CHAPTER 13

27.7K 1.1K 1.5K
                                    


-

Isang linggo na ang nakalipas simula nong maganap ang rooftop incident namin. Pinatawag ni principal panot mga parents namin at natadtad kami ng sermon nila tita at tito, hindi dahil sa nag-alala sila ha, kundi dahil naabala raw namin ang pag walwal nila  sa Japan. Ang siraulo naman nilang anak tawa lang ng tawa.

Isang linggo ko na rin na hindi pinapansin si Ziallyn, hindi ko naman s'ya iniiwasan. Talagang hindi ko lang s'ya kinakausap kahit na magkasama kaming lahat. Hindi rin naman s'ya nagsasalita so patas lang kaming dalawa.

May kalaban narin pala ang CCB pagdating sa kalokohan, 8 members sila tapos kami 6 lang. Kahapon lang din namin nalaman sikat pala grupo nila sa campus pero wala kaming pakialam dahil may sarili naman kaming mga mundo.

At isa rin 'yan kaya hindi ko pinapansin si kuting dahil isa sa members no'n ay manliligaw n'ya, or let's just say na business partner nila tita Shirley  ang parents no'ng kokey. Halos araw-araw ba naman nakabuntot sa kanya na parang asong ulol. Ang pusa naman gustong gusto! edi magsama silang dalawa.

"hahahahahahahaha" tawanan no'ng kabilang grupo na nasa tapat lang ng table namin.

Kanina pa 'yan sila maingay, sakit sa tenga ng mga boses nila.

"ZB!" ayan na nagsisimula na s'yang maging asong ulol. Nasa likod na siguro namin ang demogons o sinong Ponferrada ba 'yan.

"I miss you ZB" tangena napakalandi, kung pwede lang talaga sumakal ng hayop ay ginawa ko na. Pero ayaw ko naman makasuhan ng animal abuse.

"Payag ka n'yan R? may balak pa ata agawin kitten mo oh" sabay nguso ni I sa likod ko.

Nagseselos ako ou pero wala nga s'yang pakialam sa feelings ko, edi pakialam ko rin sa kanila.

"Pakialam ko. Hindi ako asong ulol" may kalakasan na sabi ko, i'm sure narinig nila 'yon sa likod.

"BAHAHAHAHAHAHAAHAH bark" bigla nalang tatawa 'tong pinsan ko pft.

Tumikhim si A saka tinignan ako sa mga mata. May sasabihin ata ang doraemon.

"By the way R, are you going to get a girlfriend this summer?" Lahat kami sa table napatingin sa kanya. Bakit natanong n'ya ang bagay na yan? Nasa tamang pag-iisip pa ba sya?

"Bigyan nyo nga pagkain at mukhang gutom pa yan." Sabi ko sa iba at pinagsawalang bahala nalang ang naging tanong nya.

"Yeeee, hanapan ka namin?" Isa pa tong pinsan ko, lakas mang asar.

Umiling nalang ako saka bumuntong hininga. "Hindi ko kailangan nyan, mabubuhay naman ako kahit walanv jowa." sagot ko sa kanya.

"Ay ou nga pala bar tayo tonight. Na miss kong mag bar! Also, may friend ako na gusto makipag-date may kasama rin s'yang mga kaibigan. Ano game ba kayo? syempre hindi pwede si S kaya maging wheeler muna s'ya" laki naman bunganga nito kahit nasa harap lang kami ay kailangan pa talaga lakasan ang boses? may saltik ata 'tong si I.

"Sure" tipid kong sagot.

"Ayon oh! sawakas at may makakadate ka narin RL!" sinamaan ko s'ya ng tingin dahil feeling ko talaga nananadya 'tong Iris sa paglakas ng boses n'ya.

"Papayagan ka kaya ni pie sumama ha, Sj?" tanong ko sa kanya at hindi nalang pinansin si Iris.

Ngumisi ito bago sumagot.

"Sasama 'yon, basta mga ganitong walwalan. Sasama at hindi magpapahuli ang mommy ko no at baka raw may lumandi sa akin" mayabang na sagot nito. Edi wow sanaol may guardian.

"Oh, edi ikaw na"

I heaved a sigh and stood up.
"Saan ka pupunta?" tanong ni A.

"Cr lang, puputok na pantog ko" sabi ko at nagmadaling tumungo nang cr.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon