-Balik school ulit!
"Nerdy!" tawag ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ko pagkalapit sa kanya
"May gagawin kaming thesis R, kaya magiging busy at hindi makakasabay sa inyo." ou nga pala't graduating student na nerdy namin.
"Oh, saan ka papunta? hatid na kita baka mamaya may mga panget umaligid sayo." sabi ko at inagaw sa kanya ang mga librong dala.
"Salamat." alam n'yang hindi s'ya mananalo kung makikipagtalo pa sa akin kaya nagpasalamat nalang.
"Teka kumain ka na ba? tara muna sa cafeteria." hinawakan ko ang kamay n'ya at kinaladkad papuntang cafeteria, hindi kasi uso sa kanya ang kumain kaya ako na mismo magpapakain sa kanya.
Nasa may cashier kami nang makasalubong namin ang ccb.
"Aaaaaaaaar eeeeeeeeeL!" jusko ka keybold at ang laki ng boses mo.
"Saan kayo pupunta? susunduin na sana namin kayo eh." Tanong ng pinsan ko.
"Hahatid ko sana, gagawa si nerdy thesis pero punta muna kami cafeteria at papakainin muna 'to" sagot ko sa kanya.
Anong meron sa mga reaksyon nila at gulat? Tapos sabay pa bumaling sa babaeng katabi ko.
"Tanga ka dora hindi ka ba kumain ng breakfast kanina?" nature na po talaga ni S na mang insulto. Sana lang talaga hindi magmana sa kanya ang mga magiging anak nila ni pie.
"Hindi pero may baon akong biscuits" sagot ni dora at yumuko.
"Shorty naman! Tara na sa cafeteria!" sabi ni I at hinila si nerdy. Paalis na sana kami nang makasalubong namin ang limang demogons.
"Goodmorning demogons!" bati namin sa kanila
"Going somewhere?" tanong ni Lorelei, napansin ko lang ha napapadalas na talaga ang pagsasalita n'ya ngayon.
"Yes po, punta kami cafeteria at papakainin 'tong si nerdy tapos ihahatid namin dahil gagawa ng thesis" agad na sagot ko pero nagsitaasan ang mga kilay nila at ang iba naman ay nakakunot ang mga noo. Okay, so may nasabi ba akong mali?
"Tara na! baka gutom na si nerdy!" sabi ni K at hinila na si nerdy, kawawang nerdy at lagi nalang kinakaladkad.
"Sige po una na kami" paalam ni A.
Kita ko pa ang pag ikot ng mga mata nila bago namin sila malampasan na lima.
"Problema nila?" sabi ko.
"Nino?" tanong naman ni S sa akin.
Umiling nalang ako at mas binilisan ang lakad. "Wala, dalian n'yo na at nagutom narin ako"
"Nerdy ano gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya habang namimili kung ano bibilhin.
"Shorty gusto mo desserts?" singit ni I na tumitingin sa mga desserts.
"Anong drinks gusto mo nerdy?" tanong naman ni A.
"Dora anong ulam gusto mo? mamili ka na dali" sabi naman ni S.
"Mag take-out ka narin nerdy, at baka magutom ka pa mamaya" sabat naman ni K.
Si nerdy na hindi alam kung ano ang uunahin dahil sa sabay-sabay naming tanong. Pinagtitinginan narin kami dahil para lang s'yang bata na pinapalibutan ng mga ina.
"Kahit ano nalang, hindi naman ako mapili sa pagkain" ang tanging nasagot na lamang ni nerdy.
"Sige mauna na kayo sa table, ako nalang ang oorder" suhestiyon ni A kaya ginawa nalang din namin.