CHAPTER 4

21K 1K 1.3K
                                    

AN: Unedited.

-

"Knock knock! aaaaaar eeeeeeel!"

"Honey my love so weeeeet, open the door please. I came here to apologize!"

Umagang-umaga malaking boses agad nambulabog sa tulog ko. Ano ginagawa nila rito sa bahay?

"Huhuhh aaaaar eeeeel, magbibigti talaga ako rito sa pinto pag hindi mo 'to binuksan"

Piniringan ko ang mga tenga pero tumatagos parin talaga ang boses n'ya. Gusto ko pa sana matulog pero hindi naman ako titigilan ng babae na 'to.

"AAAAAAAAR EEEEEEEEEEL!"

Padabog akong bumangon at tumayo upang pagbuksan ang unggoy na nambubulabog sa tulog ko.

"Donke--"

"Ano ba keybold!" iritado kong tawag sa kanya pagkabukas nang pinto. Lawak naman ng ngisi, saya nya siguro dahil successful ginawa n'myang pang bwesit sa umaga ko.

"Ano?" tanong ko ulit.

"Bakit ba tulog ka pa! Bumaba ka na at kakain na tayo" panenermon ni keyboard. Feel at home na talaga masyado, kahit nandito sila tita. Dinaig pa nga nila kaming dalawa ni Sj.

"Okay, mauna ka na magbibihis lang ako" sabi ko at sinaraduhan s'ya ng pinto. Nang matapos akong mag bihis ay bumaba narin ako para saluhan sila sa pagkain. Baka kasi balikan ulit ako ng monkey na yun kung matatagalan ako.

"Buti naman at bumaba ka pa" salubong agad sa akin ni kb. Napansin ko lang wala sila tita, baka gumala na naman sila ni tito na dalawa. Kami nalang talaga palagi ni Sj naiiwan dito sa bahay.

"Bakit ba nandito kayo, ang aga n'yo naman kung mambulabog" sagot ko sa kanya at tumabi kay Sj na abala sa pagkain.

"Bored kami e, may gagawin tayo" sabi naman ni A

Sino kaya nagluto nitong mga pagkain, marunong pala silang magluto? Hindi halata sa mga pagmumukha nila. Gusto ko pa talaga matulog dahil napuyat ako kagabi, anong dahilan nandito sila at anong gagawin namin?

"Galing naman at binulabog n'yo pa talaga ako dahil lang sa bored kayo?" sabi ko at dumukot ng pagkain. Ano gagawin namin? paniguradong kalokohan ulit yan. Hindi na ako magtataka kung sasabihin nilang mag pulubi challenge kami.

Napansin kong nakasimangot si S habang kumakain, ano problema nito?

"Oh bakit nakasimangot ka?" Tanong ko sa kanya bago sumubo.

"Kasi si pie mawawala ng isang linggo dahil kailangan n'ya asikasuhin ang business sa france. May problema raw kasi" sagot nito at ngumuso

Napatango nalang ako matapos n'yang sabihin ang dahilan. Sus, isang linggo lang pala mawawala kung makasimangot naman akala mo talaga hindi na babalik.

"Oh wag na malungkot, isang linggo lang naman pala mawawala. Buti nga hindi 4years" pang aasar ko sa kanya saka inikutan ng mga mata. Medyo masakit parin mukha ko dahil do'n sa nangyari sa amin ni S. Namaga nga.

"Ano pwede ipanghalo sa adobo?" Biglang tanong ni K

"Paminta, toyo at suka pero dapat pantay lang bakit?" sagot ni I.

Adobo lang hindi pa marunong lutuin ni keybold hays iba talaga pag mayayaman.

"Ay bobo ka, akala ko sandok" sabay pa kami nabilaukan nina S at A dahil sa sinabi ni K.

Tangena naman nito nilang dalawa, kahit pagkain walang pinapalampas sa mga kagagahan.

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHA" tawa naming dalawa ni S.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon