A/N: New version.ROCHELLE LOVE
-
"Why? Bakit kailangan ko ulit masaktan at masaksihan to? Ang sakit makita si J kayakap ng iba. That should be me, R, ako dapat ang kasama nya at hindi pinsan ko." puno ng pait at sakit ang boses ni Pixie habang tinatanaw ang pinsan ko mula sa madilim na bahagi ng lugar.
Watching the woman she loves crying and hugging someone else. Kahit ako nasasaktan sa nakikita ngunit hindi ko rin ito masisisi dahil alam kong napamahal na sa kanya si Ziallyn,
"Pie" mahina kong bulong at pilit pinapatahan ang babaeng kanina pa umiiyak habang nakamasid sa dalawa. Matagal din n'yang hinanap si SJ tapos malalaman n'ya na lang may gusto na itong iba at ang pinsan pa nya..
"I-It feels like someone's stabbing me, ang sikip sa dibdib. I don't know kung kakayanin ko pa tiisin ang lahat." marahan ko syang hinila at niyakap. Gusto ko tuloy sugurin ang pinsan ko at suntukin. Gusto ko sabihin na nandito ang totoo nyang mahal.
"It's okay pie, may dahilan ang lahat. Umalis na tayo kesa manatili at pinapatay ang sarili mo dahil sa mga masasakit na nakikita." hinawakan ko sya sa kamay, pilit hinihila palayo ngunit walang lakas ang mga paa nitong humakbang.
I heaved a sigh. "Pie," sambit ko. As much as possible ayaw ko makitang may nasasaktan sa kanila. Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat?
"Let's go to sekong." She sounds so broken. Tumango nalang ako bilang tugon sa kanya at inalalayan papasok ng sasakyan.
"Sekong what? anong lugar yan? Pagkain?" I'm baffled.
"My cousin's place. I'll tell you the direction, just drive." wala sa gana nyang sagot bago pinaandar ang stereo.
Akala ko malapit lang ang sekong na tinukoy nya pero inabot kami ng isang oras sa byahe para lang marating ang lugar. Hindi man lang ako hinintay ni Pie at nauna pumasok bago ko pa man na park ang sasakyan.
Pagpasok ko ay nakita kong may kausao si Pixie, isang magandang babae na kasing tangkad lang nya. Ang ingay naman sa lugar na to, I didn't expect na mahilig sya sa club?
"Pie" tawag ko sa kanya kaya napalingon silang dalawa.
"Oh? Sino tong magandang kasama mo Pixie?" tanong ng kasama nyang babae.
"Introduce yourself." lihim ko sya inikutan ng mga mata. Pareho sila ng babaeng mahal nya, sarap nila pag untugin dalawa.
"Good evening, miss, my name is Rochelle," pakilala ko sa sarili at inabot ang kamay sa kanya
"I'm Niks, pie's cousin." sagot nya at nakipagkamay sa akin.
"Nice to meet you. I'll excuse myself first, may tatawagan ako." paalam ko sa kanila at kaagad lumabas kasi sobrang ingay sa loob.
Dinukot ko ang phone sa bulsa at kaagad tinawagan ang magaling kong pinsan. Wala akong balak maging babysitter ng isang lasing tonight! Tagal naman sumagot nitong gaga na to! Di pa ba sila tapos ni Ziallyn?!
"Sj, asan ka ba?" Agad kong tanong sa kanya, sana nga lang nasa bahay na to.
"House." sagot nya, buti nalang at nakauwi na.
"Punta ka rito sa sekong, alam mo ba tong lugar na to?"diretso kong sabi sa kanya.
"Yes I know, why?"
"Punta ka, hindi ko alam ang gagawin kay pie, may balak yata mag lasing dahil nakita ka kayakap si Ziallyn kanina." sagot ko.
"Nandyan ba si Nik?"