Nag-aalala si Aldred kung okay lang ba talaga ang dalaga ganoong tila may nararamdaman itong sakit. Marahil ay iniinda lang nito para hindi na ito usisain ng binata. Iniayos niya ang inihandang pagkain sa baunan at at isinilid iyon sa eco-bag. Nakita lang niya ang mga iyon sa drawer. Mukhang habit na ng dalaga ang mag-ipon niyon.
Napansin din naman niya na masinop sa mga reusable na gamit si Liza. Mula mga microwaveable containers hanggang sa mga grocery bags. Naalala tuloy niya si Katlyn. Madalas siyang sitahin nito kapag itinatapon niya ng diretso sa basurahan ang mga plastic grocery bags. Natulala siya sa naalala.
"Ano ka ba naman, Mahal? Hindi mo ba alam na useful pa ang mga 'yan? Lalo na kung naubos na ang trash bag. Puwede natin gawing basurahan 'yan," angil ni Katlyn sa binata.
"Mahal naman. E, marami namang trash bags diyan sa drawer," pagdadahilan pa ng binata. Pinanliitan naman siya ng mga mata ng dalaga. Hindi talaga ito nananalo kapag si Katlyn na ang nagsalita. Tumitiklop ang isang Aldred Bertucio rito.
"Hindi. Kailangan nating itabi 'yan. And makatutulong 'yan para hindi tayo masyadong gumastos," mariing sabi ng dalaga. At ito naman ang isa sa mga hinahangaan ni Aldred kay Katlyn. Pagdating sa mga bagay na mapakikinabangan ay alerto ito.
Hindi naman ito naghihirap ngunit marunong itong maging matipid at umisip ng bagay na mas makatitipid sila. Kahit sa bahay nila ng mga magulang niya ay ito rin ang nag-aayos ng mga grocery bags. Kaya naman natutuwa ang lola niya sa kanila at atat na atat nang makasal sila.
Nailing na lang si Aldred sa naalala. Muli niyang tinitigan ang baunang isinilid niya sa eco-bag at saka binitbit. Bakit ba lagi niyang nai-re-relate si Kat kay Liza? Napansin naman niya ang malaking pagkakahawig nito sa yumao niyang nobya. Ngunit katulad nga ng sinabi niya ay yumao na ito.
Napabuga siya ng hangin. Pagkatapos ay umiling. Tinitigan niya ang hawak na bag at naglakad patungo sa pintuan. Palabas na siya ng pinto nang makasalubong niya si Lloydie. "O, lalabas ka?"
Tumango siya rito. Kahit papaano ay natutuwa siya sa lalaking ito. Kahit pa alam nito na gusto niya ang dalaga ay hindi siya nito hinaharang sa pakikipagkita rito. Minsan nga ay pakiramdam niya na wala naman talaga itong gusto sa dalaga.
"Oo. Ihahatid ko lang ito sa kabila. Baka hindi pa kumain si Liza," sabi niya rito.
"A, ganoon ba? Ako na lang maghahatid," sagot naman ni Lloydie. Parang gusto na tuloy bawiin ni Aldred ang naisip niya na hindi siya hinaharang nito. Napakamot pa siya sa ulo.
"Hindi na. Ako na lang. Nagluto ako ng marami. Baka hindi ka pa kumain. Kuha ka na lang." Akala niya ay aangal pa ito. Ngunit napaangat nag sulok ng labi niya sa tuwa.
"Sige ba. Sabi mo 'yan. Sige, pasok na 'ko." Pagkasabi nito ay pumasok na rin ito kaagad sa loob at iniwan siya.
"Yes!" Napakumpas pa ang kamao na akala mo ay nanalo sa lotto nang iwan na siya nito. Inayos niya ang suot niyang sando at fit na shorts bago lumabas ng gate. Sinilip muna niya kung may nagmamasid ba sa kaniya. At nang makita niyang wala naman doon si Sarah ay tinungo na niya ang gate.
Kakatok sana siya nang mapansin niyang hindi nakalapat ang gate. Tinawag niya ang dalaga ngunit walang sumasagot. Saglit siyang nag-isip kung papasok ba siya sa loob. Dahil ayaw niyang masayang ang effort niya ay pumasok na siya. Katulad kanina ay nakaawang din ang pinto kaya naman bahagya niya itong itinulak.
"Liza?" tawag niya rito ngunit walang sumasagot. Lumakad siya patungo sa kusina at inilapag niya ang eco-bag doon. Nang lingunin niya ang lutuan ay naroon ang dalaga. Napako ang paningin niya rito. Kaya naman pala hindi siya nito naririnig ay dahil naka-headset ito.
Napakagat sa labi ang binata habang nakayakap ang mga braso sa sariling katawan. Sumandal siya sa tabi ng ref. Aliw na pinagmamasdan ang dalagang walang pakialam sa paligid. Hindi niya sinasadyang titigan ang bawat galaw nito ngunit ito nadadala siya sa bawat indak nito.
Naiiling siya sa nasasaksihan. Kanina lang ay nagpaalam ito na masakit ang ulo at magpapahinga. Pero heto ito ngayon. Tila wala namang sakit. Masiglang-masiglang gumigiling sa harap ng niluluto nito na kung tama ang naaamoy niya ay noodles at pritong itlog.
Hindi niya alam kung anong tugtog ang pinakikinggan nito. Pero base sa sayaw nito ay mukhang careless whisper pa yata iyon. Matapos haluin ang niluluto ay huminto ito. Marahil ay luto na at maghahain na ito. Kinuha nito ang tasa at isinalin ang niluto roon.
"Baklang bakulaw ka!" Eksaktong pagharap ni Liza ay nabungaran niyang titig na titig ang binata sa kaniya. Kulang na lang ay tumulo ang laway nito sa pagkatitig sa kaniya. Mabilis na kinuha nito ang sakdok at ibinato sa binata pagkatapos ay nagtago sa kurtinang nakasabit sa bintana.
"Aray!" Mabilis na nasalag ng binata ang sandok ngunit nasaktan pa rin ito dahil mainit pa ang ito nang tumama sa braso niya.
"Ano'ng ginagawa mo ritong manyak ka? Bakit nandito ka? Trespassing ka!" pasigaw na sabi ni Liza. Nakatago pa rin ito ng kurtina. Paano ay naka-cycling lang siya at naka-hanging blouse na walang suot na bra.
"Trespassing ka rin sa bahay kanina." Nabatukan ni Aldred ang sarili nang ma-realize ang nasabi. Wala siyang intensiyon na galitin ito. Kusang lumabas na lang sa bibig niya dala ng palaging pang-aasar niya rito.
"A, ganoon? Kaya free kang pumasok na lang dito basta-basta! Hindi ka na nakatira dito kaya wlaa kang karapatan na pumasok dito!" Halos umusok ang ilong ni Liza.
Sa totoo ay hindi sa pag-trespassing ng binata siya naiinis. Kung hindi ay dahil sa inakto niya kaninang pagsasayaw. Madalas niya kasing gawin iyon tuwing mag-isa lang siya. Sa banyo kapag nalilito. Sa kuwarto tuwing naglilinis at sa kusina tuwing nagluluto. At ngayon lang siya nagka-audience.
"Tinawag kita kanina pero hindi ka sumasagot. Kaya nag-alala ako na baka kung ano na ang nangyayari sa'yo. Baka kung napaano ka na," dahilan pa ni Aldred.
"A, so dapat magpasalamat ako kasi nakita mo 'kong ganito?" Dinampot niya ang kung anong mang bagay na maabot niya at ibinato sa binata. Panay naman ang salag nito.
"Teka, teka. Walang batuhan. Mabilis na nanakbo si Aldred sa sala. At nang hindi na ito matanaw ng dalaga ay nanakbo na siya papunta sa kuwarto para makapagbihis. Hindi naman umalis si Aldred kung hindi ay naghintay lang sa sala hanggang bumalik si Liza.
"At hindi ka pa talaga nasaktan." Agad na napalingon si Aldred sa dalaga nang magsalita ito.
"Ano ba kasing ginawa ko? Dinalhan lang naman kita ng pagkain." Ngumuso ito sa mesa at nilingon naman ni Liza ang kung ano mang naroon na sinasabi nito. Nang makita ang dala nito ay naniwala naman siya rito.
"Naisip ko kasing hindi ka pa kumakain kaya dinala ko na lang dito." Sinamaan lang siya ng tingin ni Liza na ngayon ay naka-pajama at naka-loose na shirt. Nagsuot na rin ito ng bra kumpara kanina na halos humakat ang dibdib nito sa suot nitong hanging blouse.
"Oo na," tanging nasabi ni Liza.
"Oo na? As in, tayo na?" buong gulat na tanong ni Aldred ngunit mayamaya ay nag-sink-in din na hindi iyon ang ibig sabihin nh dalaga. Lalo pa at hindi naman siya nanliligaw.
"Kapal mo naman. Naghatid ka lang ng pagkain tapos tayo na? Sino ba nagsabi sa'yo na gusto kita?" mabilis na tanggi ni Liza. Ngumisi lang ang binata. Iyan ay kung makalulusot lang naman.
"Ang mga mata mo," nag-lock ang mga mata nila sa isa't isa nang sambitin iyon ng binata.
"Hindi nagsisinungaling ang mga mata. Tingin mo pa lang sa'kin ay gusto mo na akong halikan," pagmamalaki pang sabi ni Aldred. Umusok naman agad ang ilong ni Liza at mabilis na nadampot ang unan sa sofa.
"Lumayas ka rito!" Pinagbabato niya pati na ang tsinelas niyang suot para lang mapalabas ang lalaking kanina pa siya iniisi. Kumaripas naman ng takbo ang isa. Magkanda-dapa-dapa pa ito sa pagtakbo hanggang makarating ng bahay.
Nang nakita ni Liza na wala na ito ay mabilis niyang ini-lock ang gate pati na rin ang pinto ng bahay at muling bumalik sa kusina. Napalinga siya sa pagkaing dala ni Aldred. Nilapitan niya iyon at sinilip. Bahagyang umangat ang dalawang gilid ng labi niya.
"Hey, Liza," saway niya sa sarili nang makaramdam niya ng kilig. Pakiramdam niya ay kiniliti siya ng ginawa ni Aldred na paghatid ng dinner sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na pati ang lunch niya kanina ay galing din kay Aldred.
"Baka may gayuma 'to," biglang sambit niya sa ibinulong ng isip niya. Nailing siya. Hinayaan niyang anurin siya ng sayang nararamdaman sa pagiging thoughful ng binata sa kaniya.
Aminado siya na unang kita niya pa lang kay Aldred ay na-attract na siya rito. Pilit lang niyang itinanggi ang nararamdaman dahil sa hiya niya sa ginawa niya noong gabing magkamali siya ng pasok ng bahay. Ngunit habang tumatagal ay kinakain na ni Aldred ang systema niya. Sana ganoon lang kadali ang umamin ng nararamdaman, saad ng isipan niya.
May ngiti sa labi na inihanda niya ang pagkaing dala ni Aldred at iyon ang ginawa niyang hapunan. Itinabi na lang niya ang iniluto niya kanina kahit pa hindi na ito masarap kapag nalipasan na ang noodles ng kinabukasan pati na rin ang piniritong itlog.
Halos simutin niya ang kaliit-liitang butil mg kanin na kasama ng ulam na dala ni Aldred. Nang matapos ay hinugasan na rin niya. Ilang minuto niyang pinag-isipan kung isasauli ba niya rito ang baunan o ipaaabot na lang niya kay Lloydie. Ngunit nais niya ring personal na magpasalamat dito.
Ilang tawag din sa pangalan nito bago siya nito nilabas. Nakatulog na si Lloydie kaya naman hindi nito narinig si Liza. Ilang segundo pa ay lumabas na si Aldred at muli ay nang-asar kay Liza.
"Ilang minuto pa lang akong nawawala, e, na-miss mo agad ako," malokong sabi nito.
"Kapal sa na-miss. Isasauli ko lang ang baunan mo. Pakibigay na lang din ito kay Lloydie. Pakisabi salamat sa lunch kanina." Napangisi naman si Aldred nang makita ang pinaglagyan niya ng lunch ni Liza kanina.
"Wow! Simot na simot, a," kantiyaw ni Aldred.
"Siyempre. Ang sarap kaya ng luto ni Lloydie," agad na sagot ni Liza.
"Iyon ba ang sabi niya sa'yo?" Napaisip naman siya at naalala niyang wala namang sinabi na ganoon si Lloydie.
"Hindi," sagot niya.
"Dapat lang dahil ako rin ang nagluto niyon at nagpabaon sa'yo," sabi naman ni Aldred dito na kinindatan pa ang dalaga. Napangiwi naman siya rito pero tuloy pa rin ang pag-kantiyaw ni Aldred sa kaniya.
"Siguro ay tumatalab na ang gayuma ko. In love ka na sa'kin, e," pang-aasar nito. At dahil guilty si Liza na nagkakagusto na siya rito ay tinalikuran niya ito kaagad at nanakbo papasok sa loob ng bahay. Napahalakhak naman ang mapang-asar na binata. Nagtagumpay naman siya sa pang-iinis kay Liza.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...