-
"Bakit nakasimangot ka donkey?" nandito ulit 'tong mga baliw upang guluhin ako.
Diba nga dapat date namin ni kitten today? Ang problema ay tinawagan daw s'ya ni tita Shirley para maging proxy nito sa isang business trip. Kaya ayon, hindi natuloy ang date namin. But it's okay dahil maiintindihan ko naman ang pusa kaso nga lang miss ko na s'ya at wala akong maasar.
Fiesta na today pero nandito lang kami nakatambay sa rooftop. Wala rin kaming maisip na gagawin pa kaya tambay nalang muna.
"Wala, bored lang. Ano magandang gawin today?" sabi ko at itinuon ang atensyon sa ibaba. Ang ganda talaga tambayan dito dahil natatanaw ang downtown lalo na pag gabi dahil sa iba't-ibang kulay ng mga lights.
"Tumalon ka ulit R, may 6 attempts ka pa naman" kung si Iris kaya ang ihulog ko since s'ya naman nakaisip?
"Alam mo Aaar eeeL kung may problema ka..." ang hilig mambiting nito ni kb palagi.
"Ano?" kunot noo kong tanong.
"It's your problem" anak ng!
"BAHAHAHAHAHAHAAHHA nice nice doggy I like that!" napasampal nalang ako ng noo.
"Tama nga naman HAHAHAHAHAHA" matatamaan na talaga 'to si Iris sa akin soon.
"Kantahan ka nalang namin donkey, nag practice pa nga kami sa kantang 'to. Gusto mo marinig?" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Sj.
Anong kanta kaya 'yan? Hindi na talaga ako umaasa na matinong kanta ginawa nila.
"Sige go, rate ko kung maganda" sagot ko sa kanya at sumandal sa railing.
"Teka may sasabihin pa ako" sabi ni K
"Ano ba 'yon?" Kunog noo kong tanong.
"Wag kang maniniwala sa swerte R" dagdag pa ni kb at umiling.
"Bakit?"
"Malas 'yan" tangena, sana kayanin ko today ang mga kaibigan ko.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"
"Wow naman ang horsey ko at gumaganyan na, patuloy mo 'yan BAHAHAHAHAHA" proud na proud talaga sa kanya pinsan ko eh.
"Lalong huwag kang magsisinungaling R, dahil hindi ka lang din magsasabi ng totoo" napakagat labi nalang ako habang ang mga kaibigan ko ay halos mamatay na kakatawa. Ihulog ko kaya si Kb para 6 attempts nalang din life n'ya?
"HAHHAHAHAHAHAHAHAHA ang dami mong baon today keybold ha" tinignan ko nalang ng masama si Iris.
Mabuti pa 'tong si Ag ay chill lang sa gilid na nagpapahangin. Malalim ata iniisip ni doraemon, baka bebe na naman nasa isipan nito.
"May sayad na ata kayo, kung hindi ako nagkakamali" sabi ko at inirapan sila.
"Kung hindi ka nagkakamali, ibig sabihin no'n may tama ka na" napapikit nalang ako ng mata dahil naiinis na ako, hindi sila nauubusan ng mga kalokohan!
"BHAHAHAHAAHAHHAAHHA omg, lab ko mood mo today keybold" natatawang saad ni S at umupo sa gilid.
I gently massage my temple at sinamaan sila ng tingin. "Hindi ko na kakayanin ang mga trip n'yo sa totoo lang"
Tinawanan lang nila ang sinabi ko pft.
"Kung hindi mo na kaya RL, ipagawa mo sa iba" sabat naman ni Ag. Pati ba naman s'ya ay pagtitripan ako!
"HAHAAHAHAHAHAH may tama talaga si Ag do'n" sakit nila sa ulo isipin ha.
"Hindi mo malalaman ang halaga mo R, kung wala kang kwenta" pigilan n'yo ako at baka masuntok ko na 'si Iris.
"Nanggigigil ako sa inyo mga gago!" Pagdadabog ko at umupo sa tabi ni Sj.
