CHAPTER 10

27.7K 1K 2.3K
                                    

-

"Rochelle help me!" She exclaimed at galit na galit na ito sa akin.

I bit my lower lip and shook my head. Bumaon kasi ang paa n'ya sa putikan at nahihirapan s'yang iangat ang paa.

I crossed my arm as I squat in front of her. "Can we add some rules?" kumunot naman ang noo nito.

"What?"

"Pwede mo ba ako tawaging love pag naka lover mode ka?" Hiling ko kasunod ang pagtango.

"Okay" aw mabilis kausap ang kuting.

"Nice, tara." Excited kong sagot at nagmadaling tumalikod.

"Love!" She exclaimed. Sarap sa tenga tawaging love ni kuting.

Binalingan ko s'ya at ang sama na masyado makatingin. Langya nakalimutan ko na nakabaon pa pala ang paa nito.

"Sorry, kittylove," Sinubukan ko lang kung may makikita akong reaksyon ngunit hindi ko inaasahan na pamumulahan sya ng mga pisngi. Lumapit ako sa kanya at hinatak ang kamay ng malakas. Muntik pa kaming matumba dahil sa pwersang ginawa ko.

"Dahon lang naman sana ng saging kukunin natin, pero bakit ka naman nag swimming sa putikan haha-"

"Awwwww!" Napangiwi ako dahil sa pagkurot n'ya sa likod ko. Ang hilig mangurot masyado.

"Tuloy na tayo."

Nauna akong maglakad para safe ang dadaanan n'ya. Naramdaman ko nalang ang malambot na kamay nito na hinawakan ang kamay ko kaya napalingon ako sa likod.

"Don't let go of my hand, baka bumaon ulit paa ko." gusto ko sana matawa pero ayaw ko makurot ulit.

"Hindi, malabong bitawan kita." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Muntik pa kaming madulas, ang putik kasi masyado at tatawid pa kaming sakahan bago marating mga saging.

"Kitten bitawan mo muna ang kamay ko, hindi naman ako mawawala" sabi ko sa kanya, wala kasi ata balak bumitaw ang pusa at kailangan ko na magnakaw nitong dahon ng saging para makabalik na kami. Pagkabitaw ay agad na akong pumutol ng mga dahon.

"Okay na siguro 'tong apat no?" tanong ko sa kanya.

"Make it 5" utos nito at sinunod ko naman agad.

"Tara na takbooooo!" sigaw ko at ang kuting tumakbo nga kaso nadulas ang isang paa kaya napasubsub sa putikan jusko help, gusto kong tumawa pero mahal ko pa ang buhay ko huhu.

Nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya at lumuhod pagkatapat ko. Ang dungis na masyado ni kuting pero dungis expensive hays.

"Pft" langya muntik pa tuloy ako mapatawa ng malakas. Heck yeah, she's glaring at me...

"Ano ba yan kitten, lampa." sabi ko at inalalayan syang makatayo. First time siguro sumisid sa putikan? Ang dumi na ng damit nya, naging choco yung puting damit eh. Kinuha ko ang kamay nito at ipinahid sa damit ko ang putik, bumaon kasi yung maganda nyang kamay huhu naging chocolate.

"What are you doing?" kunot noo nitong tanong.

"Uso ba talaga sa inyo ang magtanong ng obvious? kita mo naman inaalis ang putik sa kamay mo" pambabara ko kay kuting, tapang ko ngayon ah.

"I know, see? ang dumi mo na rin" sabi nito pagkatapos ituro ang damit ko.

Concern na sya nyan?

"It's okay, maliligo ako mamaya at isa pa pupunta rin naman tayo sa tatay ni nerdy, and I know magkakanda putik tayong lahat." Sagot ko habang patuloy nililinisan ang kamay nya.

"Done! ikaw na ang magdala ng mga saging. Gawin mong umbrella dahil mainit, sumakay ka na sa likod ko para hindi ka na mag swimming ulit" sabi ko at nag squat patalikod sa kanya para makasampa na.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon