CHAPTER 6

21.6K 1K 1.4K
                                    


-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

tawanan nila nang makapasok sa kwarto. Nasa dorm kami ngayon,  nag-usap kaming lima mag dodorm nalang para maging fair sa ibang estudyante. Pinakiusapan nila demogons sa iisang kwarto nalang kami at pumayag naman sila. Ayaw nga sana pumayag ni Pie dahil baka raw may babae na mahatak 'tong pinsan ko, pero makulit ang mokong at nadaan sa mala barbero nitong salita kaya napapayag ang dragon. Gabi na at kailangan pa namin mag ayos ng mga gamit. Okay narin sigurong nasa dorm kaming lima, sabi ko kasi sa kanila na masaya mag dorm dahil marami kaming pwede gawin.

"Ako sa baba!" Pigil ko kay Iris dahil balak nya kunin ang pwesto ko. "Do'n ka sa taas" bugaw ko sa kanya, aagawan pa ako ng pwesto e.

"Hoy mga tanga, may isang vacant na kama. May makakasama ba tayo?" tanong ni K sa amin.

Nagkatinginan kaming lima dahil hindi rin namin alam kung may makakasama ba kami.

"Bakit kami tinatanong mo, malay ba namin." sagot ni S sa kanya habang inaayos ang mga gamit. Tapos bigla nalang ngumisi ang siraulo na parang may naisip na kagaguhan. Mukhang masama kutob ko sa demonyong ngiti na yyan.

"Ano naiisip mo Sj?" tanong ni A sa, hindi lang pala ako ang nakapansin.

"Basta, tara tara! mamaya nyo na ayusin mga gamit" sabi nya at bigla nalang dumapa ang baliw. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong trip ni S. Ano gagawin nito, mag si-swimming sa sahig?

"Ginagawa mo?" tanong ni A. Sakto may kumatok at napatingin kami sa may pinto.

"Hoy dali patayin nyo ang ilaw at magtago kayo rito sa ilalim ng kama!" pabulong na tawag ni S. Wala na kaming nagawa kundi sundin ang trip ng pinsan ko. Tumayo ako at mabilis na pinatay ang ilaw bago dumapa at nagtago sa ilalim ng kama.

"Hoy usog ka nga!" iritadong pag tulak ni K kay I.

"Manahimik nga kayong dalawa" saway ko sa kanila.

Bigla nalang bumukas ang pinto kaya napahinto narin ang dalawang baliw sa pagtatalo. Tahimik lang kaming nakadapa rito habang nakatingin sa paa nito na ngayon ay palapit na sa kamang pinagtataguan namin.

"Hello?" tawag nito

Kita na nga n'ya na walang tao magtatawag pa talaga, hmm multo siguro tinatawag nito. Ni hindi man lang n'ya binuksan ang ilaw bago pumasok pambihira. Sumenyas si S sa amin na hawakan ang babae sa paa pag nasa tapat na namin ito nakatayo. Eksaktong nasa tapat ay nag silent countdown  na ang pinsan ko.

"3...2...1..."

Mabilis at sabay kaming lima hinawakan ang magkabilang paa nito.

"AHHHHHHHHH!" ang lakas n'ya tumili at napasalampak sa sahig dahil sa sobrang takot.

Then bigla nalang gumapang si Sj paabante kaya sumunod narin kami. She started shouting when we mimicked the voice of the zombies.

"Breeeeeeynssss" feel na feel ni keyboard ang pagiging zombie n'ya.

"Uhhhhhhhh..haaaaa" hindi ko alam kung tunog zombie pa ba ang ginagawa ni I or ungol na sa sarap e.

Hindi ko na napigilan kaya napahagalpak ako ng tawa, yung babae naman napatigil sa kakasigaw.

"HAHAHAHAHAHAHAAHHA" tawanan namin bago binuksan ni A ang ilaw.

Juskong mga bully, ang malas naman nitong bagong kasama namin sa dorm dahil sa amin pa talaga s'ya na assign na room. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha habang tulala na nakatingala sa amin. Napansin ko agad na she's a nerdy type of person, simple lang din manamit, may makapal na salamin at medyo magulo na buhok.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon