CHAPTER 23

34.2K 1.2K 1.7K
                                        


-

"R! Bakit hindi ka pa nagpapalit? malapit na finale." halos mataranta na silang lahat sa pagbibihis samantalang ako nakabusangot lang sa gilid.

Hindi kasi sumasagot si Kitten at vacant ang upuan n'ya simula pa kanina no'ng nag start kami.

I tried to contact her pero wala man lang akong sagot na natanggap, hindi rin naman s'ya sumasagot sa calls ko.

"Wala ang kitten ko. Nakakapanghina talaga masyado, umasa pa naman ako na dadalo si pusa sa event na 'to tapos makikita ko nalang na wala s'ya." sagot ko sa kanya.

Sinabi ko na sa kanya ang exact date, place, and time kung saan gaganapin ang event. Paasa talaga palagi 'tong pusa at hindi man lang marunong magsabi.

"Wag ka mag alala malay mo may urgent lang na nangyari kaya na late. Dali na at kailangan ka ayusan!" bakit hindi n'ya nalang unahin ang sarili? Ni hindi pa nga rin s'ya nakapag-ayos!

"Miss Rochelle, kailangan mo na po magpalit." biglang sulpot no'ng isang staff.

"Wag ka na mag drama! sinabi ko naman sa'yo na pag may nangyari, may reason si Zi. Sige na po kaladkarin n'yo na ang donkey na 'yan." sermon nito sa akin saka binalingan ang dalawang babae.

Napabuntong hininga nalang ako bago sumunod sa gusto nila. Bahala na nga kung wala s'ya, basta pag hindi ko talaga s'ya nakita mamaya paglabas ko nang stage ay hindi ko na talaga kakausapin ang pusa na 'yon!

Sobrang mangha ako nang makita ang kinalabasan ng kasuotan. Corporate attire na nga pala kami ngayon at wow ha, bagay din pala sa akin ang ganitong style. Bilhin ko nalang nga 'to diretso mamaya pagkatapos nitong event.

As I look at myself in the mirror in my CEO corporate attire, I can see that I exude a sense of authority and refinement. Dressed in a tailored dark blue suit and crisp white shirt, the cut and fit of the outfit accentuate my size and suggest a level of competence and confidence. To further complete the look, I wear a dark blue silk tie with a subtle pattern, which adds an extra touch of sophistication. On my feet, I wear sleek, black leather dress shoes, further accentuating the professional aura of the entire ensemble.

"Suotin mo 'tong sunglass para mas lalong bumagay sa'yo. I'm sure pagkatapos nitong event hindi lang lalaki ang maghahabol sa'yo." sabi ni Aimee, s'ya kasi in charge sa akin.

"Mas lalong delikado 'yan Aimee, masakit pa naman manampal pusa ko." pabirong sagot ko sa kanya. Pero legit naman sinabi ko't masakit talaga manampal si Zia.

"Tara na sa backstage, stand-by na kayo."

Hindi naman gano'n karami ang tao, nasa 300 lang ang guests na dumalo. Live rin pala itong event tonight at thank you sa demogons dahil tumulong din sila sa amin. Nagsalita ang host hudyat na magsisimula na. Langya closer by ne-yo pa talaga ang background music ah.

"Ano, okay ka na ba?" tawag ni S mula sa likod, second to the last kasi ako tapos s'ya ang panghuli at nasa unahan ko naman si Keybold.

"Okay lang."

"Wag ka na sumimangot, mawawala din 'yan paglabas mo nang stage." sagot nito. Hindi naman ako nakasimangot? Simangot na pala tawag n'ya sa pokerface ko.

"Hindi kaya no."

"Hoy mga gaga pogi ko no?" biglang singit ni keybold sa usapan namin.

I looked her up and down, and I couldn't agree more - Pogi talaga si keybold ngayon sa suot niyang inner white cropped top, black trench coat, black high-waisted jeans, and low-cut white shoes. Parang Oppa monkey 'yan!

"Nasan ang sword ni oppa ilabas mo!" abnormal 'tong pinsan ko bigla nalang sisigaw.

"Sanaol pogi monkey." napailing nalang ako.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon