalong bumigat. Natatawa lang si Aldred.
 
  Kumapit naman ang dalawang braso ni Liza sa leeg ng binata. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay walang sinayang na sandali ang binata. Naglapat ang kanilang mga labi bilang pagseselyo ng kanilang pag-iibigan.
 
  Masuyong hinagkan ng binata si Liza na walang pinalampas na sulok ng labi. Bawat dampi ay puno ng pagmamahal. Babawi siya sa lahat ng nawalang pagkakataon na iparamdam dito ang pagmamahal niya. Mariing napakapit naman sa batok ang dalaga at hindi naiwasang may ungol na kumawala sa bibig nito.
 
  Bawat dampi ng mga labi nila ay labis na tamis ng pag-ibig ang nararamdaman. Ilang minuto ring sinakop ng binata ang labi niya hanggang kapwa hingal na naghiwalay ang dalawa. Napakapit nang mahigpit ang dalaga. Langhap ang dibdib ng binata. Pagkuwan ay bumulong dito. "Ibaba mo na na 'ko."
 
  "Okay," tipid na sagot ni Aldred at ibinaba ang dalaga. Animo ay mga nahihiyang tupa ang dalawa na hindi makatitig sa isa't isa dahil sa naganap kani-kanina lang.
 
  "U-upo muna tayo?" Nauutal pa nang magsalita si Liza. Hindi naman na sila bata para magkailangan sa ganoong pangyayari ngunit sadyang biglaan ang mga pangyayari.
 
  Tumango naman si Aldred at inalalayan siya sa pag-upo. Kung kanina ay magkaharap lang sila ng upuan, ngayon ay magkatabi na. Opisyal na ang kanilang estado kaya naman hindi na nila kailangang tantiyahin kung magagalit ba ang isa o hindi sa bawat kilos nila.
 
  "Dito muna tayo?" Tumango ang dalaga sa tanong ni Aldred.
 
  "Are you sure?" pag-aalangang tanong ng binata. Kanina lang ay nagyaya na itong magpahinga ngunit ngayon ay ayaw pa nitong umalis.
 
  "Ayaw mo ba?" balik na tanong ni Liza.
 
  "Inaalala ko lang na baka pagod ka na. Kasi kanina gusto mo nang bumalik doon," sagot nito.
 
  "Tara na nga." Seryosong tumayo ang dalaga. Natawa na lang dito si Aldred. Ganito rin si Katlyn noon. Mabilis mairita kapag nahuhuli niyang naiirita o nagtatampo.
 
  "Biro lang naman. Dito muna tayo," lambing niya sa dalaga at hinawakan ang baywang nito para maupo.
 
  "Thank you for accepting me, Liz. Akala ko, tatanggihan mo 'ko," seryosong sabi ng binata habang nakatanaw sa mga ilaw.
 
  "Hindi ka naman mahirap mahalin." Umandar na naman ang pagkapilyo ni Aldred sa sagot nito.
 
  "Ibig sabihin no'ng nakita mo 'ko sa bahay nang pasukin mo 'ko, e, mahal mo na 'ko?" Kunwari ay nanlalaki pa ang mga mata na bahagyang lumayo sa dalaga.
 
  "Oy, kapal mo naman. Feeling mo naman guwapo ka." Napahalukipkip ang dalaga na kinontra ang sinabi nito.
 
  "Bakit pangit ba ako?" nakaangat ang kilay na tanong ng binata.
 
  "Hindi,"
 
  "Hindi? So, guwapo ako?"
 
  "Hindi rin."
 
  "E, ano?"
 
  "Secret!" Natatawang tumayo ang dalaga at lumipat sa katapat na upuan. Alam niyang inaasar na naman siya nito kaya ginantihan lang niya. Pero lumipat naman si Aldred sa kabila.
 
  "Seryoso na ako, mahal." Napatingin si Liza rito.
 
  "Mahal?" pag-uulit niya sa sinabi nito.
 
  "Yes, Mahal. 'Yan tawag ko sa'yo."
 
  "Hindi ba parang ang corny?"
 
  "Corny sa umpisa pero masasanay ka rin."
 
  Umangat ang gilid ng labi ni Liza at napanguso. Nako-kornihan talaga siya sa tawag na iyon. Sa kahit anong endearment. "Corny talaga, promise.
 
  "Trust me. Masasanay ka rin." Ganoon din si Katlyn noon hanggang sa nasanay na ito at ito na mismo ang nagpapaalala sa binata kapag sa pangalan siya nito tinatawag. Tumango na lang si Liza. Ayaw niyang pag-awayan pa nila iyon.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon