"Bruha ka! Akala ko kung napaano ka na. Bakit hindi mo'ko tinawagan?" masama ang loob na sabi ni Luisa sa kaibigan.
"Sorry talaga. May nangyari kasi. At ayaw ko na naman na madamay ka." Kanina pa nagpapaliwanag si Liza sa kaibigan sa kabilang linya ngunit hindi siya nito pinakikinggan.
Mag-iisang linggo na simula nang mag-resign siya sa trabaho nang dahil sa nakaambang panganib sa kaniya. Malaki ang pasasalamat niya kay Aldred dahil nalaman nito ang bagay na iyon at natulungan siyang magtago.Ganoon din ang tuwa niya na tinutulungan din siya ni Mico.
"Mabuti na nga lang at pinatuloy ako ni Mico sa kanila. Sorry na talaga. Puwede mo naman akong dalawin dito." Ano pa nga ba ang magagawa ni Luisa? Ang matagal nang pinaghihirapan ni Liza na trabaho ay iniwan na lang niya nang ganoon. Kung sabagay ay buhay niya ang maaring maging kapalit kung mananatili siya roon.
"Oo na. Hindi naman ako galit. Nagtatampo lang. Wala akong kaalam-alam na may nagtatangka na pala sa'yo. Bukas dalawin kita." Tumango naman si Liza kahit na hindi siya nakikita ni Luisa. Nang maibaba ang telepono ay eksakto namang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.
"Mico, bakit?" tanong niya sa lalaking tulala sa harapan niya. Kaaalis lang ni Aldred at pumasok na ito sa trabaho.
"Yayain sana kitang mag-swimming, kung okay lang sa'yo," sagot ng binata. Naisip niyang wala naman siyang gagawin ngayon lalo na at wala na siyang trabaho.
"Sige ba. Gusto mong maghiwa ako ng pakwan para may snack tayo?" Magaan ang loob niya kay Mico kahit noong una pa lang niya itong nakita. Pakiramdam niya kasi ay matagal na niya itong kakilala unlike kay Aldred na sa una pa lang ay mainit na ang dugo niya. Pero okay na sila nito ngayon.
"Sure, I like that," agad na sagot naman ni Mico na hindi maalis ang pagkakangiti sa dalaga.
Iniwan na siya ng binata at nagbihis naman siya bago nagtungo sa kusina para maghiwa ng pakwan. Dumiretso naman si Mico sa pool na nakangisi. Hindi makapaniwala na walang kaalam-alam si Liza sa mga ginawa niya. Naiiling na nilingon niyang muli ang kusina kung nasaan ang dalaga pagkatapos ay naglakad na patungo sa pool.
"You're mine, Kat," usal nito. Naaalala pa niya ang kalokohan niya para lang magkasira sina Aldred at Katlyn noon. Sadyang matibay lang ang samahan ng dalawa na nauwi pa sa engagement. Naalala niya nang ipakilala niya si Aldred kay Lorin.
"Sino siya?" tanong ni Lorin Loresco—ang babaeng nakilala niya sa isang botique kung saan naghahanap siya ng mga materyales para sa isang project niya. Nilapitan siya nito upang makipagkilala. At dahil kay Katlyn lang ang puso niya ay hindi niya ito pinansin.
Ngunit sadyang makulit ito at tila walang magawa sa buhay kaya naisip niyang magagamit niya ang babaeng ito para magkasira sina Aldred at Katlyn ay in-entertain niya ito. Gustong-gusto siya ng babae at nangako itong gagawin ang lahat ng naisin niya basta naka-one-night stand lang siya nito.
Pumayag siya para matali niya ito sa leeg at nagawa nga niya. Nang may mangyari na sa kanila at saka niya ito inutusang gawin ang alam niyang ikasisira ni Aldred kay Katlyn—ang pagselosin ito at magmukhang may relasyon ang dalawa na ang totoo ay si Mico ang gusto nito.
"Iyan si Aldred—kaibigan ko. Not exactly kaibigan. Let's say, kakilala ko," tukoy niya sa larawang ipinakita kay Lorin at saka naupo mula sa pagkakahiga sa kama.
"I see. At ano naman ang gagawin ko?" tanong nito habang kinikilatis ang binatang nasa larawan. Guwapo ito ngunit si Mico ang tipo niya. Maamo sa panlabas na anyo ngunit marahas sa loob ng apat na sulok na kama.
"I want you to make him happy the way you did to me today," saad ni Mico rito.
"What? I only want you," tanggi nito. Ngunit dala ng pang-uuto ni Mico ay napasunod niya ito.
"I will invite him and you do the rest." Plano nitong lasingin si Aldred at pagkatapos ay palalabason na may nangyari rito at kay Lorin.
"Paano kung mabuko tayo?" pag-aalalang tanong ni Lorin.
"Mabubuko tayo kung kakabahan ka. Puwede ka pa namang umatras. But don't ever call me anymore," pananakot ni Mico. Alam na alam nito na hindi makatatanggi si Lorin at napapayag nga niya ito. Nabuo ang plano nila ni Lorin at isasagawa nila ito kinabukasan ng gabi.
"Pare, minsan lang naman. Talagang hindi ko na alam kung paano susuyuin si Sarah," saad nito kay Aldred.
Ang alam ni Aldred ay patay na patay ito kay Sarah kaya naman to the rescue ito sa kaibigan. "Sige, magkita tayo mamaya."
Nangiti ang dalawa ba nangkatinginan nang marinigang sagot ni Aldred. Nag-appear pa ang dalawa. Muling hinalikan ni Mico ang babae sa labi bilang naging masunurin ito. At saka na niya iisipin kung paano idi-dispose ang isang ito pagkatapos may mangyari sa dalawa.
"Kanina ka pa?" tanong ni Aldred nang mabungaran si Mico habang nakaupo sa couch sa bar. Mag-isa ito at wala pang na-order na maiinom.
"Kararating ko lang din." Ang totoo ay kanina pa siya. Naihanda na nila ni Lorin ang gagawing acting para mapaniwala na hindi sila magkakilalang dalawa at magpapapansin lang ito. Alam na rin nito kung saan mauupo.
"Anong atin?" bungad ni Aldred habang mainit-init pa ang problem kuno nito tungkol kay Sarah. At para na rin makauwi siya kaagad. Wala silang usapan ngayon ni Katlyn dahil nagpaalam siya rito na nagpasama si Mico sa kaniya. Sobrang maunawain si Katlyn kaya naman pumayag ito kaagad lalo pa at kaibigan nila si Mico.
"Pare, wala yata talaga akong pag-asa kay Sarah," pag-uumpisa nito. Kunwari ay malungkot pa ang mga mata nito. Eksaktong dating naman ng order nila ay agad na nilagok nito ang alak sa baso.
"Hinay-hinay lang. hindi ka pa naman sanay na uminom," awat ni Aldred nang magsalin ito ng ikatlong tagay. Walang ka-ide-ideya si Aldred na malakas itong uminom.
"Bayaan mo na'ko. Minsan lang naman," sabi nito. Sa ikaapat na baso ay eksaktong pumasok na si Lorin sa bar at naupo sa counter malapit sa puwesto nila. Nakaupo ito patagilid upang matanaw ang puwesto nina Aldred at Mico. Katulad ng nakapagkasunduan ay magpapapansin ito sa puwesto nila.
"Pare, tingnan mo, type ka yata," sabi nito nang lagukin ang laman ng baso. Ngumuso pa ito sa direksiyon ng babae.
"Sira, lasing ka na." Isang mabilis na sulyap ang ginawa ni Aldred. Hindi naman nito nakitang nakatingin ang babae kaya ganoon ang nasabi nito.
"Hindi ako lasing. Nakatingin nga," sambit pa nito sabay nguso ulit sa babae. At sa pagkakataong iyon ay na-tiyempuhan niyang nakatingin ito sa kaniya. Kumindat ito sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.
"Lapitan mo na, pare. Type ka niyang, sa tingin ko. Okay lang naman ako. Hindi pa ako lasing." Pilit na itinataboy ni Mico ang binata upang lapitan nito si Lorin. Ngunit sadya yatang loyal ito kay Kat. Kaya naman naisip niyang lasingin muna ito.
"Ikaw yata ang tinitingnan." Naiiling na lang si Aldred. Lasing na nga yata si Mico. Kung bakit kasi uminom pa. Hindi naman kaya, saad pa ng isip nito.
Nang malingat si Aldred ay sumenyas na ang binata kay Lorin na lumapit na sa kanila. Naghanda naman ito kaagad. Mayamaya pa ay naglakad na ito palapit sa puwesto nila. "Can I join you?"
"I'm sorry to be rude but we're in the middle of something," tanggi kaagad ni Aldred nang makita si Lorin. Titig na titig ito sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin at itinaboy ito. Pero sadya yatang lasing na Mico dahil nang tatalikod na ang babae ay agad ito nitong tinawag.
"It's okay, Miss. Upo ka," tawag ni Mico. Mabilis na lumingon naman si Lorin at naupo ito. Ngunit sa tabi ni Aldred at hindi ni Mico.
Napag-usapan na rin naman nila iyon. Alam ni Mico na tatanggi si Aldred kaya siya ang magpapaupo rito. At ayon sa napag-usapan ay hindi nito hihintayin na makatanggi pa si Aldred kapag tinawag siya ni Mico. Kaya naman walang nagawa si Aldred kung hindi ay hayaan ito.
At katulad ng plano nila ay kay Aldred ito tatabi. Aakitin nito si Aldred para ma-picture-an at maipakita kay Katlyn. Hindi naman nabigo si Lorin. Matagumpay itong nakaupo sa tabi ni Aldred at saka nagpakilala sa malambing at kaakit-akit na boses. "I'm Lorin, you are?"
Kunwari ay hindi niya ito kilala kaya naman tatanungin niya ang pangalan nito. Lihim na napapasaya ni Lorin si Mico dahil sa pagtupad nito sa napag-usapan. Nagpakilala rin naman si Aldred dito upang hindi mapahiya ang estranghera na nais na niyang paalisin ngayon pa lang.
"Aldred. Pasensiya ka na talaga. May importante kasi kaming pag-uusapan." Pilit pa rin niyang pinaaalis si Lorin ngunit nagpapanggap ito na walang pakialam. At ganoon din naman si Mico. Nang haplusin ni Lorin ang dibdib ni Aldred ay hudyat iyon na kunwari ay makatutulog si Mico.
"Alam kong nasa loob din ang kulo niyan. Kaya kapag naramdaman mo nang bumibigay na siya, sunggaban mo agad," naalala ni Lorin na sabi ni Mico. Kaya naman nang kunwaring makatulog na si Mico ay hinaplos-haplos ni Lorin ang hita ng binata ngunit tila hindi man lang ito nakararamdam ng pagkaakit sa kaniya.
"Gusto mo bang sumama sa'kin. Doon tayo," bulong ni Lorin at itinuro pa ang madilim na parte ng bar na kinaroroonan nila. Bahagyang tila nakiliti si Aldred sa bulong na iyon.
Mabilis na kumilos ang kamay ni Mico upang kunin ang cellphone sa bulsa at makuhanan ng litrato ang dalawa. Mataas nang bahagya ang mesa kaya hindi siya kita ni Aldred. Ngunit nang kukunan na niya ng picture ang dalawa ay eksakto naman ang pagtawag ni Katlyn.
"Napatawag ka?" tanong niya nang sagutin ang tawag ni Katlyn.
"Huwag kayong magpakalasing ni Al. Ibibibilin ko siya sa'yo. Baka kasi um-oo lang siya sa lahat ng ipagawa mo," sambit ni Katlyn. Alam na alam talaga nito na hindi tatanggi si Aldred kay Mico kaya naman ito ang sinabihan niya. Alam niyang hindi ito malakas uminom pero matigas ang ulo nito lalo na kapag nag-e-enjoy na.
"A, e," nauutal na sabi ni Mico na napapasulyap kina Aldred at Lorin. Napansin niya na nakaupo na lang ang dalawa at hindi nag-uusap. Nawala ang tiyansa niyang makuhanan ang dalawa.
"May problema ba?" tanong ni Katlyn.
"W-wala naman. Gusto mo bang makausap si Al?" Kung hindi niya makukuhanan ng litrato at marinig man lang nito na may kasama silang babae.
"Hindi na. Nakasilent yata ang phone niya. Tinawagan ko siya kanina." Gusto niyang siya na mismo ang magsabi na may babaeng katabi si Aldred ngunit ayaw niyang magmukhang sinisiraan niya ito. Pruweba sana ngunit hindi niya naman nakuhanan.
"Sige, sabihin ko tumawag ka," sagot niya.
"Sige, enjoy!" sagot naman ni Katlyn. Malaki ang tiwala niya kay Aldred at ganoon din kay Mico. Kaya wala siyang ipinag-a-alala.
"Mics, tara na. Baka hinahanap na ako ni Katlyn." Hindi napansin ni Mico na nakatayo na si Aldred sa ulunan niya. Napabangon siya sa pagkakahiga at saka napalingon kay Lorin na nakabusangot. Umuwi sila at nang maihatid si Aldred ay bumalik ito sa bar para puntahan si Lorin.
"Anong nangyari?" usisa nito kay Lorin.
"E, bakla naman yata ang friend mo. Wala man lang naramdaman sa haplos ko. Kahit sa bulong ko e hindi man lang tinayuan ng balahibo," maktol na sabi ni Lorin.
At dahil doon nga ay naisip niyang hindi tatablan si Aldred ng ganoong mga paandar. Hindi na rin niya kinita si Lorin matapos ang pangyayaring iyon. At doon na siya nakipagsabwatan kay Sarah.
"Hey, okay ka lang?" kalabit na tanong ni Liza sa tulalang si Mico.
"O-oo naman. Nandiyan ka na pala." Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin na naroon na pala si Liza sa likuran niya bitbit ang hiniwang pakwan.
"Akala ko nga nagsu-swimming ka na," natatawang sabi nito. Nang maipalapag ang tray ay inalis na rin niya ang tapis na tuwalya. Tumambad ang swimsuit na suot nito kay Mico at ang kurba ng katawan ni Liza. Hindi naman first time na nakita ni Mico nang nakaganoong kasuotan ang dalaga. Noon ay magkakasama rin silang magswimming.
"Mauna na ako," paalam nito at agad na lumusong sa tubig.
"Ang lamig," sambit ni Liza na niyapos pa ang sarili. Pakiramdam niya simula nang mapatira siya rito ay naging palagay na ang loob niya. Ngumiti naman si Mico. Pinagmasdan lang niya ang dalagang nagpabalik-balik ng paglangoy sa magkabilang dulo ng pool.
Sa Coffee Shop naman ay tuwang-tuwa ang lahat sa pagbabalik ni Aldred. Ang akala ng lahat ay magtatagal pa ang pagbabakasyo ng boss nila. Ngunit bumalik din naman ito kaagad bago matapos ang isang buwan na pagpapaalam nito.
"Mabuti naman, Sir, bumalik ka na," sambit ni Rod na may pagkapit pa sa braso ng boss niya. Akala mo ay girlfriend na matagal na iniwan ng boyfriend nito.
"Oy! Bumitiw ka nga kay sir. Baka akalain na magjowa kayo." Hinatak ng isang babaeng katrabaho nila ang bakla empleyado at inilayo kay Aldred.
"Na-miss ko kasi kayo. Ako ba na-miss ninyo?" Nagkatawanan ang lahat. Kapag nasa mood si Aldred ay nakukuha nitong makipagbiruan sa mga empleyado.
"Sobra, Sir." Ang matandang dalagang manager ang nagsalita. As usual ay kantiyawan ang namayani sa shop. May meeting sila bago magbukas ang shop kaya naman wala pang tao sa loob.
"Siya nga pala, guys. May bago kayong ka-trabaho. Papasok siya rito sa Monday." Sunod-sunod ang bulungan ng mga ito. Wala naman silang hiring kaya naman nagtaka ang lahat kung bakit magkakaroon ng panibagong empleyado roon.
BINABASA MO ANG
My Crazy Neighbor
RomanceSa tinagal-tagal ni Elizabeth sa Sitio Uno ay ngayon lang siya nakakita ng lalaking walang kasing abnormal na katulad ni Aldred. Wala nang ginawang matino ang abnormal niyang kapitbahay kung hindi ay buwisitin ang araw niya. Umulan man o umaraw ay h...