CHAPTER 20

26.1K 1K 1.5K
                                    


-

"Woooohooooooooooo"

"Heeeeeyaaaaaaaaaaa"

"Meeeeeeeeheheheheh"

"Heeyaaaa tigidigtigidig"

Mga abnormal agad bumungad sa akin pagbaba sa living room. Hindi ko alam nandito pa pala mga baliw na 'to.

Alam n'yo kung ano ginagawa nila? Para lang naman silang nagkakarera ng mga kabayo, kaso nga lang ang mga kabayo nila sila-sila lang din.

"Para kayong mga siraulo." Saway ko sa mga isip bata.

"Aaaaaaaaar eeeeeeeeeL! hala wow, pinaghandaan date nila ni kitten nya." Nagtaas-baba ako ng mga kilay, malamang paghahandaan ko talaga kasi first date namin.

"Naks, saan mo dadalhin ang kitten? Baka dalhin mo sa hotel ha" sarap manakal ng isang Shara Jane.

"Ang dumi talaga lage ng iniisip mo, hindi sa condo lang niya." Pero kung mangyayari, sure and why not?

"Aalis ka na ba?" Tanong ni keyboard, nagbabalik na pala siya.

Sakto tumunog phone ko kaya napatigil ako. Bahagya akong na sorpresa kasi ang caller ko ay walang iba kundi si kitten. Nag excuse ako sa kanila at lumabas ng bahay bago sagutin ang tawag dahil napakaingay nila sa loob.

"Zia?" tawag ko agad sa kanya.

Hinintay kong magsalita s'ya pero tahimik lang sa kabilang linya.

"Zi-"

"Love" she huskily called my name.

Tapos narinig ko s'yang umubo, 'yong boses n'ya parang may sakit at nahihirapan magsalita.

"Are you okay? Teka may sakit ka ba?" medyo nag-aalala na ako sa kanya dahil panay na ang ubo sa kabilang linya.

"Yes and I don't think matutuloy ako ngayon" mahinang sagot nito.

"Nasa condo ka ba?"

"Yes"

"I'll be there soon" Sabi ko at pinatay ang tawag.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila at nagmadaling tumakbo papuntang garage upang sakyan ang big bike ko. I don't wanna waste time at pinaharorot agad patungo sa condo ni Ziallyn. Hindi kalayuan ang condo sa bahay nila Sj kaya mabilis lang din ako nakarating. Nandito na ako ngayon sa tapat ng unit at inayos muna ang sarili bago mag doorbell.

Nakatatlong attempts na ako at hindi parin bumubukas ang pinto. Tatawagan ko na sana ang pusa nang biglang bumukas ito.

Isang namumutlang pusa na naka night gown pa ang sumalubong sa akin. Nagulat ata ang pusa na makita ako dahil bigla nalang natulala.

"Baby kitten" tawag ko at niyakap s'ya.

"Don't hug me, I'm sick. What are you doing here?" paubo-ubo pa n'yang salita.

Pero hindi ako nakinig sa kanya at mas hinigpitan pa ang pag yakap. Sexy at ang bango naman ni pusa kahit may sakit.

"Let's go to your room na. Wrap your legs around my waist tapos kamay mo sa batok ko. I'm gonna carry you since you're sick and weak" bulong ko at hinalikan ang pisngi n'ya.

Hindi n'ya sinunod ang utos ko kaya ako na mismo ang kumarga sa kanya.
"Rochelle!"

"Wag matigas ulo, baby kitten. Sundin mo na utos ko" seryosong sabi ko sa kanya.

This time ay ipinalupot niya ang mga kamay sa aking batok at ang mga binti sa aking bewang. Ang cute kasi para siyang bata tapos ibinaon ang mukha sa aking leeg habang karga-karga ko.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon