-"Dooooraaaaaaaaaa."
"Neeeeeeeeeeeeerdy."
"Shooooooooooorty."
Tawag namin kay dora dito sa labas ng classroom nila, ganda naman nitong nerdy namin at napapalibutan ng mga manliligaw niya.
"Donita, nandito na mga sundo mo." sabi noong isa n'yang kaklase, kumaway kami sa kanya paglingon niya sa direksyon namin.
"Shorty, miss ka na namin, graduation mo na bukas." sabay ngiti ni I sa kanya.
"Pasensya na at naging abala ako. Maraming salamat sa lahat ng mga naitulong ninyo sa akin lalo na sa pamilya ko." bigla nalang iiyak 'tong si nerdy, parang sira.
"Wag ka nga umiyak! alam naman namin at dapat bumawi ka after graduation ha." may halong tampo na boses ni S.
"Oo," pinatahan na namin ito sa pag iyak at baka kung ano ang isipin ng mga taong nakakakita sa amin, pagkamalan pa kaming inaaway 'to.
"Tara sa restaurant ni pie, do'n na tayo mag lunch." sinundo lang talaga namin si nerdy dahil namimiss namin ito, sila Iris narin mismo ang nagdala ng mga gamit nito.
Palabas na sana kami ng makasalubong namin si Jem.
"Jemamaaaaaa." tawag ni K sa kanya.
"Hi girls, saan kayo pupunta?" tanong naman ni Jem sa amin.
"Oh hi tanvi, nagkita na naman tayo." baling n'ya kay tanso at nginitian ng matamis. Si tanso naman parang hindi mapakali dahil sa mga titig ni Jem.
"Hi."
"Nag lunch ka na Jem? Sama ka nalang sa amin kung hindi pa." aya naman ni S sa kanya.
"Sure, thank you."
"Jem, may balita na ba sa mga taong namaril?" tanong ko. Sana nahuli na nila at sobrang walang kwenta naman ng mga bodyguards nito kung hindi nila nahuli ang mga 'yon.
Umiling naman ito bago magsalita.
"Hindi na nila nahabol, nalaman narin ng father ko kaya s'ya na mismo ang gumawa ng mga paraan upang mahanap sila.""Thank you again, love." pasasalamat niya sa akin, ginulo ko nalang ang buhok nito saka pinisil ang pisngi.
"Guardian angel mo siguro ako." pagmamayabang ko dahilan upang ikutan ako nito ng mga mata.
"Tara na hoy, haharutan pa kayong dalawa. Sumbong ko kayo kay Zi." pagbabanta ni S sa amin, si Jem naman ngumisi lang na may pagkapilya.
Dumiretso kami kaagad sa restaurant ni pie na tapat lang nitong campus. Pagpasok ay tinawag agad ni S ang demogons at himala, present si hell today. Habang papalapit sa table nila ay nakita ko pa ang pagsabay arko ng mga kilay nila nang makitang kasama namin sila Jem at Nerdy. Oo nga pala at feeling ko pinagseselosan nila si nerdy namin.
"Hell hayop ka!" kagulat 'tong Iris at sisigaw nalang bigla.
"Hoy, balita ko pinatulog mo raw si Brenton?" hagalpak na saad ni hell. Nilapitan ko kaagad si Kitten ko at baka makurot na naman ako, masakit pa naman masyado.
"Sinuntok ako e, edi gumanti ako syempre. Kaso nga lang sipa 'yong sa akin at tumama sa baba n'ya kaya a'yon nakatulog." sagot ni I sa kanya.
"Hoy asan si tanso? kaya pala parang may kulang sa atin." putol ni S usapan nila.
"Oo nga no, always nalang talaga nawawala ang tansan na 'yon." sagot naman ni I saka umupo sa tabi ni Everleigh.
"Ah bahala s'ya sa buhay n'ya. Nga pala mommy kamusta naman fiance mo?" kung makatanong, akala mo talaga hindi s'ya ang may kasalanan.