-
"Disneyland!!"
"Yaaaaaaaaaaaaay!!"
Nandito na kami sa tokyo Disneyland. Ang daming tao at sobrang ganda, ang dami rin magagandang rides pero gusto ko talaga pasukan una ay 'yong haunted mansion!
"Ang ganda po." Amaze masyado si Tina, hawak s'ya sa magkabilang kamay nila Lorelei at Kathlyn.
"Magtigil kayo kakatakbo! Dinaig n'yo pa toddler sa ginagawa n'yo." Saway ko sa kanila.
"Tara na tara naaaa, gusto ko na mag rides!" hindi na talaga makapaghintay pinsan ko at hinahatak na ako.
"Saan tayo una?" tanong ni Bea,
"Haunted mansion tayo mga bakla." Suhestiyon ko sa kanila.
"Boba, may bata!" Pinaikutan ko nalamg ng mata si keyboard. Pwede naman kami humiwalay sa demogons total mukhang wala sila plano ibigay sa amin si Tina.
"Pieeeeeeeeeeeeeee pwede kayo nalang sumama kay Tintin sa rides or kung anong gusto n'ya? Gusto namin mag haunted mansion, please?" pagmamakaawa nito with her puppy eyes kuno, same pala kami nang iniisip. Nagdadalawang isip pa ata ang dragon kung papayag o hindi, tinignan niya pansamantala si Tina bago tumingin sa suot na relo.
"Okay, Let's meet outside the space mountain after 3 hours." lumawak naman ang mga ngiti namin sa labi dahil sa excitement na nadarama.
"Thank you! Baby Tina, sila tita Pixie nalang sasama sa'yo ha? Papasok kasi kami sa nakakatakot na lugar, mag enjoy ka okay?" Paalam ni S sa kanya at pumayag naman ito na sa demogons sumama.
Nilingon ko si Kitten na nasa tabi ko lang. "Kitten kita nalang tayo mamaya ha? Date tayo, samahan mo muna si Tina at mukhang gusto no rin naman." bulong ko sa kanya.
"Yes, she's cute." she smiled!
Inilapit ko ang mukha sa kanyang bandang tenga upang bumulong.
"Baby kitten, I really love your smile. Gusto ko sa akin mo lang ipakita ang pinaka matamis mong ngiti kaya pakitago muna ha?" I softly whispered and kissed her cheek.
I bit my lower lip 'cause she's so cute like an innocent kitten kapag namumula ang pisngi nito. Tameme ang Ziallyn Ponferrada n'yo.
"Rochelle." mahinang tawag nya at sa pagkakataon na 'to ay s'ya naman ang lumapit upang bumulong.
"You deserve someone better, so I want to be better to deserve you." I felt my face heat up instantly. My lips might bleed from how hard I'm biting them.
"Happy?" Now she's smirking, telling me na nanalo siya.
"Yes, and there are many ways to be happy, but the fastest way to be happy is seeing you every day." This round ako naman ang napangisi. Shock ang pusang nakatitig sa 'kin, lalaban pa ba s'ya?
"So ano na? maglalandian nalang kayo na dalawa d'yan? baka gusto n'yo muna maghiwalay." napatingin ako sa direksyon ni Sj. Nasa amin pala lahat ng atensyon nila gage. Enjoy naman siguro sila nanood sa live landian namin ni pusa?
"Tara na RL! humiwalay ka muna sa pusa mo." hindi naman siguro kailangan na hatakin pa ako dahil sasama naman talaga ako sa kanila? para naman 'tong timang si K.
"Bye baby kitteeeeen! kung ma miss mo ako isipin mo lang 'yong nangyari sa condooooo!" pakaway-kaway na sigaw ko sa kanya habang papalayo na.
"Sinasabi ko na nga ba't may bold na naganap eh!" nasapok ko agad ang ulo ni Sj dahil sa sinabi nito.
"Bastos mo, wala kaya nangyari! Hindi ba pwede na ano lang...nanood ng movie?!" kainis 'to.
"Oh ba't ka galit? wala naman ako sinabing nag laplapan kayo ah!" nagdidilim paningin ko sa pinsan ko lord.
