-"Kitteeeeeen!" Katok ko mula sa labas ng kanyang opisina bago pinihit ang pinto upang buksan.
"Pusa?" Gano'n ba s'ya ka focus sa trabaho at hindi n'ya namalayang nakapasok ako?
"Kuting." Tawag kong muli nang makalapit sa kanya at marahan pinisil ang pisngi.
"Hey," I was taken aback when she suddenly pulled me onto her lap. Her unexpected action caught me off guard, leaving me breathless, but I couldn't hide the smile and the butterflies in my stomach that grew at her playful actions.
Nakakabigla masyado ang pagbabago ni Ziallyn, instant character development ang pusa na 'yan.
"What are you doing here?" She asked as she wrapped her arms around my waist.
"Kakatapos lang ng klase ko, almost lunch na. Tumawag si Mommy at isama raw kita sa bahay tonight for dinner." Balita ko at mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tanggal angas ni baby, naalala n'ya siguro 'yong pagdadabog na ginawa no'ng nandito si Mimi.
"Are you going to introduce me to your Mom?" Hindi ko ba alam kung bakit tinatanong pa 'yan.
"Of course." Nakita ko na hinihilot n'ya ang kanyang templo kaya ako na mismo ang gumawa habang nakasandal sa kanyang upuan.
"I have a question." 'yan na naman tayo sa mga ganyang tanong n'ya.
"Strawberry at panaginip na naman ba 'yan baby?" paninigurado ko, sobrang moody pa naman masyado nito.
"No," duda talaga ako kay kitten.
"Ano ba 'yon?"
She looked at me intently bago ibinuka ang bibig upang magsalita.
"Who's your favorite girlfriend?" She didn't take her eyes off me and just kept staring.
Malakas talaga kutob ko sa tanong na 'yan at mapapahamak ako kung magkamali ako nang sagot.
"Syempre baby ikaw lang."
"Tang ina."
And there, isang mabilis na kamay ang lumipad at pinaghahampas ang dibdib ko.
"Kitten sandali lang. Ano na naman nagawa ko?" Kinulong ko na s'ya sa mga bisig ko upang hindi makagalaw. Pambihira anong ka abnormalan na naman 'to pusa.
"Lang? why? ba't may iba pa?" Her very cold voice made me shiver. Hindi ko ba alam kung maiiyak ako o matatawa sa kanya e.
"H-Hindi, wala! Ikaw lang, syempre napaisip ako." Agad na sagot ko, nakakabobo ang mga pa test ni kuting sa akin lord.
"Why do you even need to think Rochelle?!" Her eyebrows furrowed and the sound of her voice was obviously irritated.
"Kasi naman baby nag iisip ako part sa tinatanong mo tapos bigla kang eextra." Nakangusong alibi ko.
"So you're saying I'm just an extra?" Oh God please help me. Sana kayanin ko today ang toyo ni baby.
"Hindi gano'n, pambihira kitten ang hirap makipagtalo sayo." Medyo stress na 'ko kasi 'di ko talaga alam dahilan bakit na naman nagkakaganyan si baby.
"So gusto mong makipagtalo?" she raised a brow. Napasabunot nalang sa buhok ko.
"Baby naman kasi, gano'n-" then suddenly someone interrupted us. May kumakatok mula sa labas.
Bigla akong itinulak ni baby kaya nahulog ako sa sahig. Gage ang sakit ng pwet ko!
"Hide." Utos niya at pinatago ako sa ilalim ng kanyang lamesa kaya nagmadali ako itinago ang sarili.