Chapter 17 - Change of Heart

16 2 2
                                    

      Pupungas-pungas si Liza habang nag-uunat ng katawan sa kama ng binata. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa hindi pa rin niya magawang ipalagay ang sarili sa bahay na iyon. Hindi niya alam ang emergency ng binata at tila may bumabagabag sa dibdib niya.
     
      "Anong oras na ba?" tanong niya sa sarili. Pilit niyang ibinuka ang mga mata ngunit hindi niya kaya dahil sa hapdi ng pakiramdam niya. Marahil ay dala ng puyat. Isang mata lang ang naibukas niya upang silipin ang orasan na nakasabit sa pader ng bahay ni Aldred.
     
      "Shocks! Late na 'ko!" marahas siyang napabangon sa hinagaan.
   
    Tinanghali na siya ng gising. Hindi niya alam kung dahil hindi siya sanay matulog doon o sadyang hindi lang siya dalawin ng antok. Agad siyang tumayo at nag-asikaso ng sarili. Mabilis lang siyang naligo. Ngunit dahil late na siya ay hindi na niya nagawang magkape pa kahit saglit lang.
     
      "Good morning, Elyang!" Napalingon siya kaagad nang marinig si Lloydie. Mukhang hindi naman ito nag-alala na sa ibang bahay siya natulog. Hindi niya minsan maintindihan kung wala ba itong pakialam sa kaniya o talagang naawa siya sa sinasabing emergency ni Aldred.
     
      "Hindi good ang morning ko dahil sa'yo!" angil niya rito. Naaalala pa rin niya ang ginawa nito kahapon. Wala man lang siyang kalaban-laban sa pagde-desisyon nitong mag-isa na patirahin siya sa bahay ni Aldred.
     
      "Sorry na. Huwag ka na magalit. Baon mo nga pala." Ngumuso lang si Liza pero kinuha rin naman niya ito. Sayang din at kapalit ng ginawa nito sa kaniya.
     
      "Dapat lang na may pabaon ka sa'kin." Ngumiti lang si Lloydie at pagkatapos ay sinabayan ang paglalakad ni Liza palabas ng gate. Halos sabay silang nagsara ng gate ng bahay niya at ni Aldred.
     
      "Sabay na tayo," alok ni Lloydie. Maaga na ang pasok ng dalaga dahil nagpalit na siya ng schedule.
     
      "May choice ba 'ko?" sabi na lang niya sa binata. Sabay silang nagtungo sa service shuttle nila. Sa may bus stop iyon kumukuha ng mga empleyado para sabay-sabay na magtungo sa trabaho ang mga ito.
     
      "Una ka na." Pinauna ni Lloydie sa pila ang dalaga nang makarating sa bus stop. Magkatabi pa rin naman sila sa upuan. Nais niyang kumustahin si Aldred dahil hindi niya ito nakita kanina pag-alis ng bahay. Ngunit ayaw niyang kung ano ang isipin ni Lloydie.
     
      Hanggang makarating sa trabaho ay hindi siya nagtanong ng tungkol sa baklang bakulaw niyang kapitbahay. Naisip niya na makikita naman niya ito pag-uwi niya. Nang makarating sa opisina ay naghiwalay na sila ni Lloydie. Ngunit bago pa ito lumakad patungo sa west wing ng building ay may pahabol pa ito.
     
      "Ubusin mo ang baon mo, Elyang. Huwag kang magtitira." Tumango lang siya rito at kumaway pagkatapos ay tumalikod na patungo naman sa kabilang side.
     
      Akala niya ay okay lang siya na hindi nag-usisa tungkol kay Aldred. Ngunit bawat tao sa trabaho ay ito ang nakikita niya. Kinakailangan pa niyang pumikit at muling magmulat bago pa malinawan na hindi si Aldred iyon kahit pa alam niyang hindi naman talaga.
     
      "Okay ka lang, Liz?" usisa ng katrabaho niyang si Rachelle.
     
      "O-oo naman," sabi niya sabay tango sa katrabaho.
     
      "Sure ka ba? Kanina ka pa kasi tulala." Hindi niya napansin na kanina pa pala siya pinagmamasdan nito.
     
      "Oo naman. Sure ako." Tumango lang ito sa sinabi niya. Halos ganoon siya habang nagtatrabaho. Hanggang sumapit na lamang ang breaktime.
     
      "Tara na. Kain muna tayo," yaya ni Rachelle sa kaniya.
     
      "Sa pantry lang ako. Nagbaon kasi ako," sabi niya rito.
     
      "Ako rin naman. Pinagbaon kasi ako ng asawa ko," saad ni Rachelle. Sabay silang nagtungo sa pantry.
     
      "Ang sarap naman niyan. Ang sipag mo naman gumawa ng almusal." Alam ni Rachelle na walang boyfriend si Liza kaya naman ang alam nito ay ang dalaga ang nagluto.
     
      "Nako, hindi. Late na nga ako kanina. Pinagbaon lang ako ni Lloydie. Naalala mo iyong lalaking kasama ko sa hr?" Nang samahan niyang mag-apply si Lloydie sa kompanya ay nakita nila si Rachelle at ipinakilala rito.
     
      "Wow! Mukhang boyfriend material. Sagutin mo kaagad kapag nanligaw. For sure bubusugin ka niyan palagi. In fairness, cute siya," sabi ni Rachelle na tila kinikilig pa sa dalawa. Ngumiti lang siya rito. Iba ang isinisigaw ng puso niya. Ngunit hindi naman niya maamin sa sarili niya.
     
      "Sorry to ask nga pala. Pero okay lang ba?" tanong ni Rachelle habang sumusubo ng kanin at kapirasong piniritong tilapya sa bibig.
     
      "Ano 'yon?" balik na tanong niya.
     
      "Sana hindi ka ma-offend or what. Curious lang talaga ako. Ano'ng nangyari sa pilat mo sa mukha? I mean napaano ka?
     
      "A, ito?" tanong niya sabay turo sa pilat sa mukha niya. At tumango naman ito tanda na iyon nga ang itinatanong nito.
     
      "Well, sabi ng mama ko ay nakuha ko raw 'to noong natagpuan nila ako sa may falls na walang malay. Natalisod yata ako or ewan." sagot niya.
     
      Hindi niya lubos na maalala ang nangyari sa kaniya noon. Ang naaalala niya lang ay nagising siya sa papag na tulugan ng mga magulang niya. Naiiling siya. Ayaw na niyang alalahaninang kuwento ng nanay niya. Para sa kaniya ay tunay siyang anak ng mga magulang niya at hindi katulad ng kuwento sa kaniya.
     
      "Okay ka lang? Tulala ka naman," muling tanong ni Rachelle. Tila wala talaga sa sarili si Liza at panay ang tulala nito.
     
      "Oo," tipid na sagot niya habang tumatango pa. Nang matapos silang magtanghalian ay bumalik na sila sa trabaho.
     
      Pakiramdam ni Liza ay napakabagal ng oras. Naiinip siya. At ngayon lang siya nainip sa trabaho nang sobra-sobra. Para bang gusto na niyang hatakin ang oras para mag-uwian na. Ngunit kalahating araw pa lang ang lumilipas.
     
      Panay rin naman ang tingin ni Aldred sa orasan. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Ngunit kahit kanina pa siya nakatitig sa laptop niya ay hindi siya makapag-focus. Pero wala rin naman siyang gagawin dahil natapos na niya kagabi. Kung gaano hindi nakatulog si Liza ay ganoon din naman ang binata.
     
      Ilang minuto pa ay may kumakatok na sa gate ng bahay niya. Katulad ng inaasahan niya ay hindi siya titigilan ni Sarah. Naroon na naman ito sa gate ng bahay niya. Kumubli siya sa kurtina ng bahay ni Liza upang silipin ang kapatid.
     
      "Kuya! Kuya Aldred!" sigaw pa nito. Ngunit hindi niya ito hinarap. Lalo pa at nasa kabilang bahay siya. Ayaw niyang malaman nito na naroon siya.
   
    Halos isang oras din itong nagpatayo-upo sa harap ng gate para silipin si Aldred. Ngunit walang lumabas ng pinto. Hanggang sa nagdesisyon itong umalis. Nakahinga nang maluwag ang binata. Wala na siyang planong umalis ng Sitio Uno. Nagsisimula pa lang siyang mag-move on. Ngunit hindi mangyayari iyon kung panay ang sulpot nito.
 
  Matapos naman ang trabaho ay umuwi kaagad si Liza. Hindi niya alam kung nagmamadali ba siyang umuwi dahil kay Aldred o dahil sa pagkainip niya sa trabaho. Kasabay pa rin niya si Lloydie. Hindi naman nakasabay si Luisa sa kanila dahil may ipinagagawa pa rito kaya nag-overtime ito sa trabaho.
 
  "Daan muna tayo sa mall. May bibilhin lang ako," alok sa kaniya ni Lloydie.
 
  "Okay lang ba na next time na lang kita samahan? Kailangan mo na ba ang bibilhin mo?" tanggi niya rito.
 
  "Pagod na rin kasi ako. Ang dami kong tinapos kanina," dagdag pang sabi niya rito.
 
  "Oo, e. Sige. Ako na lang pero hatid muna kita sa bahay." Napaisip naman si Liza na maaabala pa ang binata kaya naman tinanggihan niya rin ang paghatid nito sa kaniya.
 
  "Nako, okay lang ako. Kung kailangan mo na ang bibilhin mo, sige lang. Kaya ko naman," sabi naman ng binata.
 
  "Okay. Sabi mo, e. Ingat ka." Nang makapagpaalam ay sumakay na si Liza sa tricycle pagkababa ng shuttle nila. Dumiretso naman si Lloydie sa sakayan ng jeep. Ilang minuto lang ay nasa gate na si Liza ng bahay. Nagmamadali siyang pumasok sa loob at tangkang aakyat na siya sa kuwarto nang matigilan sa nakita.
 
  "Baklang bakulaw!" Napaatras siya nang makita niya ang binata sa hagdan na nakahubad baro at naka-boxers lang habang nagma-mop dito.
 
  "My loves, anong ginagawa mo rito?" Agad na napatayo naman si Aldred. Napapakagat pa ng labi ang dalaga dahil sa hitsura ni Aldred. Tagatak ang butil-buti na pawis nito na halos binalot ang buo nitong katawan.
 
  "B-bakit ka n-nakahubad?" Nauutal siya sa pagsasalita na ikinangisin naman ni Aldred. Nagmuwestra pa ito na akala mo ay macho dancer habang pinaiigting ang panga at pinatitigas ang masel nito sa braso.
 
  "Kadiri naman ang ginagawa mo. Magbihis ka nga," tarantang sambit ni Liza dahil sa ikinilos ng binata at kung ano na lang ang madampot na tela ay iyon ang ibinato sa binata para ipasuot dito.
 
  "Oy, teka. Teka. Basahan iyan!" sabi ni Aldred sabay salag sa basahan. Mabuti na lang at kababanlaw lang nito niyon. Kapupunas lang niya ng mesa dahil nagluto siya ng hapunan.
 
  "E marumi ka rin naman." Nakanguso pa ang dalaga. Kunwari pang naiirita sa katawan nito pero nag-e-enjoy ito sa view. Hindi naman na bago sa kaniya ang makita itong hubad-baro pero ang naka-boxers lang ay nasasagwaan siya.
 
  "Ang sama mo sa marumi. Naligo na kaya ako. At mamaya ay maliligo ako pagkatapos kong maglinis. Gusto mo sumabay ka pa," umangat pa ang gilid ng labi nito sa pagkakasabi. Halatang nang-aasar na naman sa dalaga.
 
  "No way. Umalis ka nga sa hagdan. Dadaan ako," sabi pa ni Liza rito.
 
  "Hindi ba't doon ka sa bahay nakatira?" pagpapaalala ni Aldred sa nakalilimot na dalaga.
 
  "May nakalimutan akong kunin." Hindi naman kumbinsido ang binata. Sa pagkakatanda niya ay nailipat na nila ang lahat ng importanteng gamit ni Liza. May mga gamit pa rin naman ito roon pero mga  hindi naman ganoon kaimportante.
 
  Hindi na umimik si Liza. Nagmadali siyang umakyat ay pumasok sa loob ng kuwarto. Pagkatapos ay mabilis na isinara ang pinto. Napasandal siya sa likod ng pinto at sinermunan ang sariling katangahan.
 
  "Ang engot mo, Liza!" Tinampal-tampal pa niya ang noo niya sa inis sa sarili. Kung bakit ba naman nakalimutan niyang sa kabila siya dapat pumasok. Hindi rin naman niya maintindihan kung bakit hindi naka-lock ang gate nito pati na ang pinto.
 
  Kunwaring kinuha niya ang damit na hindi naman niya talaga isinusuot dahil hindi niya type iyon. Regalo iyon ni Luisa noong nakaraang birthday niya. Ngunit kailangan niya ng dahilan para makalisot siya sa katangahan niya.
 
  "Nakuha mo na?" Saktong pagbukas ni Liza ng pinto ay nabungaran niya si Aldred na naroon din.
 
  "O-oo. At saka, gumilid ka nga. Paharang-harang ka, e." Bahagya niyang hinawi ang binata ngunit nawalan siya ng panimbang. Mabuti na lang at mabilis ang pagkilos ni Aldred kaya naman nasalo siya ng pawisan nitong braso. Nagtama ang mga mata nila na ikinatuod ng dalaga.
 
  Para siyang hinahabol ng kabayo sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi naman maalis ang pagkakatitig ni Aldred sa mukha ng dalaga. Nang maglalapit na ang mga labi nila at si Katlyn ang nakita niya. Agad siyang napabitaw rito. Muntik nang matuluyang malalaglag sa sahig si Liza. Mabuti at nakakapit ito sa hamba ng pinto.
 
  Inis na tiningnan niya ang tulalang binata at nagmartsa palabas ng pinto. Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Dahil ba sa naudlot na halik ng binata o dahil sa muntikan na siyang matuluyang mahulog sa sahig. Nang makapasok sa kabilang bahay ay agad siyang nagka-lock ng pinto at nagmukmok sa sofa.
 
  Naiinis naman si Aldred sa sarili niya. Alam niyang si Liza ang hawak niya kanina ngunit bakit si Katlyn ang naisip niya. Napasandal na lang siya sa pader. Nang mahimasmasan ang inis sa sarili ay dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi niya ine-expect na darating si Liza.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon