CHAPTER 9

23.5K 1K 2.6K
                                    


-

Iba pala talaga pag ikaw na binibenta rito sa stage, mata ng mga tao nasayo lahat. Paano nagawa ni I ang tumawa kanina? dapat ba kapalan ko rin mukha ko? Hindi ako na informed ako pala masasalang sa auction edi sana nakapagtago ako at hindi pumunta rito. Jusko lord, yung heartbeat ko kulang nalang atakihin ako sa puso. Pagmumukha ng mga kaibigan ko ang lakas mang asar, laki ng nga ngiti ah. Ngiting demonyo at sasarap burahin sa mundo.

"Let's start the bidding now!"

"1 peso!" tangena nito ni keyboard parang tanga.

"69 pesos!" humagalpak ako ng tawa dahil sa offer ni S hayop.

"100 pesos!" isa pa 'tong A at gagaya pa sa dalawa.

Natawa narin tuloy ibang mga tao at auctioneer dahil sa kanilang tatlo, comedy masyado mga baliw e.

"20k" napatingin ako sa number 29, gage hindi ko kilala kung sino pero maganda.

"30k" ngayon naman si number 89, hala s'ya 'yong babaeng nanampal sa akin tangena. Anong binabalak nito at nag bid ang bruha.

"45k" offer ni number 162, walangya hindi ko kilala ang mga babaeng 'to!

"100k" at ayan na nga umabot na sa 100k, galing kay number 7 ay hala kilala ko 'to, sya yung humingi ng number ko nong nakaraang araw.

"150k" offer ulit ni number 29. Mga kaibigan ko chill lang sa baba, parang nanonood ng movie habang lumalantak ng mga pagkain.

"180k" balik na offer ni number 7.

Hindi naman siguro aabot ng 1 million patong sa ulo ko nito no?

"200k" offer ulit nong sumampal sa akin, manalo nalang siguro iba basta wag lang sya. Sinulyapan ko muli ang mga kaibigan at nakita ang pag ngisi ni S. May balak to! sure ako d'yan!

"240k" new offer kay...hala gago! napanganga nalang ako dahil si miss nurse nakikisali sa bidding what the heck.

"Langya" I muttered.

"BAHAHAHAHAAHAHAHAHAH" lakas ng tawa ni S parang baliw ampotek.

"400k" napataas ang kilay ko dahil nagsimula na silang mag offer. Buti at hindi ginawang million agad ni K.

"450k" rebat ulit nong babaeng nanampal. Hoy anong kailangan n'ya sa akin!

"480k" New offer kay number 1! halaaaa sya yung classmate namin ni Jem na owner ng isang condo building, at bakit nag bid sa akin to? Jusko, pati mga classmate ko hindi ko kilala.

"550k" huhu ayaw ako tigilan ni sampal girl. Manalo na lahat basta lang talaga wag s'ya. Lintik na buhay, dapat talaga ipanalo ng mga kaibigan ko 'to!

"550k going once!"

"700k" sabay taas ni S nang hawak nyang numero.

Biglang tumayo si Ziallyn at lumabas ng convention hall, ay saan pupunta ang kuting na 'yon? may tinawagan ata, bahala s'ya.

"750k" banat ulit nong classmate ko.

"1 million" Ayan na nga, binagsakan na ni S ng isang milyon.

"1 million going once..."
.
.
"Going twice..."

"1.5 million" ayaw talaga patalo ni sampal girl jusko. Na love at first sight siguro sa akin? Di naman sa pagmamayabang, nagbabakasakali lang.

"2 million" new offer ni keybold at nagtaas baba ng mga kilay.

"3.5 million" offer ulit nong classmate ko geez.

Napabuntong hininga ako, kaloka tong auction na to, nakakamatay sa sobrang kaba.

ᴘᴜ1 : ʟɪᴠᴇ, ʟᴏᴠᴇ, ʟᴀᴜɢʜ (ɢxɢ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon