CHAPTER 11

26.2K 1K 1.5K
                                    


-

Naalimpungatan ako dahil sa lamig. Nagulat ako nang makita si Ziallyn natutulog sa aking tabi, to be exact natutulog sa braso ko at nakayakap ang isang kamay sa katawan ko. Bakit nandito sya sa tabi ko? wala ako maalaa kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Ang huling natatandaan ko lang ay yung sinayawan ni A si Lorelei.

Maingat kong inangat ang kanyang ulo at pinalitan ng unan ang braso ko, sunod na inalis ko ay kamay na nakayakap sa tiyan ko. Dahan-dahan akong tumayo at inayos muna ang kumot sa kany. I checked my wrist watch at quarter to 5am palang pala.

Tinignan ko ang mga kasama at tulog pa ang lahat. Mahina akong natawa dahil ang Iris at Everleigh magkayapak na natutulog. Ang ulo ni I nakasuksok sa dibdib nito habang magkayakap. Tangena akala ko pa naman ako lang ang nalasing kagabi, hindi ko naman alam pati pala sila mga lasing.

Kumuha ako ng jacket bago lumabas ang lamig masyado rito. Iba ang lamig sa probinsya kung ikukumpara sa city. Sakto paglabas ko ay nakita ko si nanay, abala sa pagsibak nang kahoy kaya agad akong lumapit upang tumulong sa kanya.

"Nanay, magandang umaga po." Bati ko at ngumiti.

"Ang aga nyo nagising anak? Matulog pa kayo at gigisingin ko nalang kayo pag handa na ang almusal." Hindi pwede yun.

"Ako palang po gising nay, magluluto ka po para sa agahan? tulungan ko na po kayo" sabi ko at inagaw sa kanya ang pangsibak.

"Wag ka na mag-abala baka masaktan ka pa." Sabi at binawi ulit sa akin.

Gusto pa ata ni nanay makipag wrestling sa akin.

"Hindi po nay, marunong naman ako magsibak. Ako na at gawin nyo nalang po ang ibang-" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil biglang nagsilabasan ang mga siraulo kong kaihigan, himala at maaga nagising.

"Goodmorning nanay," Sabay nilang apat.

"Magandang umaga mga anak, ang aga nyo nagising."

"Malamig kasi nay, may kape pa po ba?" hindi ata mabubuhay si S kung walang kape. Bakit ba ang adik nito sa kape, hindi naman 'to nagkakape noon.

"Nanay alis na po ako." Sabay kaming nalapingon kay nerdy,

"Saan ka pupunta Shorty?" tanong ni I.

May dala s'yang basket, kukuha ba s'ya ng mga prutas?

"Sa palengke" sagot nito.

"Sama kami!" nagulat pa silang dalawa ni nanay dahil sa sabay naming salita.

"May sasakyan kaya pwede tayo sumakay." Kaagad umiling si nerdy sa naging sagot ni Sj,

"Maglakad nalang tayo, malapit lang nama." suhestiyon ni nerdy. Sabagay mas maganda rin maglakad lalo na sa mga oras na 'to. E enjoy ang tanawing makikita, kaya tumango nalang kaming lima sa kanya at bumalik ng tent upang kunin ang kanilang mga jackets.

Tulog parin ang demogons kaya bago pa sila magising ay tuluyan na kaming umalis. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon, si keyboard parang inaantok pa dahil hindi makausap ng maayos. Kanina pa kasi sya tawa nang tawa tapos biglang hihikab tapos tatawa ulit na parang baliw.

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAH" aga-aga nababaliw na si keyboard kakatawa.

"Baka gusto mo mag share kung anong rason bakit nababaliw ka d'yan?" Kalabit ko Kay keyboard at umakbay.

"Naalala ko kasi yung nabasa kong conversation ng pinsan ko at jowa nya. " Umiiling na kwento sa amin.

"Ano ba 'yon carabao?" sinagad na nga ni S ang carabao na 'yan.

"Sabi nong jowa ilang buwan na raw sya hindi nireregla at kinakabahan na." Hala baka buntis?

"Tanga may alien na sa tiyan no'n" sabat ni I habang nilalaro ang stick na dala.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon