CHAPTER 19

22.4K 905 1.2K
                                    


-

"Dooooraaaaaa/Neeeeerdyyy/Shortyy" tumatakbong sigaw namin palapit sa kanyang table. Si nerdy, mag-isang kumakain at walang kasama. Kawawa naman at loner masyado, mabuti nalang dumating kami.

"Miss ka namin!" Sabay naming yakap sa kanya.

"Ba't ka kumakain mag-isa?! Dapat inaya mo kami, hindi 'yong mag-isa ka lang kumakain dito." Ako pa talaga mag gana mang sermon sa kanya.

Napansin ko nandito rin pala ang group of kokeys. Huling kita ko ata sa kanila nong nakasalubong ko sila sa building? Nasaan ba girlfriend ko at miss ko na, busy pusa ko dahil maraming kailangan tapusing work as student council. Nagagawa ng puro gala ang alam tapos may work pa palang dapat tapusin.

"Hoy! Dora, busy ka ba today?" tanong ni S.

Umiling si nerdy, "I'm free, at wala akong pasok." sagot nito.

Umupo narin kami at inagaw ang pagkain n'ya, nagutom kami bigla eh at mukhang masarap ang inorder ni nerdy kaya makikikain nalang din.

"May bago tayong member, sumama ka sa amin kung gusto mo makilala." Sabi ulit ni S bago lantakin ang ninakaw na pagkain.

"Hindi na kayo naawa kay, inagawan n'yo pa talaga ng mga pagkain. Hindi pa nga ata nakakakain." Singit ni A sa usapan saka tinapik ang ulo nito.

"Okay lang 'yan shorty, libre ka nalang namin sa labas. Kahit anong gusto mo bibilhin namin" baet ng Iris ngayon ha.

"Hey shorty" napalingon kami kay Keybold, ah no it's bern since she called her shorty.

"Bern?" tawag ko pero hindi naman sumagot at nakatitig lang kay nerdy.

"Gage nakakagulat ka naman, bigla ka nalang lalabas haypka" hahampasin sana ni Sj ulo n'ya pero napatigil ito nang mapagtanto na hindi si Krystal 'yang hahampasin n'ya.

Bigla nalang talaga lalabas 'tong si Bern pag kasama namin si nerdy. Hindi naman halatang gustong-gusto n'ya makasama nerdy namin?

"Are you using the phone?" tanong nito

Nahihiya naman na tumango si nerdy, "Thank you pala, hindi ka na sana nag-abala."

"No worries baby, tell us ahead of time if you need something" sabi naman ni Bern.

Tahimik lang kaming apat dito sa tapat nilang nakaupo habang kumakain at nakamasid sa kanilang dalawa. Naging instant sugar mommy ata ang ccb pagdating kay nerdy.

Tapos biglang pumasok sa eksena ang tatlong Ponferrada sa cafeteria. My kitten, Pixie and Kathlyn.

"Ay shit ganda naman ng mga pumasok na 'yan at sexy pa ugh mameeeh" manyak talaga nitong pinsan ko.

"Walking redflags ba tawag d'yan?" bulong naman ni Iris.

"Hindi redflag ang dragon ko ha!" inis na sagot ni S sa kanya.

"No comment" sambit ko nalang.

Biglang tumayo leader ng mga kokey at sinalubong ang mahal kong pusa. Pero syempre sino ba s'ya upang pansinin diba? Of course nilagpasan lang s'ya nito at dumiretso sa table namin.

"Pieeeeeeeeee" sigaw ni Sj upang tawagin ang dragon n'ya.

Ang lakas ng boses ha at rinig talaga ng mga tao ang pagtawag n'ya na 'yon. Lowkey flexing her fiancee ba tawag d'yan? Hindi ata nila kasama ang dalawa, hmm baka may mga klase pa kaya wala sila? Ou, baka meron nga.

"Tapos ka na sa work pusa?"

Si Bern na parang walang pakialam at abala lang kay nerdy. Hindi lang pala kami ang may gusto sa kanya na parang kapatid at pati rin 'tong si Bern.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon