-
YEARS AGO
"Tulala ang president natin, hulaan ko kung sino iniisip niyan."
"Pixie!" Sabay na banggit nila sa pangalan ni Pie.
Nagsisimula na naman sila sa panunukso, sanay na ako kaya hindi ko nalang pinansin. Alam ng buong klase may gusto ako kay Pie, simula nung makilala ko ito ay talagang crush na crush ko na ito.
"Bakit hindi pa kasi umamin at baka maunahan ka ng iba, pagsisisihan mo talaga pag bigla ka ipinakilala sa jowa niya." Paulit-ulit na lang sila palagi, akala ba nila madali ang umamin lalo na at alam kong hindi interesado si Pie sa relasyon.
"Shhh papasok ang prinsesa." Bulong ng isa kong kaklase at tumigil sila lahat sa panunukso sa akin.
Nakita ko si Pie, ang fresh at ganda talaga kahit kailan lalo na kapag nakasuot ng uniporme. Paborito ko sa lahat ay ang itim, straight long hair niya na hanggang bewang. Malaki rin ang tiwala ko na wala talaga siyang nobyo, minsan na niya kasi sinabi sa akin na saka lang siya magpapaputol ng buhok kapag tuluyang nahulog sa isang tao.
"Maganda si Pixie, pero mas maganda si Everleigh." Sabat ng lalaki kong kaklase. Heto at mukhang magtatalo na naman sila kung sinong pinaka maganda sa campus.
"Mas maganda si Ziallyn, ang problema ay sobrang suplada kaya walang nagtatangka na lumapit sa kanya. Hindi lang maganda, malaki rin melons niya." Nagsalubong kaagad ang aking kilay, nakuha pa manyakin ang isang babae pero sinong Ziallyn?
"Ziallyn? Sino yan?" Tanong ko.
"Hindi mo kilala?!" Bulyaw nila sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Tatanong ba kung kilala ko?" Sagot ko. "Ah wait, puntahan ko lang si Pie." Sabi ko sa kanila nang makita si Pie mag-isa sa kanyang table.
"Love," gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi kung paano niya ako tawagin at ngitian.
"Pie, blooming natin masyado ngayon ah?" Napansin ko lang na iba ang presensya niya ngayon, parang may nagbago pero hindi ko matukoy.
Napansin ko ang bigla niyang pamumula. "Namumula ka? Hindi ako magsasawa na sabihin sayong ang ganda mo." Mahina akong natawa sa ginawa niyang marahan na pag sampal ng pisngi ko.
"Quit teasing me. Where were you? Were you flirting with other girls again?" Puno ng pagdududa ang kanyang tingin sa akin.
"Hindi kaya, kasama ko mga kaklase ko. Why? Nagseselos ka pie?" Tanong ko at mahina siyang siniko kasunod ang pagtaas-baba ng mga kilay.
Tinaasan niya ako ng isang kilay at pinaikutan ng mga mata. "Kapal," sambit niya rason upang humagalpak ako ng tawa.
"Pie, free ka bukas? Nood tayo sine?" Bulong ko.
"No, I'm not free tomorrow, and I have plans." Napanguso ako matapos malaman na hindi na naman siya pwede, lagi na lang ganito kapag inaaya ko siya, sasabihing may lakad o di kaya ay busy ang dahilan niya.
"Are you upset?" She moves in close to me and gently taps my cheek with her delicate fingers.
"Kinda, parang ayaw mo sa akin at iniiwasan ako." Amin ko at tipid ngumiti.
"It's not like that. I've just been really busy." Paliwanag niya, trying to reassure me.
"Sige, next time." Sabi ko."Pie, may tanong ako sayo." Sunod kong salita.
"Hmm?"
Bigla ako kinabahan, nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin o hindi nalang. Pero ito lang ang pagkakataon ko at isa pa walang mawawala kung magtanong ako.
