"Akala ko ba maayos na ang lahat? I'm trying my best na makipaglapit kay kuya. Pero hindi ko magawa dahil sa palpak ninyong trabaho!" Halos umalingawngaw sa abandunadong ospital ang boses ni Sarah. Bakas ang gigil sa mukha nito habang sinisermonan ang mga lalaking inutusan niya noon na sirain ang mukha ni Katlyn.
Walang ibang maririnig sa lugar na iyon kung hindi ay ang boses niya at ang mga kuliglig na tila ba nawalan ng kapayapaan nang umalingawngaw ang tinig ng dalaga. Mamasa-masa pa ang sahig na dulot ng tubig ulan. Sira-sira na ang bintana ng lumang ospital at wala ring kuryente. Ang amoy nitong ospital ay napalitan na ng amoy ng mga lumot.
Wala naman siyang balak na ipapatay si Katlyn. Ang nais lang niya ay tuluyang mabura ang mukha nito para naman hindi ito makilala ni Aldred. At para na rin hindi ito pakasalan ng binata. Kapag sira na ang mukha nito ay hindi na ito maipagmamalaki ni Aldred at siguradong hindi nito maaatim na makasama ang babaeng sunog ang mukha.
At dahil nga sinabi ng mga ito na patay na si Kat ay naniwala naman siya. Wala na siyang magagawa roon kung aksidenteng tinuluyan ng mga ito ang babaeng iyon. Napaniwala siya ng mga ito nang walang bakas ng pagdududa. Lalo pa nang matagpuan ang katawan ng babae sa kubo.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan. Bigla ka na lang susugod dito sa hideout. Maayos kami magtrabaho," sagot ng kausap ni Sarah.
"Talaga ba? Sabi n'yo patay na—," sabi ng dalaga na pinutol naman ng lalaking may katangkaran sa kaniya.
"Sino? Iyong jowa ng kuya mo? Patay na nga hindi ba? Inilibing pa nga," sagot nito sabay baling sa kasama.
"'Di ba?" patanong na balik nito sa kasamahan na ikinatango naman ng isa. Ngumisi naman nang mapait si Sarah. Sa tagal na panahon ng nangyari iyon ay ayaw pa ring umamin ng mga ito. Kitang-kita ng dalawang mata niya na buhay ito. Hindi siya maaring magkamali.
"Kung patay na siya, sino ang babaeng kasama ni kuya sa bahay niya?" Nanlilisik ang mga mata nitong nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa. Nagkatinginan naman ang mga ito. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala na alam na nga ni Sarah ang katotohanan.
"Na-guilty pa 'ko na namatay si Kat. Ang akala ko ay tinuluyan n'yo na siya. Ang gusto ko lang naman ay mandiri si kuya sa babaeng iyon!" Halos sabunutan niya ang sarili sa inis dahil sa pagde-deny ng dalawa. Pero hindi rin naman nagpatalo ang dalawang lalaking kausap niya lalo na ang nakatatanda sa isang kasama nito.
"Ano'ng gagawin namin? Sa nakatakas, e. Pagbalik namin sa kubo, wala na siya," gigil din namang sagot ng lalaking may malaking katawan.
Umiigting ang panga nito sa inis. Dumura pa ito sa sementadong sahig matapos maubos ang hinihithit na sigarilyo. Pinandilatan ni Sarah ang dalawa na akala mo ay hawak niya ang buhay ng mga ito kung makapag-utos. Gusto niyang ilabas ang baril niya mula sa bag at pagbabarilin ang mga ito. Pero pigil na pigil siyang gawin iyon.
"E, bakit n'yo sinabing patay na? Sabi n'yo patay na. Sabi n'yo okay na. Pero sino 'yon?" Halos manginig ang laman-laman niya habang kausap ang mga ito.
"Hinanap naman namin siya. Pero hindi na namin siya nakita. At isa pa ay ang tagal na niyang wala. Alam ng lahat na patay na siya. Kung siya 'yon, sana, e nagpakita na 'yon sa mga magulang niya," pagdadahilan pa rin nito na hindi niya maintindihan kung naniniwala ba ang mga ito o hindi.
"Bakit n'yo nga sinabing patay na? Hindi n'yo man lang sinabi sa akin ang totoo kung alam naman pala ninyong buhay siya. At sino ang babae sa kubo? Bakit suot niya ang kuwintas ni Kat?" Natahimik ang dalawa at hindi na tinangkang sumagot pa. Malakas ang pakiramdam niya na may itinatago ang dalawang ito.
"Sinasabi ko sa inyo. Kapag nagsalita ang babaeng iyon, tiyak na katapusan na natin. Mga inutil!" Nanginginig ang laman niya na nagpapadyak sa inis.
Hindi siya maaaring magkamali. Si Katlyn ang nakita niya. Si Kat ang babaeng iyon. Kailangan niyang masigurado. Buo na ang plano niya. Pagkasakay sa kotse ay mabilis na nilisan nito ang abandunadong ospital. Seryoso ang mukha na nagmaneho upang alamin ang katotohanan.
Sa bar siya dumiretso. Kailangan niyang maisagawa ang mga plano niya at ngayong gabi iyon magsisimula. Kung hindi natuluyan si Kat noong una at sisiguruhin niyang matutuluyan na ito ngayon. Hindi siya nag-entertain ng kahit na sino. Ang layunin niya ay magpakalasing.
"Ma'am, lasing na po 'yata kayo. Gusto niyo pong ipagtawag ko na kayo ng taxi?" magalang na sabi ng bartender. Kilala niya ang babaeng ito at ngayon lang niya ito nakitang nagpakalango sa alak. Ang alam niya ay hindi ito umuuwi ng lasing dahil walang magmamaneho ng kotse nito ayon dito.
"Can you call him for me?" Agad na tumango ang lalaki at pinindot ang telepono ni Sarah upang tawagan si Aldred. Sinulyapan pa nito ang dalaga habang hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya.
"Ma'am, may iba pa po ba kayong puwedeng tawagan? Wala pong sumasagot, e," saad ng lalaki.
Ikinampay ni Sarah ang kamay nito at sumenyas ng wala. Muling sinubukan ng lalaki na tawagan ito. Ngunit hindi talaga ito sinasagot ng lalaki. Naisip nito na baka magkagalit ang babae at ang tinatawagan niya na 'babe' kaya naman tinawagan na lang niya ito sa landline ng bar.
"Hello? Who's this?" Wala pang ilang segundo ay may sumagot na kaagad dito.
"Hi, Sir! Si Rayver po ito ng Orange & Blue Bar—." Bago pa ito tuluyang magpaliwanag ay pinutol na ni Aldred ang sasabihin nito. Kasalukuyan siyang nasa balcony at nagpapahangin habang pinagmamasdan ang kabilang pinto nang tawagan siya ni Sarah.
"What do you need?" Walang puwang ang masiglang pakikipag-usap sa kabila nang tanungin niya ang lalaki.
"Kayo po kasi ang contact ng customer namin. Si Ms. Bertucio. Lasing na lasing po kasi. At kayo po ang sinabi niyang magsusundo sa kaniya," detalye naman nito. Naiiling si Aldred na napabuga ng hangin.
"Call a cab for her. I'm busy right now," saad niya sa kausap.
"E, Sir—," sambit ng lalak bago pa man maputol ang tawag.
Ibinaba na ni Aldred ang linya. Alam niyang isa ito sa mga modus ni Sarah. Ginawa na nito iyon noon. May date sila ni Katlyn noon nang magpakalasing ito at magpasundo sa kaniya. Naunawaan naman ni Katlyn ang nangyari. Pero para sa kaniya ay nakahihiya dahil anibersaryo pa nila iyon.
"Sir, ayaw po talaga ni Ma'am Bertucio na magpahatid sa iba. Kayo lang daw po ang puwedeng sumundo sa kaniya. Hihintayin po namin kayo," saad ng lalaki. Hindi sumuko ang bartender. Tinawagan niyang muli si Aldred at mabilis na nagsalita. Hindi niya binigyan ng puwang na makatanggi ang binata.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi siya um-oo at hindi rin siya humindi sa lalaki. Ibinaba niya ang tawag at saglit na nag-isip. Napagdesisyunan niyang sunduin ito. Kinuha niya sa likod ang motor niya na ginagamit lang niya sa pamamasyal ng solo.
Pinaandar niya ito patungo sa bar. Hindi niya napansin na eksaktong pag-alis niya ay ang paglabas naman ni Liza mula sa pinto ng bahay nito. Nakatingin lang ito sa kaniya habang paalis. Napaisip ito kung saan tutungo ang binata.
Ilang minuto rin ang itinakbo ng motor bago nakarating sa bar. Kaagad siyang nag-park. Natanaw niya ang sasakyan ng kapatid. Napailing na lang siya nang makita ito. Gusto niyang baliwalain ito ngunit talagang sinasadya nitong magpapansin sa kaniya.
"Sarah, let's go," sambit niya. Amoy pa lang ni Aldred ay napasinghap na kaagad si Sarah. Langhap nito ang mabangong amoy ng kapatid. Ngunit nanatili itong nakapikit. Hindi ito kumilos nang akayin ito ni Aldred. Hinayaan lang nito si Aldred na dalhin siya nito sa sariling sasakyan.
Ibinilin ni Aldred sa bartender ang motor niya na babalikan na lang pagkahatid kay Sarah. Akay-akay ang kapatid ay naglakad sila patungo sa kotse nito. Hinanap pa niya ang susi ng kotse sa bag nito bago tuluyang nabuksan. Pahinga niyang inilapag ang kapatid sa backseat at siya naman nasa driver's seat.
Ilang minuto rin niyang pinag-isipan kung saan niya ihahatid si Sarah. Siguradong masesermunan ito ng mga magulang nila lalo na ang lola niya kung ihahatid niya ito roon. Ayaw sana niyang dalhin ito sa tinutuluyan niya. Ngunit mukhang wala siyang choice. Kapatid niya ito at ayaw niyang mapahamak ito.
Napagdesisyunan na lang niyang dalhin ito sa bahay niya kahit na ayaw sana niya. Nakipagpalit pa siya kay Liza. Malalaman din naman pala ni Sarah na doon pa rin siya nakatira sa lugar na iyon.
Nang makarating sa gate ay sinubukan niyang gisingin ito. Baka sakaling may iba pa itong kaibigan na puwedeng tuluyan. Ngunit mukhang lasing na lasing ito kaya naman hindi ito nagigising. Ipinasok niya ito sa bahay at pinatuloy sa kuwarto niya. Pinunasan niya ito para kahit paano ay mawala ang init na dulot ng alak dito.
Nang matapos ay lumabas na siya ng kuwarto at iniwan ito. Umakyat siya sa itaas para tumambay sa balcony. Wala naman siyang pasok kaya walang problema kung mapuyat siya. Ihahatid niya kaagad si Sarah kapag nagising na ito. Naupo siya sa balcony at pinagmasdan muli ang kabilang bahay.
Naisip niyang marahil ay tulog na si Liza. Ilang. Binalot na nang tuluyan ng dilim ang paligid nang patayin niya ang ilaw sa balcony. Sapat na ang ilaw sa mga poste sa labas upang mapunan ng kaunting liwanag ang paligid. Ilang minuto pa ay nakaramdam siya ng isang mainit na yakap.
Kakaibang yakap na may kasamang haplos. Langhap niya ang amoy ng alak na nanggagaling sa singaw ng katawan nito. Si Sarah. Ito lang naman ang gagawa niyon sa kaniya. Walang pinalampas na segundo si Sarah nang sunggaban nito ang labi niya. Mapusok na sinakop nito ang labi niya.
Lingid sa kaalaman niya na lumabas si Liza upang silipin siya. Narinig nito ang pagdating niya kaya saglit itong nag-ayos ng sarili at lumabas. Alam nito na nasa balcony siya kanina bago sunduin si Sarah. At tama nga ang inisip nito na nasa balcony ito. Ngunit ang hindi tama ay ang nasaksihan.
Napaawang ang labi niya sa pagkabigla sa nakita. Sakop ng dalawa ang mga labi ng isa't isa. Mula sa liwanag sa poste ay aninag niya ang babaeng iyon. Ito ang babaeng naghahanap dito kanina. Pakiramdam niya ay pinipiga ang dibdib niya. Nanakbo siyang tahimik pabalik sa loob ng bahay.
Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari sa dalawa. Sigurado siyang alam na niya ang kasunod niyon. Isang mainit na pagsasanib ng katawan. Naninikip ang dibdib niya. Masakit sa loob niyang nagpadala siya sa nararamdaman niya rito. Wala naman itong obligasyon sa kaniya. Ngunit pakiramdam niya ay naisahan siya ng binata.
"What are you doing?" Mahinang sabi ni Aldred sa babaeng itinulak palayo. Tila ayaw nitong makadistorbo sa mga taong nagpapahinga sa mga oras na iyon. Puno ng galit sa ginawa nito.
"Kuya, I love you. Mahal kita, Aldred." Mahina rin naman ang pagsasalita ng isa.
"Are you insane? Kapatid mo 'ko. This is not right!" mariing sambit ni Aldred.
Tama ang hinala niya noon pa. Kaya pala ganoon na lang ang ikinikilos nito. At lalo pa ang pagtawag-tawag nito ng babe sa kaniya sa harap ng mga babaeng kilala niya lalo na kay Katlyn. Hindi lang ito iniintindi ni Kat dahil alam nitong magkapatid ang dalawa.
"Hindi tayo magkapatid. I mean, by blood. And that means, my feelings are valid." Hindi napigilan ni Sarah ang sarili. Ang plano niya ay makipaglapit kay Katlyn ngunit hindi niya nakayanan ang pagnanasa niyang mahalikan si Aldred.
"Whatever you call it, kapatid kita. Hindi tayo puwede. I'm sure na nalilito ka lang. Baka akala mo lang na pagmamahal bilang babae ang nararamdaman mo. I'm sure you love me as you brother." Alam ni Aldred na niloloko niya lang ang sarili niya. Sigurado siyang mahal siya nito bilang isang lalaki at hindi kapatid.
"No. I love you eversince I set my foot in your family's house. I love you, Aldred," sambit nitong muli. Tangkang hahalikan siyang muli ni Sarah kaya naman mabilis siyang nakaiwas.
"That's insane, Sarah. You're crazy! Kung hindi ka na lasing ay ihahatid na kita sa bahay." Tarantang napailing si Sarah. Masisira ang plano niya kapag pinauwi siya ni Aldred.
"Stupid," usal nito sa sarili.
"No, Kuya. I'm sorry," saad nito sa binata.
"Lasing ako kaya nagawa ko 'yon kanina. Forgive me. Pero huwag mo 'kong paalisin. Promise, magbe-behave ako," pagmamakaawa nito. Hindi umimik si Aldred pero hindi rin siya humindi. Iniwan niya ang dalaga sa balcony at lumabas ng gate. Magpapalipas muna siya kina Miko.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...