CHAPTER 21

32.4K 1.1K 1.5K
                                        


-

"Iris!"

My goodness! kanina pa sya hinahabol nitong haliparot, paubos na braincells ko sa mga kaibigan ko kahit wala naman talaga ako non.

"Hinahabol ka na naman, naiirita na ako ha at baka ihulog ko sa rooftop yan." Gigil ang Sj nyo. Palabas na sana kaming campus kaso nga lang ay may haliparot humarang sa daan.

"Ano kailangan mo?" Tanong ni Iris, halatang wala siyang gana kausapin ito. Si Axel naglabas agad ng chips na pwedeng kainin at inabutan kami isa-isa. Umatras kaming konti upang bigyan ng space ang dalawang sa kanilang drama.

"Nakakasawa na ugali mo! hindi ko alam kung kailan ka titino! Pagod na akong intindihin ka at puro ka lang kaibigan! Wala ka ngang panahon para sa atin! Then malalaman ko may iba kang kalandian?!" Huwaw naman at abot sa langit ang galit nitong babae sa kanya, kulang nalang sampalin nya sa magkabilang pisngi si Riri,

"Ooooooooooooo" napatango-tango kami sa sinabi ni girl sa kanya. Legit 'yan!

Tamang lantak lang ng mga pagkain sa gilid habang nanonood sa drama show ni Iris. Ou nga pala at kaming lima lang magkasama ngayon. May pasok si Tanvi at Nerdy.

"Then?" kalmadong tugon nito.

"Let's break up!"

"Excuse me? Break up?" ulit ni Iris.

"Yes!"

Napalingon ako sa likod dahil may biglang tumikhim. Si Everleigh na seryoso ang mukha at nakataas ang isang kilay. Patay kang Iris ka at dumating ang mommy mo, lagot kang bata ka! hindi n'ya pa nakikita dahil nakatalikod ito mula sa amin.

"Break? walang mag b-break." sagot muli ni I sabay masahe sa batok nito.

"And why?!" Bulyaw nito sa kaibigan ko.

"Walang break up na magaganap dahil wala at hindi naman naging tayo. May lagnat ka ba?" tapos humagalpak ng tawa 'tong mga katabi ko dahil sa mala inosenteng bata na pagsalita ni I.

Medyo namula ang mukha ni girl, nakakahiya nga naman ang sinapit n'ya. Imagine inangkin mo ang isang tao tapos lakas loob ka pa nakipaghiwalay sa harap pa mismo ng mga kaibigan. Ang ending wala naman palang kayo at nagmukha kang isa malaking delulu.

"BAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA" namumula narin mata ni girl, mukhang iiyak na nga dahil ang lakas mambwesit nitong tawa ni Sj.

"Excu-"

*Slap*

"Oh shit!"

"Desurb bobo!"

"..." no comment ang Ag n'yo.

"Okay lang 'yan, mahina lang 'yong sampal kung ikukumpara sa demogons" sabi ko sabay tango at nguya nang pagkain.

"True True!" Sumang-ayon naman agad ang magiling kong pinsan.

"Iris" hala ayan na't tinawag na s'ya ni mommy Everleigh n'ya.

Hitsura ni Iris na mukhang sinampal ng mainit na plantsa, pwede na gawing tattoo sampal sa mukha nya. Tulala si friend na binalingan si ma'am habang naglalakad ito palapit sa kanila.

"Oooooo" sambit naming apat sa gilid.

"Payag ka non? sinampal ako?" Sumbong nito kay Everleigh. Landi pa tanga tapos ngayon magsusumbong ka. Nasa isip ko what if sampalin ni Everleigh 'yong babae? Kaso hindi pala pwede sampalin dito dahil nasa campus kami at professor s'ya.

"Leave" utos ni ma'am sa babae at mabilis na nilisan ang lugar.

"Hindi mo man lang gagantihan for me mommy?" kapal ng mukha nito. Ano ka gold, lalandi ka tapos iba ipapasalo mo sa kagagahan. Saksakin ko kaya 'tong si Iris upang matauhan?

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon