Chapter 19 - The Past 2

20 2 4
                                    

  "Siguraduhin ninyong hindi na siya makikilala," sambit ng babaeng gigil sa inis nang dahil sa pagbabawal ng binata sa kaniya na maging malambing katulad noon mga bata pa sila.
 
  "Yes, Ma'am," sagot ng kausap ng dalaga. Pagkatapos kausapin ang lalaki ay mabilis na ibinaba nito ang telepono nang makita si Aldred.
 
  "O, kuya. Ready na ba ang gamit mo?" malambing na tanong nito sa binata. Hindi mo iisipin na ang maamong mukha nito ay may iniuutos na kabaliktaran ng mala-anghel nitong mukha.
 
  "Oo, naman. Ikaw ba?" sagot ni Aldred sa kapatid.
 
  "Parating na nga pala si Miko kaya mag-ready ka na," muling saad ni Aldred.
 
  Ngayon ang alis nila para sa hiking nila papunta sa falls na matagal nang gustong puntahan ni Katlyn. Pangarap nitong pumunta sa falls na iyon. Hindi lang dahil sa mahilig ito sa mga hiking at water activities, kung hindi ay dahil sa talaga namang magical scenery na dulot nito.
 
  "Naka-ready na, kuya kagabi pa." Ipinulupot ng dalaga ang dalawang braso nito at yumakap. Mariin na halos ang harapan niya ay lumapat sa matipunong dibdib ng kapatid. Humalik pa ito sa pisngi ng binata at tinitigan nito ang mga mata ni Aldred. Naasiwa naman si Aldred dahil malaki na ito para umakto ng katulad noon.
 
  Wala siyang malisya ngunit kung sino man ang makakikita nang ganoonh ayos ay maari silang pag-isipan ng masama. Magkapatid pa man din sila. Marahan niyang itinulak ang ang dalaga. Bahagya niyang inilayo ito sa kanya at ganoon din siya na umatras nang kaunti.
 
  "Sarah, I know you're just being sweet pero like I said, hindi maganda sa paningin ng mga tao na ang dalagang katulad mo ay yumayakap ng ganiyan sa kuya mo o sa kahit sinong family member." Lumukot ang mukha ng dalaga. Sa kaniya lang naman kasi ito ganoon. Hindi ito malapit sa daddy nila at lalong hindi ito malapit sa ibang lalaki.
 
  Kahit kay Miko na hayag ang pagkagusto sa kaniya ay hindi nito pinapansin o pinagtutuunan ng pansin. Kay Aldred lang siya malapit. Ang dahilan niya ay dati na naman niyang ginagawa iyon. Minsan nga ay sa lips pa siya humahalik noong mga bata pa sila. Ngunit bigla na lang nagbago ang lahat. Mas lumaki pa ang pagbabago nang dumating si Katlyn.
 
  "Kuya, naman. I'm just being malambing to you. You know me dati pa. And what's wrong with hugging my brother?" giit pang sabi ni Sarah. Naiiling na lang si Aldred sa mga dahilan nito. Ayaw rin naman ng binata na ma-misinterpret ni Katlyn ang lahat lalo pa at malapit na sila nitong ikasal.
 
  "Basta. It's not good. Hindi magandang tingnan. Sa mata ng mga taong may maruruming isip. Hindi mo masasabi kung sino ang makaiintindi ng kilos mo dahil hindi pareho mo ang thinking ng ibang tao." Ma-awtoridad na sabi ni Aldred. Pamaktol na tinalikuran ni Sarah ang kaniyang kuya at pumasok sa sariling kuwarto.
 
  "We'll see kung makikilalaat magugustuhan mo pa siya," matalim na tingin sa pinto ang ipinukol nito kahit wala naman ang binata roon.
 
  Mayamaya lang ay naririnig na niya ang kuwentuhan nina Miko at Aldred sa may sala. Binuhat na niya ang backpack niya at ang mabilis na nagpalit ng damit na panghiking nila. Hindi siya magdadala ng mga kung ano-anong abubot niya dahil siguradong hindi siya ang priority ng kuya niya kung hindi ay si Katlyn.
 
  "Ready?" katok ni Aldred sa pinto ng dalaga.
 
  "Coming!" Saglit pa itong tumingin sa malaking salamin na kita ang buong katawan at sinipat ang sarili.
 
  "Well, still pretty and sassy," sambit nito sa sarili saka binuhat ang bag. Pagbukas ng pinto ay ipinakita niya kay Aldred na tila hirap na hirap siyang buhatin ito.
 
  "Can you help me, kuya?" malambing na saad ni Sarah. Palapit na sana si Aldred nang akuin ni Miko ang pagtulong.
 
  "Ako na riyan," mabilis na saad nito sabay lapit sa dalaga. Binuhat nito ang bag na maagan lang naman. Naiiling na lang siya na dinala iyon sa sasakyan. Kung bakit nag-iinarte si Sarah ay hindi niya alam. Hindi siya gusto nito at alam naman niya iyon. Pero ganoon pa man ay gusto niya pa rin ito.
 
  "Let's go. Susunduin pa natin si Kat." Masaya ang aura ni Aldred nang banggitin ang pangalan ng fiancee' niya. Excited din siya sa surprise niya para sa dalaga. Ngunit hindi para kay Sarah. Agad itong nagreklamo.
 
  "Bakit kasi susunduin pa natin siya? Hindi ba niya alam ang papunta here?" maarteng sabi nito.
 
  "Siyempre naman, gusto kong ako ang pupunta sa kaniya." Ginulo pa nito ang buhok ni Sarah pagkasabi na ikinairita ng dalaga. Hindi lang sigurado kung dahil sa pagkagulo ng buhok niya kaya siya nainis o dahil sa sinabi ng kuya niya.
 
  "Kuya, naman," angil niya. Pa-martsa na tumungo siya sa sasakyan ni Miko para sumakay na. Wala rin naman siyang magagawa kahit pa maglupasay siya dahil susunduin at susunduin pa rin naman nila si Katlyn.
 
  "Are you going or not?" bulyaw niya sa dalawa nang umiiling na nakatitig lang ang mga ito sa kaniya. Natawa naman si Aldred sa pagkaisip bata ng kapatid. Alam niyang nagseselos lang ito sa atensiyon na ibinibigay niya kay Katlyn dahil hindi na siya ang nag-iisang prinsesa nito.
 
  Dalawa lang din naman silang magkapatid at ever since ay magkasama na sila at parang magbest friend ang turingan. Hanggang sa na-in love nga ang kuya niya. Magkasundo naman sina Sarah at Katlyn base sa closeness nila kapag magkasama ayon sa nakikita niyang kilos ng mga ito.
 
  Nagprisinta pa nga itong maid of honor nila. Pumayag din naman kaagad si Katlyn dahil cute na cute siya kay Sarah at mabait ito sa kaniya. Minsan pa nga ay magkasama sila na magpa-mani at pedi sa salon nina Katlyn. May kaya sina Katlyn at may sarili silang spa bukod sa salon.
 
  "Of course, we are," sagot ng dalawa at nagmadaling sumakay sa sasakyan. Mas malaki ang sasakyan ni Miko kaysa kay Aldred kaya naman ito ang dadalhin nila. Kasya rin doon ang tent at kung ano-ano pang gamit na kakailanganin nila.
 
  Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ng dalaga. Naghihintay na rin naman ito sa may hardin at nakaupong kasama ang kuya nito pati na ang mommy nito. Nang makita ni Katlyn ang sasakyan ay lumiwanag ang mukha nito. Mabilis na dinampot ang bag at akmang tatayo ng pigilan ito ng kapatid.
 
  "Hey, excited ka naman masyado. Hayaan mong puntahan ka rito niyang boyfriend mong ewan." Hindi ito gusto ng kuya ni Katlyn noon pa mang unang kilala niya rito. Eventually naging okay rin. Pero ang totoo ay nakikisama lang pala ito kapag kaharap ito.
 
  "Kuya, naman. Ayaw ko na silang pababain pa. Ako na lang naman ang hinihintay nila." Ngumuso siya at tiningnan ang lukot na mukha ng kuya niya.
 
  "Ikaw lang naman ang inaalala ko. Ang to think na delikado ang pupuntahan mo. Isa pa ay may nababalitang krimen sa lugar na iyon. Sigurado ka bang mapo-protektahan ka ng kumag na 'yan?" Ang ina na nila ang sumaway sa bangayan ng dalawa.
 
  "Kayo na naman. Hayaan mo na siyang mag-enjoy. Napaka-over protective mo. At mabait iyang si Aldred. I'm sure na hindi niya pababayaan si Katlyn." Hindi pa rin kimbinsido ang binata ngunit ano nga ba ang magagawa niya. Hindi rin naman niya ito madadala roon sa pangarap nitong puntahan dahil hindi siya mahilig sa ganoong activitiy.
 
  "Oo nga, kuya. Don't worry. Mag-iingat ako. And I'll see you soon." Bumeso at yumakap ito kuya niya at ganoon din naman sa ina. Humalik siya sa pisngi nito at kumaway na tila ito na ang huli nilang pagkikita.
 
  "Hi, Mahal! Sorry sa paghihintay. Hindi kasi makumbinsi ang pinakamamahal kong kuya na safe naman ang pupuntahan natin." Humalik ito sa labi ni Aldred na kanina pa nakababa ng kotse. Hindi na siya nag-abala pang lumapit kanina at kumaway na lang siya sa mag-inang naiwan sa hardin.
 
  "Of course, Mahal. Let's go. Baka gabihin na tayo." Sumakay na sa sasakyan si Katlyn katabi ni Sarah at sa harap naman sina Miko at Aldred.
 
  "Hi, Sarah. Are you excited?" Masayang binati ng dalaga ang kapatid ni Aldred. Natuwa naman ang binata dahil sa pagiging big sister ni Katlyn sa kapatid niya.
 
  "Yes naman, Ate Kat. Sabi ko nga kay Kuya, dapat dumiretso ka na sa bahay para doon na tayo manggaling. Kaya lang ito kasing si kuya," angil ni Sarah habang nagpapaawa kay Katlyn.
 
  "Kaya nga. I told him too. Pero susunduin na lang daw niya ako. Anyway, narito na ako. So let's go, Mahal!" Masiglang tinapik ni Katlyn ang fiance' niya.
 
  "Wait, I have something for you," may dinukot ito sa bulsa at pinalapit ang dalaga.
 
  "Ano 'to?" Nakangiting pinagmasdan nito ang box pagkatapos ay inilabas ni Aldred ang laman nito.
 
  "Wow!" bulalas nito nang makita ang kuwintas.
 
  "Kuya, puwedeng later na 'yan?" sabat ni Sarah sa dalawa.
 
  "Oo nga, Mahal. Pagbaba na lang," sabi naman ni Katlyn na tinapik muli ang binata.
 
  "Excited lang ako. Sige na nga. Later na," sagot din naman ni Aldred at nagmaneho naman ito kaagad.
 
  Si Miko ang magmamaneho ng sasakyan pabalik sa maynila at si Aldred naman ang papunta. Isang palihim na ungos ang ginawa ni Sarah sa pagtapik ni Katlyn sa kuya niya. Wala namang nakapansin dito. Masayang nagkantahan ang mga ito habang nagmamaneho.
 
  Pasulyap-sulyap si Sarah sa kuya niya habang panay ang tingin ng binata kay Katlyn sa rareview mirror. Hindi naman iyon napapansin ni Katlyn at panay lang ang kanta nito. Sobrang excited na siya at walang ka-ide-ideya na ito na pala ang huli niyang trip kasama ang kasintahan.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon