"M-Mico, right?" napaigtad si Liza nang maramdaman ang kamay ng binata sa balikat niya. Kanina lang ay napansin niyang nasa bintana ito at nakatingin sa kaniya. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.
"Yeah, Mico nga. I'm glad you remembered my name. Kahit name lang ay masaya na ako," sambit ni Mico. Bakas ang kagalakan nito sa mukha habang nakatingin sa kaniya. Hindi maisip ni Liza kung bakit pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala.
"I don't know. But it feels like I've known you before... Nagkita na ba tayo noon?" usisa niya rito. May ilang minuto na simula nang makaalis si Aldred para kumuha ng gamit ni Liza. At ilang minuto na rin siyang nasa poolside at nakababad ang mga paa sa tubig.
At hindi niya maintindihan kung anong kaba ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang tubig. Kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat niya nang maramdaman ang kamay ni Mico sa balikat niya. Para bang nangyari na ito noon. Para bang nakarating na rin siya sa bahay nito ngunit walang malinaw na paliwanag ukol doon.
"Well, ganoon siguro ka-common ang mukha ko para maalala mo. Maybe nagkita na tayo. Maybe hindi rin," sabi ni Mico habang nakatitig sa mga mata ni Liza. Naupo rin ito sa poolside at inalis ang suot nitong tsinelas. Pagkatapos ay inilubog ang mga paa sa pool.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Aldred?" Si Mico naman ang nagtanong sa dalaga. Napatingin siya sa tubig. Hindi niya masabi dahil may mga flashbacks din siya kay Aldred na hindi niya sinasabi. Ngunit kung ang pagbabasihan ay ang unang pagkikita nila bilang magkapit-bahay ay may katagalan na rin.
"Medyo. Almost a year na rin siguro. Kayo? Parang matagal na kayong magkaibigan." Nilinga niya ang binata nang sambitin ang mga salitang iyon. Hindi niya alam ngunit iba talaga ang pakiramdam niya sa mga titig nito. Hindi niya masabi kung titig ba iyon ng taong matagal na niyang kilala o titig ng concerned.
"Matagal na rin. His sister, girlfriend and I were friends." Napahinto siya nang marinig ang salitang girlfriend.
"So, may girlfriend pala siya," tatango-tangong sabi ni Liza. Hindi niya alam pero parang may tinik na tumusok-tusok sa dibdib niya kung nasaan nandoon ang puso.
"Yup." Tipid lang ang isinagot ni Mico. Pinagmamasdan niya ang reaksiyon ni Liza. At base sa mukha nito ay tila nakaramdam ito ng paninibugho. Bahagyang kurot ang dala ng ekspresiyong iyon.
Bakit nga ba siya nakaramdam ng kirot? Inilayo ni Mico ang mukha at idinako ang paningin sa mga duwendeng estatuwa sa kabilang dako ng pool. May maliit na kastilyong katabi niyon. At sa gitna ay may estatuwang prinsipe at prinsesa. Naalala niya ang prinsipeng estatuwa. Bigay iyon ni Katlyn.
"Ang cute naman nila," sambit ni Liza. Agad na napalingon si Mico sa kaniya.
"Hmm?" usisa nito sa sinabi niya kung alin ang cute na tinutukoy nito.
"Iyang prinsesa at prinsipe sa maliit na castle." Napangiti si Mico. Siguro nga makalilimot ang isip. Ngunit hindi ang puso sa mga bagay na ginawa nito. Hindi man nito maalala na siya ang nagbigay niyon ngunit parehong pakiramdam ang reaksiyon nito. Nagandahan sa estatuwa.
"A, sila ba? Bigay ng best friend ko 'yan. Promise niya kasi na bibigyan niya ng kasama ang prinsesa ko sa kastilyo. At binigyan niya ako ng prinsipe." Tumango naman si Liza. Pakiramdam niya ay may nais iparating si Mico sa kaniya sa tuwing nagsasalita ito. Ngunit hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.
"Nice naman." Nakangiti pa rin siyang nakatitig sa mga estatuwa.
"Gusto mong pumasok na sa loob? Mag-dinner na tayo," alok ni Mico sa loob. At saka lang naramdaman ni Liza ang gutom. Naalala na naman ang naudlot niyang meryenda nang dahil kay Aldred.
"Oo nga. Gutom na pala ako. Nakakainis kasi. Hindi tuloy ako nakabili ng meryenda." Naiinis pa rin siya sa binata kung bakit hindi man lang nito hinayaan na makabili muna siya ng meryenda.
"It's okay. Magdinner na lang tayo. Here," sabi ni Mico sabay abot ng towel sa kaniya nang mauna itong makatayo. May maliit ba cabinet sa gilid ng bahay nito na may laman na mga towel. Hindi ito mukhang cabinet dahil nakadisenyo itong upuan.
"Thanks." Pagkakuha ng towel ay agad niyang pinunasan ang basang mga hita at naglakad na sila papasok sa loob ng bahay.
"Ikaw lang mag-isa rito?" usisa ni Liza sa binata.
"Ako lang. But the past few days, Aldred stayed here." Panay lang ang tango ni Liza. Iginiya siya nito sa kusina.
"Hindi ako nakapagluto pero nakapagpa-deliver naman ako. Okay lang ba sa'yo?" saad ni Mico habang inaayos ang mesa.
"Oo naman. Choosy pa ba ako? Ako na nga lang ang makikikain." Ngumitisi Mico sa dalaga. Eksaktong inilalapag ni Liza ang dalawang platong kinuha nang tumunog ang doorbell.
"Si Aldred na yata 'yan," sabi ng binata.
"Ako na ang magbubukas," offer ni Liza.
"Ako na lang. Relax ka lang diyan," pigil ng binata. Tumango naman Liza at hinayaang si Mico ang magbukas ng gate. Tumungo ang binata sa gate at pinagbuksan ang inakala niyang si Aldred. Ngunit agad siyang lumabas ng gate at hinatak ang bisita palayo sa bahay. Dinala niya ito sa likod ng hardin.
"What are you doing here?" Bakas ang gigil sa mukha nito. Nanlilisik at tila mananakmal nang wala sa oras.
"Why? I wanted to confirm your new. She's here, right?" tanong ng bisita. Humigpit ang hawak nito sa braso ng kausap.
"Ouch! Nasasaktan ako, Mico!" angil nito.
"Masasaktan ka talaga. Ako na ang maghahandle nito. I don't need your help. At kung inaakala mo na kaya ko sinabi na narito siya ay para masaktan mo siya ulit, you're wrong. I will keep her and make her safe from you!" Marahas na binitawan ni Mico ang braso nito at napaupo ito sa semento.
"Whose idea is it to keep her away from kuya? It's you right? I love him and you love her!" she shouted.
Haplos ang braso ay pinilit nitong tumayo. Masakit man ang balakang sa pagkakabagsak ay ininda niya iyon at patuloy na nakipagtalo sa binata. Totoo ang bilin nito na ilayo si Katlyn kay Aldred. Ngunit ang pagsira sa mukha nito ay ideya niya. At ang patayin naman ang dalaga ay ideya ng mga kuya niya.
"Bullsh*t, Sarah! I never asked you to kill her! I asked you to keep her away from Aldred!" Mabilis na isinalya nito ang dalaga sa pader at hinawakan sa leeg.
"You tried to k*ll her," may gigil na sambit nito. "And now, you're trying to k*ll her again! And I will k*ll you, I swear! I will, if you try to harm her again," mariing sambit nito at saka ito binitawan. Maubo-ubo si Sarah sa ginawang pag-s*kal ni Mico sa kaniya.
"I will make you pay for what you did to me! I swear, Mico! I swear!" Mabilis na naglakad si Sarah palayo sa binata.
Sa kabilang banda naman ay napapaisip si Liza kung bakit matagal bumalik si Mico kaya naman tumungo siya sa gate upang sundan ito. Ngunit pagbukas niya ng gate nang sumilip siya ay si Aldred ang nabungaran niya.
"Aalis ka?" tanong ni Aldred sa kaniya.
"Hindi." Naestatuwa siya nang mabungaran ang binata kaya naman iyon lang ang naisagot niya rito.
"Si Mico?" tanong din naman ng binata ngunit bago pa niya ito sagutin ay pumasok na ito sa loob. Sinundan na lamang ito ni Liza nang pagsilip niya ay walang Mico siyang nakita sa labas.
"Akala ko, pinagbuksan ka niya," sagot niya nang nasa loob na sila.
"Kararating ko lang," sambit ni Aldred. Napaisip si Liza kung sino any pinagbuksan ni Mico at kung saan iyon nagtungo. Ngunit nadi-distract siya sa ayos ng binata kaya sa halip na isipin si Mico ay nakatuon lang ang mga mata niya kay Aldred.
Naka-shorts itong asul at fitted na puting shirt. Bagay na bagay sa ayos ng buhok nitong mukhang basa pa at bagong ligo. Langhap niya ang shampoo nito. Alam niyang umuwi ito kaya naisip niya na marahil ay naligo ito bago bumalik dito.
"May dala nga pala akong ulam, nagluto ako bago bumalik. Iniluto ko ang food mo sa bahay kasi baka masira." Napapalunok na lang si Liza habang nagsasalita ang binata. Distracted talaga siya sa ayos nito at sa amoy ng bagong ligong binata. Hindi ito amoy pabango ngunit amoy pa lang ng shampoo at sabon nito ay talaga namang nanunuot sa ilong niya.
"Baka naman mabusog ka na niyan sa laway mo. Kanina ka pa lunok ng lunok. Baka sa susunod ay ako naman ang malunok mo," kantiyaw ni Aldred sa dalaga sabay lapag ng dalang pagkain sa mesita. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Liza. Alam niyang dahil iyon sa guilt niya. Guilty siya dahil totoong kanina pa siya napapalunok. Paano ay masyadong ginalingan ng binata ang pagpapaguwapo.
"Hindi 'no! Kapal mo naman. Piling mo naman naglalaway ako sa'yo. Ano ka sampaloc?" Natawa naman ang binata sa sinabi niya.
"Sa dami ng puwede mong itulad sa'kin, sampalok pa talaga. Ganoon ba kaasim ang amoy ko? Naligo naman ako, a," sambit nito na inaamoy-amoy pa ang sarili. Tangkang lalapit ito sa dalaga para ipaamoy ang sarili nang madulas ito. Eksaktong sa harapan ni Liza naglanding ang dibdib ng binata at tuluyan silang bumagsak sa sofa.
Pawang mga estatuwa sa tigas ang dalawa nang magkapatong na bumagsak sa couch. At sa pagkakataong iyon ay lumapat ang labi ni Aldred sa labi ng dalaga. Ilang segundong tumigil ang mundo nila. Ramdam ng isa't isa ang lambot ng mga labi nila. Parehong napalunok ang dalawa.
Sigaw ng isip ni Liza na itulak ang binata. Ang sa binata naman ay tila inaakit siyang hagkan ang isa. At dahil malakas ang hatak ng labi ni Liza ay kusang kumilos ang labi ng binata sa dalaga. Hindi naman tumanggi ang dalaga. Bagkus ay malugod niyang tinanggap ang bawat galaw ng labi ni Aldred sa kaniya.
Sa una ay mababaw na halik. Ninanamnam ang bawat sulok ng labi ng dalaga. Sa isip niya ay sa kaniya ito noon pa. Naging kaniya ito sa unang pagkikita nila nang inakala niyang patay na ito at ngayon ay sakop muli ng labi niya ang labi ng dalaga na pag-aari niya noon pa man. Masuyo niya itong hinagkan.
Pawang sabik sa isa't isa. Nang maglaon ay gumanti na rin ang dalaga. Ang masuyong mga halik ay lumalim ay naging mapusok. Nagsimulang kumilos ang mga kamay ng binata. Hinaplos nito ang braso ng dalaga hanggang umabot sa leeg upang mas palalimin pa ang mga halik nito.
Hindi na napigilan ni Liza na kumapit sa leeg ng binata habang dinadama ang mga halik nito. Mahihinang mga ung*l ang namayani sa loob ng sala. Tila pag-aari nila ang mundo sa pagkakataong ito. Dala nang init ay naglakbay ang kamay ni Aldred sa dibdib ng dalaga. Napakislot ito ay mabilis na hinawakan ang kamay ni Aldred.
Isang alaala ang sumakop sa isipan niya. At iyon ang alaala na inaangkin siya ni Aldred. Ramdam niyang nangyari na ang bagay na iyon na lubha niyang ipinagtataka. Tila napasok na nito ang kaibuturan niya kahit na hindi niya maalala ang buong pangyayari.
"I'm sorry," sambit ni Aldred nang bahagya siyang itulak ni Liza.
"No. I-I'm sorry. Nadala ako," sagot ni Liza. Inako niya ang pagkakamali dahil tunay na nadala siya sa mga sandali iyong. Mabilis na tumayo sila mula sa sofa. Eksaktong nakatayo na sila nang magbalik si Mico.
"I'm sorry, lumabas lang ako saglit." Sabay na napalingon sina Liza at Aldred dito.
Walang alam si Mico sa nangyari kanina. Tanging ang sofa, TV at kung ano pang mga bagay sa sala lang ang naging saksi sa mapusok na pag-iisang labi ng dalawa.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...