Chapter 18 - Confused

23 3 12
                                    

      Nagbabad si Aldred sa banyo habang iniisip kung paano siya hihingi ng tawad sa dalaga sa nangyari kanina. Alam niyang nabigla rin ito sa pagbitiw niya. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya kaya kailangan niyang suyuin ito.
   
    Ngunit napaisip din naman siya. Bakit kailangan niyang suyuin si Liza? Hindi rin naman niya alam kung gusto rin nito ang dapat sana ay nangyari kanina. Napailing na lang siyang nagpunas ng towel sa katawan matapos maligo. Ngunit bawat kilos niya ay natutulala at mukha ni Liza ang nakikita niya.
   
    "Kuya Aldred? Kuya Aldred!" sigaw ni Sarah. Hindi siya titigil hangga't hindi natatanggap ng kuya niya na matagal nang wala si Katlyn. Hindi lang basta wala--kung hindi ay matagal nang patay.
   
    "Kuya, are you there?" muling tawag ni Sarah dito. Ang akala naman ni Liza ay guni-guni lang niya ang babaeng sumisigaw sa may gate. Katatapos lang din niyang maligo. Tuwing uuwi naman siya ng bahay galing sa trabaho ay naliligo siya. Eksaktong narinig niya ang ikalawang pagtawag ni Sarah.
   
    Narinig din naman iyon ni Aldred. Muli ay nakasilip siya rito habang nakakubli sa may kurtina. Hindi siya makikita nito dahil hindi naman ito napapalingo sa kabilang bahay. Mayamaya pa ay nakita niyang lumabas ng bahay si Liza. Kunot-noo niya itong pinagmasdan. Hindi niya naisip na baka ito ang guluhin ni Sarah.
  
    "Hi, are you looking for someone?" pagbukas pa lang ng gate na bungad ni Liza sa babaeng naroon sa labas. Napaatras naman si Sarah nang makita niya si Liza. Bahagya rin namang sumakit ang ulo ni Liza nang makita ang babae. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito noon.
   
    "A-ate?" Liza tilted her head in confusion.
   
    "Ate?" naguguluhang tanong ni Liza. Tila nanginginig ang labi ni Sarah habang nakatitig sa pilat ni Liza. Nagtataka rin naman si Aldred sa reaksyon ng kaniyang kapatid sa kaharap nito.
  
    "Miss, are you looking for someone?" pag-uulit ni Liza dahil tila natuod na ang babaeng kaharap ng makita siya nito. Mabilis na umayos ng tayo si Sarah na animo ay walang nangyari. Tumikhim pa ito upang klaruhin ang tila nabarahang lalamunan.
   
    Hindi man marinig ni Aldred ang usapang ng dalawa ay malakas ang pakiramdam niya na magkakilala ang mga ito. Napaisip siya na mukhang wrong move pakikipagplit niya ng bahay. Malalaman at malalaman din ni Sarah kung nasaan siya. Hiling lang niya ay huwag siyang ibuking ni Liza.
   
    Napaisip din naman si Liza kung bakit parang kilala siya nito. Tinawag pa siyang ate. Kahit nakaramdam siya na parang kilala niya ito, sigurado siya sa sarili niya na hindi pa niya ito nakita kahit kailan. Magtatanong pa sana siya rito kung hindi lang ito nagsalita.
   
    "Nandiyan ba si Kuya Aldred?" tanong nito.
   
    Bahagya naman siyang napalingon sa kabilang bakod at nakita ang mabilis na umiwas na lalaking nakakubli sa kurtina. Alam niyang naroon si Aldred at hubog pa lang nito ay kabisado na niya. Nang wala na ang binata ay ibinalik na niya ang paningin sa kausap. Na-realize niya na ito ang dahilan kung bakit ito nakipagpalit ng bahay sa kaniya.
   
    "Tsk, dinamay pa ako sa kalokohan niya. Siguro nakipagbreak na ang isang iyon dito. Pero bakit kuya? Trip nilang magtawagan ng kuya?" bulong niya sa sarili.
   
    "Hey! Nariyan ba si Aldred?" tanong ni Sarah na mabilis na pagbabago sa tawag nito kay Aldred. Kanina lang ay may pa-kuya-kuya pa ito. Ngayon ay Aldred na lang.
   
    "Sabi ko na," usal niya bilang pagkukumpirma sa sariling hinuha.
   
    "Sino siya? Hindi ko siya kilala," pagsisinungaling niya. Pero sa isip niya ay nanggigigil siya sa binata kung bakit idinamay pa siya sa kalokohan nito. Nakapagsinungaling tuloy siya nang wala sa oras.

    "Are you sure? Pinuntahan ko lang siya rito noong nakaraan. Pagkatapos ay hindi mo kilala?" may pagkamalditang sabi nito.
   
    "Alam mo, Miss, kung may issue kayo ng boyfriend mo ay huwag mo akong idamay sa inis mo. I don't know the person you're looking for. But, if you're referring to the previous tenat, he moved out. Tanungin mo na lang ang landlord kung bakit," sagot niya rito. Hindi rin naman siya magpapatalo sa babaeng ito.
   
    Una ay wala itong karapatang tarayan siya o mainis sa kaniya dahil wala siyang ginagawa. Pangalawa ay wala naman siyang pakialam sa relasyon ng dalawa. Kung idadamay siya ay hindi niya ito uurungan. Dismayadong nag-walk out naman si Sarah. Nilingon pa siya nitong muli bago ito tuluyang maglaho sa harapan niya.
   
    "What the hell?" bulalas ni Sarah. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Mabis niyang kinuha ang telepono niya at naglakad palayo. Nang makarating sa sasakyan niya sa may dulo ay galit na galit na sinigawan nito ang lalaking sumagot.
   
    Napanguso naman si Liza. Kung bakit ba naman kasi siya napapayag na lumipat sa bahay na iyon. Mukhang nagkaroon siya ng kaaway nang wala sa oras. Sa inis niya ay kumatok siya sa kabilan gate na ngayon ay naka-lock na. Kanina ay hindi iyon naka-lock. Marahil ay dahil sa paglilinis ni Aldred kanina.
   
    "Baklang bakulaw na maraming issue sa babae lumabas ka riyan!" sigaw niya sa binata. Napakubli namang muli si Aldred sa kurtina upang silipin siya at ang kausap nito kung nakaalis na ba. Nang masilip niyang wala na ito ay lumabas na siya ng pinto at nagtungo sa gate para pagbuksan ang dalaga.
   
    "Pasok ka, bilis!" saad ng bigla na biglang hinatak papasok sa loob ang dalaga at hila-hila papasok sa loob ng bahay. Dahil malakas ito ay hindi naman nakapalag ang dalaga. Kahit umangal ay hindi niya nagawa sa pagkabigla.
   
    "Bitiwan mo nga ako!" sa wakas ay sabi niya nang makapasok sa loob ng bahay at isinara ng binata ang pinto at bintana.
   
    "I'm sorry," mabilis na abi niya. Humingi siya ng paumanhin hindi dahil sa panggugulo ni Sarah kung hindi ay dahil sa pagkakahatak nito sa kaniya.
   
    "Dapat lang mag-sorry ka. Dinamay mo pa ako sa mga babae mo," sermon niya rito.
   
    "Hindi ko babae 'yon. Teka, magkakilala ba kayo?" paninigurado niya. Baka ibuking siya na naroon lang siya sa bahay na iyon kaya kailangan niyang masabihan si Liza.
   
    "Hindi. Sino ba siya?" tila may panibughong tono na tanong ni Liza sa binata. Napaisip naman si Aldred sa sinabi nito. Kung hindi magkakilala ang dalawa ay bakit parang kilala ang dalagang kaharap niya ni Sarah.
 
    "Sure ka?" paninigurado ng binata.
   
    "At bakit naman hindi ako makasisiguro? Alam mo, balikan mo na ang ex mo. Mukhang miss na miss ka na, e. Para naman hindi ako ang ginugulo." Umangat ang gilid ng labi ni Aldred. Napangisi ito sa reaksyon ni Liza.

    "Bakit parang pakiramdam ko ay nagseselos ka?" pangangantiyaw ni Aldred sa dalaga.

    "Anong pinagsasasabi mo? Ako? Magseselos? Bakit? Boyfriend b kita? Kapal naman ng mukha mo. Teka, parang nakakapa ko ganito kakapal." Inimuwestra pa niya ang mga daliri kung gaano kakapal ang ibig niyang sabihin.
 
    "Talaga?" Hinapit niya ang baywang ng dalaga at tinitigan ang mga mata nito. Pakiramdam ni Liza ay lalabas na ang puso niya sa nararamdamang lakas ng pagtibok nito. Hindi niya namalayan na nakapikit na pala siya.
   
    "Anong ginagawa mo?" tanong ni Aldred sa nakapikit na dalaga. Tila napahiya na itinulak naman niya si Aldred. Umikot ang mga mata sa inis sa binata. Hindi rin naman niya alam kung para saan ang nararamdaman niyang inis. Dahil ba sa hindi pagkakatuloy ng dapat sigurong gagawin nitong paghalik o sa pang-iinis sa kaniya ng binata.
   
    "Ewan ko sa'yo. Basta ayusin mo ang gulo mo at siguraduhin mong hindi ako iistorbohin ng ex mo!" pagkasabi ay nag-walk out na ito palabas ng bahay.
   
    "Hep! Saan ka pupunta at bakit ka naman naiinis? At isa pa ay hindi ko nga ex 'yon. Kapatid ko iyon." Napatigil sa pagbukas ng pinto si Liza sa narinig. Agad naman siyang hinila ng binata sa braso paharap dito at muling hinapit. Walang nagawang pagtutol ang dalaga. At pareho na lamang nilang natagpuan ang mga labi nilang magkadikit sa labi ng isa't isa.
   
    Tila tumigil ang mundo ni Liza habang dinadama ang pagkilos ng labi ni Aldred sa labi niya. Hindi niya nagawang tanggihan ang pakiramdam nadulot ng halik nito. Unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata at kusang kumilos ang labi niya upang gantihan ang mga pagkilos ng labi nito sa kaniyang labi.
   
    Para siyang lumulutang sa alapaap. Hiling niya ay huwag nang tumigil ang nararamdaman niyang tamis ng halik na iyon. Habang dinarama niya ang halik na iyon ay tila may sumagi sa isip niya na naganap na ang bagay na iyon. Bahagyang sumakit ang ulo niya ay itinulak ng marahan ang binata.
   
    "Are you okay?" tanong ni Aldred nang mapansing nakahawak ang dalaga sa sintido.

    "I'm fine. Sumakit lang ang ulo ko," sabi niya rito.
   
    "Upo ka muna." Akmang aalalayan niyang umupo ang dalaga ngunit tumanggi ito.
   
    "Nope. Uwi na ako. Magpapahinga na lang ako sa bahay." Pagkasabi ay nanakbo siya palabas ng bahay. Napaisip naman ang binata kung okay lang si Liza. Iba rin ang pakiramdam niya sa halik na iyon kanina. Para bang ito ang pamilyar na labi na noon pa niya nahalikan. Napailing siya. Hindi iyon mangyayari. Marahil ay nadala lang siya sa pagganti ng halik ng dalaga sa kaniya.

My Crazy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon