-"BAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA."
"HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"
"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA."
"I kenat hinga-hinga HAHAHAHAHA."
Para na silang mga nasisiraan ng ulo sa sahig dahil sa kakatawa. Kahit ako ay hindi talaga makapaniwala. Jusko, ang sakit narin sobra nitong tiyan at panga ko.
"Hoy tangena helpndjandjkdbsknd BAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHA."
"Grabe si Kitten mo Aaar eeeL, sobrang layo n'ya sa Ziallyn na kilala namin noon HAHAHAHAHAAHHAHAHA." Kulang nalang kabitan si keybold ng oxygen tank sa sitwasyon nito ngayon.
"Gulat ako kasi pagtingin ko kanina iba na HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA." Sunod namang hagalpak ni Iris.
"Ibang tama na ng ferson." Doraemon namumula ang mukha.
Paano naman kasi, nag grocery kami kanina at hinanap ko talaga 'yong pancit canton na original flavor. Then nagtanong kami sa isang clerk kung saan ang section ng pancit canton, sabi ko kung pwede ikuha nalang ako nito nang original flavor. Nagulat nalang kami nang dinala nito pabalik ay ang chili mansi flavor.
Nakipagtalo pa nga kami sa kanya kasi hindi naman 'yon ang original. Hanggang sa sinabi nito na pinapalitan na raw ang original kagabi at ang chili mansi na ang new original flavor.
Then nakatanggap ako ng message from Zia, tinatanong kung gusto ko ba raw ang bagong original flavor ng pancit canton. Literal na pinalitan n'ya!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"Mas malala pa pala si Zi kay pie, tangena talaga ang lakas ng tama sa'yo donkey BAHAHAHAAHAHAHAHAHA."
Si kitten naman nagpaghahalataan na obsessed masyado sa akin. Baka pag sinabi ko ipasara ang factory ay baka gawin n'ya nga talaga.
"Haaaaaaay Jisaaaaaaaaaaaas yawa tama na please huhuBAHAHAHAHA."
"Tangena n'yo may date pa pala kami ni kitten!" Nataranta ako nang makita ang oras sa relo ko. Kasi naman, nawala sa isip ko dahil sa chili mansi na original flavor na ngayon huhu.
"Hala tanga! kami rin pala ni mommy ko may date!" Bulaslas ni S at nagkatinginan kaming dalawa.
"Sabaok lahat all."
"Paano naman kami? hindi kami mabubuhay kung mawawala kayo." ang drama talaga kahit kailan ni keybold.
"Bakit hindi pa kayo nag aayos?" Si doraemon naman na kahit alam na ang dahilan magtatanong pa.
"Hoy pwede ba sumama nalang kami? chopper lang." tanong ni keybold na nagpagulo saglit sa utak ko.
"Chopper?"
"Ou 'yong ano, basta 'yong susundan namin kayo. Chopperon?" pambihirang chopperon 'yan.
"Ahhh chaperone bobo BAHAHAHAHAHAHAHAHA." hindi nalang sana n'ya tinama at alam naman namin na hindi nagpapatalo ang keybold.
"Same lang 'yon okay? sige na sama kami." ayaw ko sila isama dahil alam kong manggugulo lang sila.
"Kay Sj kayo sumama, gusto kong kami lang muna ni Kitten. Mamatay muna kayo kahit isang araw lang, may 7 lives pa naman kayo diba?" tanong ko sa kanila dahilan upang magsimula na naman ang tawanan.
"Hoy wag sa akin! Oo nga, mamatay na muna kayo isang araw. Basta ay gusto ko kami lang din muna ni pie." Sunod na sagot ni Sj. Kawawa naman sila, bakit hindi na lang nila e-invite ang demogons?
"Bahala na kayo." Sabi ko at umakyat na ng kwarto.
May pinadala si kitten kanina at nakalimutan ko lang tignan. Kinuha ko agad ang paper bag upang tignan kung ano ang laman. I bit my lip when I saw a black shirt na may print na I'M TAKEN. Grabe ang kitten, bakod na bakod pati sa damit.