-
Nandito ako sa taas ng puno, alam ko nakasimangot ako kanina pa. Sino kasi hindi mababadtrip pag nakita mo si Kitten nagpahawak sa iba? May P.E kasi sila. May biglang bumato sa akin kaya agad ako napatingin sa ilalim ng puno.
"Ano, Jem?" Tanong ko.
"What's wrong? Kanina ka pa nakasimangot?" Tanong niya sa akin at ngumiti.
"Kasi naman Jem eh, sabi ni Kitten bawal ako hawakan ng iba tapos siya nagpahawak-tama ba yun ha? Diba unfair sa part ko yun?" Magkasalubong na kilay kong tanong bago muli ibinalik ang mga mata kay Kitten sa hindi kalayuan.
"Love, depende yun sa sitwasyon. They're having their P.E activity-"
"Kahit na no." Putol ko kaagad sa kanya at ngumuso. Hindi parin patas kasi bakit kahapon nagkaroon kami ng activity tapos nakita niya may humawak sa akin, sino sinisi ni Kitten? Ako syempre na walang ginawang masama.
Hindi ko pa nakakalimutan at mukhang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko ang ginawa niyang pagtapon sa akin sa gitna ng madilim na karagatan. Paano na lang kung ulitin nya yun dahil sa selos? Paano kung ipatapon ulit ako sa ibang lugar, jusko po.
"Are you done with your plates?" Muli niyang tanong habang nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip.
"Oo, tapos na ako sa lahat at ipapasa ko mamaya." Mabilis kong sagot.
Kaya lumalala tong migraine ko sa ulo kasi sa kakapuyat ko. Yung oras ko kasi sa umaga hindi ko magawa dahil sa mga kaibigan na ayaw ako tantanan, kaya sa gabi ko nalang ginagawa hanggang madaling araw-minsan nga inaabot na ako ng araw.
"Ikaw? Tapos ka na Jem?" Tanong ko naman at kaagad itong umiling.
"Tapusin mo na yan at malapit na deadline, busy ka kasi palagi kakalabas ng bansa." Panay labas pasok kasi siya ng pinas at hindi ko alam ano binabalikan niya lage sa labas at hindi naman siya nagsasabi sa akin.
"Bumaba ka na at baka mahulog ka."
Paalala niya sa akin at balak sana akong tulungan.Bigla ako kinabahan at napatingin kay Kitten-nakatingin siya sa akin ng masama kaya hindi na ako humingi ng tulong kay Jem, dali-dali ako bumaba ng malaking puno at nagpaalam kay Jem upang puntahan si Kitten ko, tapos na kasi sila at pawis na pawis ang mahal ko.
"Kitten!" Tawag ko at iwinagayway ang hawak na face towel.
Papalapit ako sa kanya ng bigla ulit uminsert yung lalaki na partner niya kanina at inabot kay pusa ang isang tubig. Mas lalo akong nainis dahil parang wala lang sa kanya na nagseselos ako, tinanggap niya kasi ang tubig na bagong bukas nong lalaki. Wala na ako sa mood, binagalan ko ang lakad palapit sa kanya at naghihintay sa susunod niyang gawin. Nakakainis talaga, pwede niya gawin ang lahat ng gusto pero pagdating sa akin maraming bawal?
"Zia," Mahina kong bulong at kinalabit ito sa kanyang tagiliran.
"What?" Malamig niyang sagot bago ako nilingon.
Nagbaba ako ng aking ulo at dahan-dahan inagaw sa kanya ang tubig at ibinalik sa lalaki, "Kitten, nagseselos ako oh-bakit kailangan mo tanggapin yan kung kaya ko rin naman?" Gusto ko mainis pero sinubukan ko parin maging malambing ang tono dahil baka masampal ako sa harap ng maraming tao.
"May gusto ka kay Ziallyn?" Biglang tanong ng lalaki, sinadya pa talaga lakas boses para marinig ng iba at pahiyain ako. Hindi ko gusto ang tono ng kanyang pananalita kaya agad umarko ang aking isang kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Sasagutin ko sana ito kasi kanina pa talaga ako naiinis, papatulan ko na nga nang bigla kumilos si Kitten at hinaplos ako sa pisngi bago marahan itinulak ang aking mukha palapit sa kanya at sunod akong hinalikan sa harap nila-sa pisngi lang yun pero kinikilig na ako sa ginawa niya.