-"Love, go take a shower. I'll prepare your clothes."
Nandito ako ngayon sa penthouse ni Jem, dito n'ya kasi ako dinala. Hindi ko pala nasabi na anak s'ya ng isang governor.
Naiiyak ako dahil sa nangyari kanina, naiiyak ako pag naiisip kong pinagmukha akong tanga. Alam ko naman mas mahalaga si S at wala talaga akong laban sa kanya, pero sana man lang hindi ako pinagmukhang tanga at pinaasa. Lagi nalang talaga ganito nangyayari sa akin. I know S told me na walang patutunguhan kung magseselos ako sa kanya pero hindi nya ako masisisi kung yun nararamdaman ko.
Pinipilit ko sa sarili kong okay lang kahit ang totoo ay nasasaktan na ako. Ang hirap ng ganito, yug gusto mong babae may gusto sa iba at ang masakit pa ay sa pinsan ko pa. History repeats itself nga naman, gago kahit anong pilit kong sabihin sa utak ko okay lang pero yung puso ko parang sinasaksak. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha.
"Kawawa ka naman Rochelle Love" mapait akong ngumiti.
"Love?" Napatigil ako dahil sa pagtawag ni Jem sa labas.
Binilisan ko na ang kilos dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko nalang matulog. Pagbukas ko ng pinto si Jem agad ang nakaharap kong nasa tapat lang ng nitong banyo.
"Are you okay?" Nag-aalala nyang tanong kaya tumango lang ako sa kanya.
"Mag bihis ka muna, hindi ka pa kumain?" Umiling lang ako saka kinuha ang damit na bigay n'ya.
"I want to sleep Jem" matamlay kong sagot sa kanya. Bumibigat na kasi talaga mga mata ko at gusto ko nalang matulog, wala rin akong gana kumain. Itutulog ko nalang tong pang g-ghost ni kuting sa akin kanina.
"Alright, mag bihis ka na muna. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako okay?" sabi n'ya at hinaplos ang pisngi ko.
Tipid akong ngumiti. "Yes, thank you"
Lumabas na sya ng kwarto kaya nagmadali ako mag bihis. I checked my wrist watch at maaga pa pala. 8pm palang pero bahala na dahil gusto kong matulog, weekend bukas kaya okay lang kahit dito ako matulog. Umakyat ako sa kama at inayos ang pagkakahiga, wala pang 5 minutes nilamon na ako ng kadiliman.
Naalimpungatan ako dahil sa boses ni Jem, parang nakikipagtalo sa isang tao. Ang lamig masyado pero yung buong katawan ko sobrang init.
"You really have the guts to say that?"
Bahagya kong iminulat ang mga mata upang tignan si Jem. Nasa may paanan ko s'ya nakatayo at may kausap sa phone, feeling ko nakikipag-away 'to dahil nakakunot ang noo n'ya.
"She's with me at wala akong plano sabihin sayo kung saan kami" bakas sa kanyang boses ang pagkairita habang minamasahe ang kanyang batok.
"Jem" mahinang sambit ko kaya napalingon ito at agad na nilapitan ako.
Babangon sana ako kaso ang sakit masyado nong ulo ko what the heck.
"Love, may lagnat ka" biglang nag-iba ekspresyon nya, kung kanina ay galit ngayon naman ay napalitan ng pagkabahala.
Oh may lagnat ako? kaya naman pala sobrang lamig at ang init ng pakiramdam ko sa loob ng katawan ko. S'ya narin mismo nag ayos ng comforter ko, baet masyado nitong babaeng ito.
"Sino kausap mo?" Mahinang boses na tanong ko, bakit paos ako.
"Just a bug" she said and ended the call.
Napansin kong cellphone ko pala ang hawak ni Jem, pero hindi ko na tinanong kung sino ang tumawa. Baka si Sj lang yun at tinanong kung nasaan ako.
"Are you hungry?" tanong n'ya. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumango ako. Nanghihina parin ako at wala ako sa mood magsalita.