-
"Hoy! Kanina ka pa panay buntong hininga d'yan. Sana okay ka lang lods" susulpot nalang talaga ng biglaan 'tong si Sj.
Himala masyado napadpad rito sa library, dapat nasa cafeteria na to ngayon ah.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya at nag focus ulit sa ginagawa.
She sat beside me and started reading a book. Anong nakain n'ya at nagbabasa s'ya ng libro, may lagnat siguro to.
"May crush ako"
napatigil ako sa pagbabasa dahil sa sinabi ng baliw na to. Gusto nya ba mabitay sa flagpole? Sinong crush nya? Hindi parin sapat si pie sa kanya?
"Sumbong kita kay pie." sabi ko.
"Seryoso, meron akong crush" seryoso ba s'ya? Hindi kasi mukhang joke pagmumukha n'ya ngayon.
"Sino?"
"Si Mommy" malala na talaga saltik ni Sj promise.
Sa hitsura n'ya ngayon ay mukhang pasan nito ang buong mundo kung titignan.
"Tanga, ano bang problema? parang kahapon lang ang saya mo pa dahil nag propose ka na" Tanong ko sa kanya at tinigil muna ang pagbabasa. Hindi ako makapag-focus dahil sa kanya.
"Eh diba nga nong pagbalik natin lasing ang demogons?" Tanong n'ya tapos napahilot ng ulo.
"Ou, ano ba naganap sa inyo?"
"Eh kasi si ano, nakita ni pie 'yong pag halik na ginawa ni zi sa pisngi ko huhu" sumbong n'ya at niyakap ang isang braso ko.
Ah 'yon ba tinutukoy n'ya, nakita ko rin naman 'yong ginawa ni kitten at hindi lang si pie.
"Nag congrats lang naman si Zi pero hindi ko naman inasahan na hahalik s'ya sa pisngi ko" nakangusong sumbong nito.
FLASHBACK
Pabalik na kami kung saan man namin naiwanan ang demogons, sinundan kasi namin 'tong si Ag at sabing mag s-shooting na para sa epilogue. Pero hindi ko naman inasahan na proposal pala ni Sj ang tinutukoy n'ya.
Sana lang talaga at hindi pa lasing ang mga maldita na 'yon lalo na si Kitten, sadista pa naman kung malasing ang babae na 'yon. Literal na ginagawang punching bag minsan mukha ko.
Nakahinga naman kami ng maluwag dahil pagbalik namin ay okay naman sila, akala pa namin kung magiging wild na naman ulit 'tong mga babaeng 'to dahil nga marami na silang nainom.
"Mga miss" tawag ni Sj pag lapit namin sa kanila kaya napatingin ito sa kanila ni pixie.
Napansin ko naman agad ang pag tingin nila Kathy at Ziallyn sa magkahawak kamay nila Sj at Pixie.
"Gusto ko lang sana sabihin na engage na po kami ni pie, pasensya na at nag ou s'ya eh. Sabi ko kasi ihuhulog ko s'ya if she will reject my proposal" pabirong sabi ni Sj at itinaas nito ang kamay nila ni pie na magkahawak at pinakita ang singsing na suot nito.
"Congratulations" tipid na sagot ni Lorelei.
"Congrats pie" bati naman ni Everleigh sa kanila.
Napunta ang piningin ko una kay Kathy na parang pilit ang ngiti. Then tinignan ko si Kitten na tahimik lang at inabala ang sarili sa pag inom.
"Congrats A and Pie" sabi ni Kathy.
"Salamat po, e taken n'yo narin po mga kaibigan ko para sabay tayong lahat ikasal" nagulat kami dahil sa sinabi ni Sj at bigla nalang itong tumawa.