CHAPTER 17

25K 956 1.4K
                                    


-

"No! No! No! Ang ending ulit tatalon tayo mula sa langit!" Panay reklamo ni Sj habang nakayakap sa may poste. Halos kalahating oras na  umiiyak dahil gagamit kami ng private jet ni Pie, akala kasi namin dito lang din but it turns out na sa palawan pala destination namin!

"Ano ka ba Sj, tumalon ka nga sa rooftop! Tapos ngayon matatakot ka?" sapo-sapo ni Iris ang noo habang pinagsasabihan ang pinsan ko.

"Hindi na aircraft pang skydiving gamit natin. Private jet na nga ni pie, ano ka ba dali na!" Saway ko at hinahatak kamay nito kaso mahirap dahil nakayakap ang isang kamay sa poste.

"Mag barko nalang tayo huhu" langya mukhang mahihirapan kami rito.

Binalingan ko ang kanyang dragon, napailing ang ulo saka lumapit sa amin. Nilapitan ko nalang si kitten na nasa isang tabi, bahala sila d'yan kung mapapayag nila ang tukmol na 'yan.

"Kitten," Ngiting tawag ko.

"Hmm?" sagot n'ya habang nagbabasa ng libro.

"Una na tayo sa loob, bahala na si pie sa pinsan ko." sabi ko at hinila na ito paakyat.

Paglingon ko ay saktong bumitaw na si Sj sa poste, ano kaya sinabi ni pie sa kanya para mapapayag ang tukmol na 'yon? Pero Infairness! ang ganda sa loob, pang first class masyado. Doon ko dinala si Kitten sa may dulo upang umupo.

"Okay lang ba sa may bandang bintana ako?" Baling ko sa pusa.

"Yes"

Kasunod lang namin ang iba at sa tapat namin umupo sila Pie at Sj, sa kabilang side naman ang iba.

"P-Pag ako inatake sa sakit ng puso. Makukulong kayo." Nginig-nginig pa boses nya.

"Hindi 'yan babe, may 8 na attempts ka pa" sabat naman ni Kb langya ginawa na kaming pusa nito.

Tatayo sana ako para ayusin saglit ang damit kaso bigla akong napahilot ng ulo at balik ng upo dahil parang may pumitik na naman tangena.

"Love!" tawag ni Zia at hinawakan ang braso ko.

Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito ka worried, kahit hindi naman sabihin ay kitang-kita naman sa mukha at mata n'ya.

"W-where's your medicine?" ba't nauutal yan? Umiling nalang ako at pilit na nginitian s'ya.

"It's okay, may pumitik lang saglit pero nawala na" paninigurado ko sa kanya.

"No" hinablot nito ang bag ko at mabilis na binuksan upang kunin ang gamot ko.

Nakakapanibago naman si pusa ko kasi bigla nalang bumait. Pero napaisip ako bigla kung bakit ang bilis n'ya ako sinagot at tinapos ang laro naming dalawa?

"Don't be stubborn and drink this" sabi nito at s'ya na mismo nagsubo no'ng gamot at nagpainom ng tubig sa akin.

Sinulyapan ko sila Sj pero naka eye mask na pala ang gaga at headphone, pinatulog na naman siguro ni pie. Pero si pie nakatitig lang ng seryoso kay Ziallyn.

"Thank you pusa" pasalamat ko at kinuha ang baso ng tubig sa kamay nito at ininom.

"So, are you two dating?" muntik ko pa tuloy maibuga ang ininom dahil sa biglaang tanong ni Pixie!

Hindi ko alam kung ano isasagot ko, baka naman kasi gusto lang ni pusa na private lang relasyon namin at ayaw ko rin naman e deny kaya hindi ako sumagot.

"She's mine now" nagulat ako sa naging sagot ni pusa.

"In relationship?" tanong ulit ni pie saka nagkrus ng legs at kamay.

"Yes" pero mas nagulat ako sa muli n'yang isinagot kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko inasahan 'yon sa totoo lang, ang buong akala ko kasi hindi n'ya sasagutin.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon