SC 3 - Visiting the Alonzos

24 2 5
                                    

"Hindi ba't sinabi kong huwag ka nang babalik dito? Ang tigas din ng ulo mo 'no?" pagkasabi ay tiim ang bagang habang nakapameywang ang binatang kung naging babae lang e talagang mapagkakamalang si Katlyn.

"May importante akong sasabihin. Pakinggan mo lang ako kahit sandali." Hindi muna lumabas ng kotse si Katlyn bagkus ay nanatili ito sa kotse habang naghihintay ng senyas ni Aldred.

"Ano pang importanteng pakay mo rito? Wala na ang kambal ko kaya wala nang dapat pang pag-usapan," giit naman na Kurt.

"At 'pag hindi ka umalis ay baka magka-blackeye ulit 'yang mga mata mo," sabi pa nito na ikinuyom ang mga palad.

"Kurt, buhay si Katlyn," saad niya rito na hindi pinansin ang sinabi ni Kurt at sinabi kaagad ang pakay.

"Hibang ka ba? Wala kang respeto sa patay! Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa 'yo!" Bakas ang galit sa mukha nito dahil sa talim ng tingin nito kay Aldred ngunit hindi nagpatinag si Aldred. Nang lingunin nito si Katlyn sa kotse ay mabilis na lumabas ang dalaga at nagtungo sa kanila.

"K-Kuya Kurt," nauutal na sambit ni Katlyn. Hindi niya akalain na magiging emosyonal siya. Ang buong akala niya ay buong lapad ng ngiti na sasalubungin niya ang pamilya niyang matagal na nawalay sa kaniya.

"K-Kat?" Nanlalaki ang mga mata ni Kurt sa dalaga. Makailang ulit pa itong kinusot ng binata upang siguruhin na totoo ang nakikita niya.

"Kuya!" pagkasabi ay mabilis na nanakbo ito payakap sa kapatid nitong lalaki. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso ng kapatid. At ganoon din ang tibok ng puso niya.

"Buhay ka nga! Buhay ka!" Ramdam niya ang pananabik nitong mayakap siya. Sa tagal na hindi nila nakasama ang isa't isa ay pareho silang emosyonal. Nakatingin lang na nakangiti si Aldred habang pinanonood ang dalawa na parehong yumuyugyog ang mga balikat.

Nang maghiwalay ay pawang pinahid ang basa pang mga mata ng dalawa at tinawag siya ni Katlyn. "Mahal, halika."

"I'm sorry, Bro." Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ni Kurt kung hindi ay iyon lang. Hindi kasi siya naniwala kaagad at daig pa niya ang isang ina kung itakwil niya si Aldred bilang bayaw na hilaw dahil hindi naman natuloy ang kasal nito at ng kapatid.

"Wala 'yon." Sama-samang nagyakapan ang mga ito. At nang mahimasmasan ang tatlo sa madamdaming tagpo ay mabilis na sumagiw si Kurt para tawagin ang mommy at daddy nila.

"Mom! Dad! Come here!" tawag nito sa dalawa.

"What is it son? What's hap—," natuod na sabi ni Ginang Alonzo nang makita ang kasama ni Kurt.

"Oo nga. Anong nangyayari Ku—," sabi din na natitigilan ni Ginoong Alonzo.

"K-Katlyn?" sabay na sabi ng mga ito. Agad na nanakbo naman si Katlyn sa mga ito.

"Mommy! Daddy!" Namamasa na ang mga mata ng dalaga habang papalapit sa mga ito na kay tagal niyang tiniis para lang hindi madamay ang mga ito sa masamang plano ni Sarah.

"Anak!" Sabay na bumagsak ang mga tubig sa mga mata ng mag-asawa. Wala nang salita pang namutawi sa mga labi ng mga ito. Kagat ang labi ng dalaga na marahang humikbi.

"Mom, dad, I miss you both so much. Akala ko hindi na darating ang ganitong chance na makayakap ko kayo ulit. Mom, dad, hinding-hindi na ako mawawala. Hinding-hindi ko na kayo iiwan pa." Napapahid na lang luha si Aldred habang kita niyang nagyakapan ang mag-anak. Lumapit na rin si Kurt na emosyonal.

"Salamat at buhay ka, sweetheart," muling sambit ng ginang habang yakap pa rin ang anak. Nang maghiwalay ang mga ito ay pawang mga nagpahid ng mga luha.

"Halina kayo at magsalo-salo tayo. Magpapaluto ako kay Manang ng paborito mo." Niyakag ng ginang ang dalaga.

"Mauna na po ako." Papasok na sana ang mag-anak nang magpaalam si Aldred.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon