CHAPTER 34

26.6K 1K 977
                                    

-

"Baaaaaaabe, Aaaaaaaaar eeeeeeeeeL." Narinig namin ang malakas na boses ni Kb kaya napatingin kami sa direksyon nila.

Nasa rooftop bar pala kami ngayon, napagpasyahan namin ni S papuntahin ang iba since tinawagan din ni pie ang mga pinsan n'ya. Girlfriends namin hindi ko alam kung lasing na ba sila o hindi pa, kasi naman ang touchy na nila kitten and pie sa amin ni Sj. Ang AKRIS lang ang nandito, hindi na kasama 'yong iba dahil...aba malay ko sa mga buhay nila.

"Hala nilasing n'yo naman agad sila. Hi mommy ko miss mo 'ko?" sabi ni I at tumabi kay Everleigh.

"Miss your ass."

Akala ko sa rooftop bar 'yung same sa iba na with Dj's and disco. Hindi pala, chill lang dito then may banda. Sakto lang talaga kung gusto mong uminom at relax at the same time, kita rin ang tanawin mula sa ibaba. Kung alam ko lang na may ganito pala edi sana matagal ko ng dinala si kitten dito.

"Hindi kaya namin nilasing sila. Sila pa nga nag-aya sa amin dito." Sagot ko naman sa kanya.

"May couple shirt pa talaga kayo ha, akala ko ba solo lang ang date? Double date pala." Sabi naman ni A bago nilingon si Lorelei na tahimik lang umiinom.

"Ma'am, tabi po ako sa'yo." Himala at nagpaalam ang keybold na tumabi kay Kathlyn.

"Sure, here." Mabilis na sagot ni Kathlyn at inayos ang upuan para kay Krystal.

Si kitten at pie magkausap, hindi ko alam pinag-uusapan nila. Kanina pa 'yan sila panay ang bulungan tapos bigla nalang bubungisngis.

"Mommy may tanong ako sa'yo." Nagsisimula na si Iris. Tiningnan lang s'ya ni Everleigh at inikutan ng mga mata.

"Hoy, may tanong nga sabi ako!" Ang lakas talaga ng loob na pagtaasan ng boses ang isang Professor.

"What?!" Haha asar.

"Anong hayop ang gusto maging director?" Tanong n'ya bago kinuha ang isang beer sa lamesa.

"What?"

"Caaat!"

"Gago!" Singhal ni Kb sa kanya.

"BAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHA."

"Ano naman ang sabi ng isang dagat sa isa pang dagat?" Humirit pa ulit si Iris. May baon naman palang kalokohan tonight.

"Ano?" tanong ni Ag.

"Wave ka naman d'yan." Sagot ni Iris sabay wave ng dalawang kamay.

"Hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak sa joke mo na mukhang hindi joke Iris." Sabi ko naman.

"Anong nahithit mo tonight? BAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAH."

"Sige Iris tatanungin kita. Anong hayop ang laging nauuntog?" Sabi ni keybold bago s'ya hinarap.

"Meron bang gano'n? Sige ano?"

"Dog!"

"Langya pft HAHAHAHAHAHAHAAH." Kapag talaga si keybold ang nagsalita kahit hindi nakakatawa ay matatawa ka nalang bigla.

"Galing horsey BAHAHAHAHAAHHA."

"Hindi narin masama Kb." sabi ni Ag sa kanya.

"Ako meron din, pie pie pie! Bakit may black eye ang juice?" Tawag ni Sj sa kanya.

"Pieeeeeeee!" Tawag n'ya ulit kasi hindi s'ya pinansin nito dahil abala sa pakikipag-usap sa ibang pinsan.

"What?"

"Sabi ko, bakit may black eye ang juice?" ulit n'ya.

"Tell me."

"Kasi nasaPACK s'ya." Letche.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon